"'Te alis na 'ko," paalam ko kay ate nang makababa na 'ko ng hagdan. First day of school namin ngayon, at sa wakas college na 'ko hehe.
"Sige mag-iingat ka!" rinig kong sigaw ni ate mula sa kusina, kaya dumeretso na 'ko palabas ng bahay.
Bagong lipat lang ako dito sa Bulacan at galing akong Laguna, kinuha ako ni ate dahil sa isang kadahilanan, at ayo'ko nang alalahanin pa 'yun.
Pagkarating sa bagong school na papasukan ko, agad akong dumeretso sa College Department at hinanap ang room 307.
Nang makita ang classroom na siyang papasukan ko, kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok, pumwesto ako sa pinakaharap, wala pa ang professor kaya kinuha ko muna ang cellphone at earphone ko para makinig ng music.
Pero napatingin ako sa katabing upuan ko nang may umupo ditong babae, nakasimangot siya at mukang bad-trip, kaya hindi ko nalang binati, baka mapagbuntunan pa 'ko ehh mahirap na hehe.
Maya-maya lang ay sa wakas dumating na rin ang prof namin, introduction and briefings lang naman ang ginawa namin, hindi muna siya nag discuss dahil first day palang naman daw.
Break time...
Palabas na sana ako ng classroom nang may tumawag sa pangalan ko.
"Vanessa?"
"Yes?" tanong ko sa katabi kong babae kanina na siyang tumawag sa 'ken, kung hindi ako nagkakamali Ivy ang pangalan niya.
"Okay lang bang sumabay ako sa'yo sa canteen?" medyo nahihiya niyang tanong, kaya nginitian ko siya at tumango. Wala nang arte-arte at hiya-hiya, para naman magkaruon na 'ko ng kaibigan dito, ang hirap kaya ng mag-isa tapos wala ka pang kakilala.
"Oo naman, tara na at medyo nagugutom na 'ko heheh."
"Hindi halata sa'yo hehe." Napasimangot ako dahil sa sinabi niya. Feeling close na agad 'to, hindi pa naman kami ganu'n kaclose nang-aasar na agad, palibhasa payatot tss.
"Grabe ka naman, hindi naman ako ganu'n kataba, chubby lang, at saka hindi mo ba alam na chubby is the new sexy? Hindi mo pa ba narinig ang balitang 'yon?"
"Sorry hah, hindi kasi ako nanunuod ng balita ehh."
"Simulan mo nang manuod, para naman hindi ka nahuhuli sa balita, hay nako."
"Oo na po hahah."
Habang kumakain nagkukwentuhan lang kami ni Ivy, hindi siya ganu'n kadaldal pero okay na rin, ke'sa naman wala akong kausap hehe. Nakuwento niya na lumagpas 'yung jeep na sinasakyan niya kanina kaya naglakad pa raw siya papunta dito sa school, kaya pala muka siyang bad-trip kanina hahah.
Maya-maya pa'y may lumapit sa aming dalawang babae, 'yung isa payat ta's 'yung isa maliit nice hehe, kaklase rin namin sila, kung 'di uli ako nagkakamali, 'yung matangkad na payat ay si Mica, tapos 'yung maliit naman ay si Liezel.
"Pwede bang maki-upo dito sa table niyo?" tanong ni Mica. Tinignan ko ang paligid, marami pa namang free na table, pero hayaan mo na nga.
"Ayy hindi kayo pwedeng umupo sa table, pero kung 'yun talaga ang gusto niyo, sige kayo ang bahala," biro ko sa kanila na tinawanan naman nila.
"Ayy sa upuan pala, sorry naman no," natatawang sagot ni Mica, sabay upo sa tabi ko, sa tabi naman ni Ivy umupo si Liezel.
Ayan ang saya, nadagdagan uli ang bagong kaibigan ko, more kwentuhan at more tawanan, kaya ang ending, nalate kami sa klase tss.

YOU ARE READING
The Gym Instructor and I
ContoVanDen 1 [ONE-SHOT] "The Gym Instructor and I" Written by: @CutiePsychoMe ♡♡♡