Nicole POV
"Di ka ba aalis? Itigil na natin to. Di ka ba nagsasawa? Pagod na ako! Hindi na ako yung dating Nicole na nakilala mo! Hindi na ako yung babaeng mahal mo JP, pwede bang tumigil kana!?"
"Nicole wag ka naman sumuko, wag mo naman sukuan yung tayo. Nicole naman, willing naman ako mag hintay eh. 2 taon tayo Nicole itatapon mo lang ng ganon ganon lang? Nicole naman pakinggan mo naman ako"
"Hindi na kita mahal JP. Please kung may natitira ka pang awa sa sarili mo umalis ka na! Umuulan na basa na ako basa na din mga gamit ko pwede bang isipin mo naman ako!? Pano kung magkasakit ako?"
"Nicole naman diba sabi ko sayo pakakasalan kita, heto na Nicole nakapag ipon na ako. Naka bili na ako ng singsing Nicole naman kaya natin to. Nicole malapit na ako matapos ng kolehiyo Nicole. Pano na mga pangarap natin?"
"JP ayoko na. Hindi na kita mahal."
"Ganon - ganon na lang yon!? Tatapusin mo na lang lahat ng yon!?"
"Tapos na tayo."
Krriiiiiiiiiiiiing!!!!
Isang maaliwalas na umaga ang bumungad sakin. Nanaginip lang pala ako. Kaya ayokong nagsusulat ng mga kuwento eh. Nagiging totoo kasi sila sakin. Kagaya niyan, napaniginipan ko naman ngayon ang kuwento ng sinulat ko na Pride Over Love. Eh kahapon lang ang napaniginipan ko naman yung isa Kong sinulat na February 14.
Ewan ko ba. Eh ang tagal ko na sinulat yung mga kuwento ng yan pero Di ko alam bakit ko sila napapaniginipan.
By the way, Nicole Salas flight attendant 20. Virgin may tatlong ex. Di ka naniniwala? Try mo ko. Joke lang HAHAHAHAHHAHA mabait naman ako Di nga lang ako pala kaibigan lalo na pag Di ko trip yung tao kaya ayon
Bukod naman kay Anna eh wala na akong kaibigan pa. O Baka isipin niyo nerd ako ah, HAHAHAHAHAH hindi no. Jusmiyo marimar hindi ako ganon. Sadyang Di ko lang trip makipag kaibigan sa mga to.
O siya mag duduty muna ako dito at dumadami na ang mga pasa hero na pumapasok babussssh
BINABASA MO ANG
Are You Brave Enough?
RomanceHanggang saan ang kaya mong gawin para sa taong mahal mo? Hanggang saan ang kaya mong gawin para sa pag ibig?