"Markkkk! Marrkkk teka lang!!". Sigaw ng isang babaeng tumatakbo papalapit sa kanya. "Oh Claire! ikaw pala! Good Morning!". bati ni Mark kay Claire na hingal na hingal pa sa katatakbo nito.
"Bat parang ang lalim ng iniisip mo?". Giit nito kay Mark. Sa nangyari kagabi hindi parin maiwasan ni Mark na magtanung sa sarili sa kanyang mga nakita at napanaginipan. Gusto nya itong ibahagi kay Claire pero inisip nya na baka isipin ni Claire ay nababaliw na sya.
Hindi parin kumikibo si Mark sa sobrang lalim ng kanyang iniisip. Paano nagkaroon ng connection ang mga imahe sa bangungot na nangyari sa kanya lalong lalo na makita nya ang mga imahe sa bawat profile ng mga manalo sa contest. Gulong-gulo ang isipan ni mark na sa tuwing matutulog siya ay sobrang takot nya ay makikita niya nanaman ang nilalang na iyon.
---
Oras na ng kanyang klase kaya nagmamadali itong pumasok sa klase ni Proffesor New.
"Demon within us, may mga kanya kanya tayong demon na itinatago sa ating sarili". Giit ng guro na nagtuturo ng isang Greek Methology na kaugnay ang mga demon articles na inuulat nito sa klase.
"Prof! Anung demon meron ka ba?". banggit ng isang estudyante na tawang-tawa sa kanya sinabe pati na din ang kanilang mga kaklase.
"Kaya kong controllin ang grades mo at hatakin pababa". Seryosong sambit ng prof nila.
Si Mark naman ay sadyang nakatulala sa isang bintana at napakalalim ng kanyang iniisip ng bigla siyang tawagin ng kanyang proffesor. "Mark? Are you with us? or hinahanap mo ang demon mo". napatingin lang si Mark sa kanyang guro.
Nang matapos ang klase agad na tumungo si Mark sa office ni Proffesor New upang magtanong tungkol sa nangyari sakanya. Isinalaysay ni Mark ang lahat ng nangyari sa kanya sa gabing iyon. agad din namang pinayohan ni Proffesor New si Mark.
"Siguro naman ay pagod ka lang ng gabing iyon. Nangyayari ang Sleep Paralysis or Bangungot tuwing pagod na pagod or di kaya stress ang isang tao. Maraming explanation ukol sa bagay na ito Mark. possibleng nakita muna ang imaheng yon baga mo nakaranasan ang sleep paralysis kaugnay dito na na rehistro ng utak mo ang mga imaheng linagay mo sa profile mo ng gabing iyon na nagsilbing ponto ng buong pangyayari". Giit ni Professor New.
Hindi parin maiwasan ni Mark ang magtaka dahil alam niyang hindi pa nya ito nakikita bago siya natulog ng gabing iyon. isa pa rito ay bakit sa mga nanalong profile ay nakalagay ang imahe ng isang aninong matutulis ang mga kamay katulad na lamang sa kanyang panaginip.
Agad na nagtungo si Mark sa Library nakasalubong niya si Claire. "Mark papunta ka din bang library". sambit ni Claire na may mga dalang aklat, biglang napatitig si Mark sa dala nitong aklat na may nakasulat na "Demon within us".
"Yan ba yung topic ni Proffesor New kanina sa klase namin?". sambit ni Mark kay Claire habang nalalakad sila papuntang Library. "Naniniwala ka ba sa Demon?". giit ni Claire. Napatingin si Mark sa isang sulok ng library na napaka lalim ng kanyang iniisip.
"Claire, may kukwento ako sayo". sambit ni Mark kay Claire. sinalaysay ni Mark ang buong pangyayari kay Claire napatulala din sa mga nabanggit ni Mark sa kanya na ramdam mo sa kanyang mukha ang takot. agad na binuksan ni Claire ang libro at may pinabasa kay Mark.
"Alam mo bang ang concepto ng "Demon within us" agad mang isinalaysay ni Claire ang mga nakalagay sa libro.
---
"Mag gagabi na pala, Hindi ka pa ba uuwi, hali kana sabay na lang tayong umuwi. Wag mo nang isipin mga yun malay mo nakataon lang talaga yung mga ganun bagay. Wag mo na lang isipin masyado masstress ka lang". Giit ni Claire kay Mark.
Agad na nagtungo ang magkaibigan sa isang fast food para dito kumain ng biglang napapatignin si Mark sa isang bakanteng lote at may lalaking nagsusulat sa pader na "Demon Within Us". pero sa isang iglap ay wala din naman ito. walang nakasulat sa pader na kahit ano pansin ni Claire sa mukha ni Mark ang takot at kaba.
---
Agad na umuwi si Mark pagkatapos nilang kumain. Binuksan niya ang kanyang laptop at tuloy ang pagresearch sa mga iba't-ibang klase ni Demons, mga articles tungkol sa sleep paralysis and kung anu pamang kababalgahan na lumabas sa result sa internet. "Kung bakit ba tinutuon ko ang oras ko sa kakaisip sa mga ito. Pinapagod ko lang ang sarili sa pagiisip ko sa mga nangyare". bulyaw nya sa kanyang sarili.
Isang malakas na alingawngaw sa labas ng bahay nila Mark kaya napabangon si Mark sa kanyang kinahihigaan. Dali dali siyang bumababa at nakita nyang nasa sala ang kanyang mama. agad niya itong tinanong kung anu ang nangyayare sa labas.
"Si Alex, Hindi daw ito makahinga ng maayos". sambit ng kanyang ina.
Sumilip si Mark sa bintana nila at nakita nya si Mang Alex na binubuhat ng rescuer sa labas upang dalhin sa hospital. may napansin siyang kakaiba habang binubuhat ito ng mga lalaki papasok sa ambulansya. Nakatitigtig ito kay Mark napara bang nagmakakaawa ito sa kanya. nagpupumiglas ito at nanlilisik ang mga mata .Paulit-ulit na may sinasabi si Mang Alex habang isinasakay ito sa ambulansya.
"Ma, nakita mo si Mang Alex habang sinasakay sa ambulansya". Giit ni Mark sa kanyang ina. Agad na napaisip ni Aling Cora dahil wala naman itong nakitang kakaiba habang pinapasok ito sa ambulansya. Napatingin na lang ito sa kanyang anak na si Mark sa kung anumang pinagsasabi nito habang tinititigan ang ambulansya sa labas.
"Anak, magpahinga kana! gabing gabi na". Giit ng ina ni Mark sakanya.
Hindi maalis sa isipin ni Mark ang nangyari kay Mang Alex. Maraming mga bagay bagay na bumabagabag kay Mark na hindi nya mawari.
Thank you for Reading!
Don't forget to leave comments.
YOU ARE READING
Dark Entities (Sleep Paralysis)
HororIsang bangungot lamang ba ito para kay Mark?. O! may iba pa itong kahulugan na bumabalot sa kanyang mga panaginip. Anu-ano kayang mga katatwang nilalang ang kanyang makakaharap sa tuwing mananaginip siya at anung misteryong bumabalot sa kataohan ni...