“ Cross kausapin mo naman ako o ” pagmamakaawa ko sakanya.
Kanina ko pa sya gustong makausap pero hindi naman nya ako pinapansin.
“ Wala tayong dapat pag-usapan ” he said coldly.
Hindi man lang nya ako tinapunan ng tingin. Sa pagkain lang nakatutok ang atensyon nya. May small party kasi ngayon kina cross. Mabuti na nga lamang at ininvite ako ni Trey kundi siguradong hindi ko makakausap si cross.
“ Marami cross. Sa sobrang dami hindi ko alam kung saan ko sisimulan ”
Umangat sya ng tingin sakin. Tumingin sya ng diretso sa mata ko na naging dahilan para tumitig ako sa kanya. Puro galit at hinanakit ang nakikita ko sa mata nya.
“ Bakit hindi mo simulan don sa araw na iniwan mo ako. Don sa araw na nagmamakaawa ako sayo na wag kang umalis.” Biglang may tumulong luha sa mata nya pero agad din nyang pinahid yon.
" Eya san ka pupunta? Bakit dala mo lahat ng gamit mo?"
Diretso lang ako sa paglakad na parang walang narinig. Alam kung masasaktan sya pero buo na talaga ang desisyon ko at wala nang makakapigil sakin.
" Eya please kausapin mo naman ako o. Ikaw na lang ang meron ako. Huwag mo akong iwan "
I just ignored him. Mabilis akong sumakay sa taxi at umalis. Kita kung nagtangka syang humabol sakin pero pinigilan sya ng mga guard.
“ Ha Eya! Bakit hindi mo ipaliwanag sakin. Alam mo ba kung gano kasakit yon? Tinalikuran mo na lang ako ng basta basta
Hindi ko naman ginustong iwan sya e. Sadyang kailangan ko lang gawin yon. Kung alam ko lang na ganito ang kalalabasan nong pag iwan ko sakanya. Sa- sana di ko na lang sya iniwan.
Napa iyak ako dahil sa sinabi nya. Akala ko tama yong desisyon ko na huwag ipaalam sa kanya ang dahilan ng pag alis ko. Nagkamali ako.
“ Nasaktan din ako. Hanggang ngayon cross. Araw-araw parang binibiyak ng paulit-ulit ang puso ko. Ang sakit sakit dito o” sabay turo sa puso ko.
" Hey babe!" naputol ang pag uusap namin ni cross.
Sabay kaming napatingin ni cross sakanya. Humalik sya sa pisngi ni cross at kumapit sa braso nito. Matangkad sya na maputi. Medyo singkit din ang mata nya.
" So, who is she? " tumingin sya sakin ng mapanuri.
" Kaibigan mo? " dagdag pa nya sabay balik ng tingin kay cross.
Tumitig sya sa mata ko at nagsalit.
" My former maid"he said with a smirk on his face.
" So how's your flight?" He said to the girl beside her.
Hindi ko na narinig ang pinag uusapan nila cause they started to walk away.
Masakit pala na formermaid lang ang title ko. Cross kailan mo ba ako mapapatawad?
BINABASA MO ANG
All about the story of ms. denny
ФанфикAll in one one story of haveyouseenthisgirl.