Chapter I - Imahe

27 1 0
                                    


Isa ako sa mga nakilahok sa Profile Design sa isang website. Hindi ko na babanggitin kung anung website iyon pero hanggang ngayon ay pwede pa itong ma-access.


Masayang-masaya ako ng araw na iyon. Excited sa kung anumang kalalabasan ng aking profile since Halloween ang theme medyo hindi natin maiwasang matakot sa mga ornamentong ilalagay ko sa aking profile. Kung mas nakakatakot nga naman ay tiyak na magugustuhan ito ng mga moderators ng website at posibleng isa ako sa kanilang mapili.


Pasadong 1:30 am ng mga oras na yun kaya tinigil ko muna ang pagdedecorate sa aking profile, isa pang kadahilan ay masakit na aking mga matang kanina pang nakatuktok sa computer screen na walang ginawa kundi tingnan ang mga profile ng ibang lumahok sa contest.


Maya-maya pa ay inayos ko na ang ilan sa mga imahe na kailangan kong ilagay sa aking profile, kunti na lamang ito at maaari ko na itong ibigay sa mga moderators. Masayang-masaya ako sa nagawa kong profile kahit puyat at pagod man. positibo akong mapipili at makakasama sa top 10 sa contest.


Nagdesisyon na akong matulog habang pinagmamasdan ang ilaw na nagmumula sa labas na tumatama sa malaking salamin sa aking paanan ng biglang dumilim ang aking paningin. isang madilim at wala kang maaninag na ilaw sa kahit anung sulok nito para itong infinite na kadiliman na bumabalot sa kwarto. Hindi rin ako makagalaw sa aking kinahihigaan.


Maya maya pa ay may nakita akong liwanag sa bandang kaliwa ko ng gagaling ito sa isang poste sa labas. Bigla akong napatingin sa malaking salamin na nasa paanan ko. tumatama ang ilaw sa poste papunta sa salamin. Hindi ko alam kung bakit nabalutan ako ng takot habang pinagmamasdan ang salamin at nakikita ko ang mga sanga ng punong gumagalaw dahil sa malakas na hangin sa labas.


Napatitig ako sa kaliwang bahagi ng kama, mahimbing na natutulog si mama at ang nakababatang kong kapatid, gusto ko silang gisingin pero takot na takot ako ng mga oras na yun. para bang may pwersya na pumipigil saakin para magawa kung gisingin si mama at ang kapatid ko.


Mas lalong bumigat ang aking pakiramdam sa loob ng kwarto, hindi ko alam kung saan nanggaling ang napakabigat na pwersyang ito, biglang nabaling ang aking tingin sa aming malaking salamin sa may aparador. Laking gulat ko na may isang napaka-laking anino akong nakita hindi ito gumagalaw sa kanya kinatatayoan ngunit biglang nagbago ang ihip ng hangin sa labas kaya tuluyan itong naglaho. "Baka naman isa itong puno na hugis tao sa labas". bulyaw ng isipan ko.


Mga mata ko lamang ang tanging nakakagalawa sa mga oras na yun, halos kita ko ang lahat na nangyayare sa loob ng kwarto agad akong napatitigtig ulit sa salamin at nakita akong unti-unting bumabalik ang isang malaking tao sa salamin na animo'y nakatigtig sa akin at naka ngisi. Hindi ko maaninag ang kanya mukha sa salamin. mga ilang minuto siyang nakatigtig saakin na para bang galit na galit.


"Puno lang yun!". Giit ko sa aking sarili. ng bigla itong gumalaw nakita ko ang matutulis nitong mga kamay habang palabas ng salamin at unti-unting lumalapit sa akin. wala akong magawa kundi ipikit ang aking mga mata. Ilang minuto ang lumipas ng idinilat ko ang aking mga mata at bigla silang bumungad sa paanan ko. unti-unti itong gumagapang papunta saakin. wala akong makita sa kanyang mukha pinilit niyang buksan ang aking mga mata ng nagkaharap ang aming mga mukha. halos magsisigaw ako sa takot ngunit walang boses ang lumalabas sa aking bibig.


Unti-unti nyang itinusok ang kanyang matutulis na kamay sa aking dibdib habang tumatawa ng pagkalakas lakas na nakakabingi. habang nagpupumiglas ako sakanya tuluyan akong kinakain ng aming higaan kasama siyang lumulubog at sa punto ito ay nahihirapan na akong huminga. Naalala ko ang sinabi sa akin ni Papa na nabanggitin ko ang pangalan ni "Jesus Christ". Ginawa ko ito. Hindi ko pa tapos banggitin ang kanyang pangalan bigla itong naglaho at nakita ko ang aking sariling nakahiga katabi sila mama at ng kapatid ko.


Dali dali ko sanang bubuksan ang ilaw sa silid upang gisingin silang dalawa pero pinigalan ako ulit ng aninong matutulis gamit ang kanyang mga kamay. mas malakas siya kumpara kanina halos ibalik nya ako sa aking kinahihigaan. nag-iiyak ako sa takot at iniisip kong hindi na ako makakawala sa kanya ngayon.


Hindi ko na nagawang lumaban dahil nanghihina at hindi makagalaw ang aking katawan sa mga nangyare. gusto ko na lamang ipikit ang aking mga mata. nagdasal ako ng taimtim habang nakapikit at paulit ulit ko binigkas ang pangalan ni "Jesus Christ". agad akong makaramdaman ng lamig sa aking katawan dahilan upang magising ako sa bangungot na nangyayare sa akin.


Kinurot ko ang aking sarili, nagagalaw ko na ang aking katawan tiningnan ko sila mama at kapatid kung natutulog ng mahimbing at agad kung pina-ilaw ang kwarto. Nagising si mama at tinanung ako kung anung nangyayari sakin. Napangisi lang ako kay mama at agad ko ring pinatay ang ilaw at agad na bumalik sa aking kinahihigaan.


Hindi ako makatulog ng mga oras na yun, halos takot na takot ako sa nangyare na sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata ay posibleng makita ko nanaman ang kung anumang katatwang linalang na iyon.


Isang malakas na alarm sa aking phone. Agad akong bumangon at binuksan ang aking laptop upang tingnan ang resulta ng contest. Laking tuwa ko ng kasama ako sa Top 5. Habang Pinagmamasdan ko ang profile ng mga nanalo may isang imahe na pareparehas akong nakita sa kanila. Na agad kong kinagulat na naalala ang nangyari sa gabing iyon agad kung isinara ang laptop at nagtungo kay mama para ikwento ang kakatwang nangyari sa akin ng gabing iyon.


Thank you for Reading!

Don't forget to leave comments.

Dark Entities (Sleep Paralysis)Where stories live. Discover now