zhāng jié 1

3 0 0
                                    

Phoenix POV

Ako si Phoenix Cheng Chua. 23 years old pinanganak nuong Feb 29, 1996. And yes, leap year baby ako. Wag kayo magjojoke na every 4 years lang birthday ko! Pfft. Wala namang weird saken except for the fact na literally I can play with fire and nature. Nature wise, parang isang tingin ko lang sa hayop ay alam ko na kung ano gusto nitong sabihin sa isip ko. May bunso akong kapatid na ang pangalan ay Xian Chi Chua, 10 years old pa lang siya, at katulad ko ay nag eexcel sa pag-aaral. Dahil ngayon ay kahit 10 pa lang siya ay grade 6 na ito, naaccelerate kasi siya. My father is a Chinese man living in the philippines and my mother is a Filipina na tinanan ni Papa after malaman ng grand parents ko sa father side na pinagbubuntis ako ng mga panahon na iyon. I was a curse and a gift at the same time for my family,  bakit kamo? Dahil bilang isang Chinese hindi dapat magpakasal sa hindi Chinese para sa grandparents ko kaya tinawag nila akong curse child. Pero sa parents ko, isa akong gift na lalong nagpatatag sa pagsasama nila.

Sa edad kong 23, graduate na ako ng BSBA, at kasalukuyang naghahanap ng trabaho. Honestly, gusto kong kumuha ng kurso na alam kong mamahalin ko dahil hilig ko katulad ng pagluluto, pero dahil Feng Shui Master si Papa, maganda daw na maghandle ako ng business dahil siguradong lalago ito, because malakas ang elemental spirit ko na fire. Miski nga sa pangalan ko na Cheng ibig sabihin ay inheritance, which is a fire element. Walang pakialam si papa kung babae ang first born niya taliwas sa kinasanayan niya bilang Chinese dahil ako daw ang magdadala ng swerte sa pamilya. Hindi niya alam sa sobrang taas ng fire element sakin, literal na nakakabuo ako ng apoy.

May instances na bigla bigla na lang pag frustrated ako kung anong hawak ko sumisilab, dinadahilan ko na lang na nabuksan ko yung lighter na hawak ko kahit wala naman talaga. O kaya naman pag inis ako sa isang tao, yung taong yun parang init na init sa sarili niya to the point na akala niya kinukumbolsyon siya. Pinag aralan ko siya knowing it's called Pyrokinesis, an act where in your mind can control fire or create fire. First time kong maexperience to ng nasa edad 7 years old pa lang ako. May time na pinagalitan ako ni Papa kase paano ko daw nasindihan yung pangsigang mga dahong tuyot sa likod bahay namin, sinabi ko ginamitan ko ng magnifying glass. May time pa na habang nasa bathtub ako, sabi ni Papa sobrang init ng tubig eh wala naman kaming heater, sinabi kong nagpakulo ako ng tubig bago maligo. Lastly, pag inaapoy ako ng lagnat, umaabot ng 45 ang temperature ko. Pero kapag sobrang tuwa ko naman akala nila nacontact lens ako ng red dahil yung iris ko ay nagkukulay pula.

"Papa aalis na po ako para maghanap ng trabaho." Bati ko sa aking ama pagkababa ko ng kwarto. "Nak, di ka ba muna kakain at may pabaon ako sayong riceballs kung sakaling magutom ka sa daan."Sabi ni papa, magaling din siya sa pagluluto, sakanya ko nga ata namana ang taglay kong pagiging Chef. Siya ang naghanda ng lahat ng pagkain. Si Mama kasi nauna ng umalis, siya kasi ang nagmamanage ng Chua Foods Corporation. Ito kase ang naisip ni Papa na pinakamagandang business pagkatapos niyang malaman na sa pagkain ang swerte ng pamilya namin. Ayun, lumago ito dahil na rin sa mga desisyon na naging maganda ng parents ko, masasabi ko ngang napaka perfect na namin except hanggang ngayon di pa rin kinakausap ni Papa ang pamilyang Chua dahil na rin tinakwil siya.

"Padamihan naman yung baon ko po, Papa, please? Alam mo naman na paborito ko ang gawa mong riceballs." Habang inaayos ko ang resume at ibang papeles ko sa pag aapply. "Nak, 2019 na siguraduhin mong yung aapplyan mo na building nasa North West dahil dun ka papalarin, year of the Pig ngayon kaya sure akong andon swerte mo." Habang nagbabalot ng baon ko, si Papa talaga hindi na naalis ang pagiging Feng Shui expert niya. "Oo naman po, Papa. Asan na ba yung compass para masimulan ko na ano bang kompanya ang nasa North West. Hahahaha" "Ikaw talaga, Nak, lagi mo na lang jinojoke yung mga payo ko sundin mo na lang kase. Basta ikaw galingan mo ha? Matalino kang bata." Sabi ni Papa pagkaabot ng compass sakin, nilagyan pa niya ng goodluck charm. Hay nakoooo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 19, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Gift or A Curse/ A Curse and A GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon