May Tatay.


May Nanay.


At may mga kapatid.


Laging masaya.


Puno ng tawanan.


Puro kabaliwan.


May ngiti sa mga labi.


At sayang namumutawi sa mga mata.


Pero lahat ng yun nagbago na.


At nawala na lang ng parang bula.


Simula nung sabihin niyang "Aalis ako pero babalik ako."


Nakakatawang isipin na hinintay namin siya.


Ako, kami ng Nanay at mga kapatid ko.


Pero ilang buwan na ang lumipas wala pa rin.


Hanggang sa...


Isang malaking rebelasyon ang naganap.


Tama bang gamitin ko ang salitang "PINAASA" oo.. pinaasa kami.


Ahh.. mali pala "UMASA", yan ang perpektong salita para sa nangyari sa amin.


Nakalimutan kong hindi nga pala niya sinabing hintayin namin siya.


Sinabi lang niyang babalik siya, pero hindi namin alam kung kailan.


Hanggang kailan.


Hanggang kailan kami maghihintay.


May mahihintay pa ba kami.


O wala na.


Hanggang kailan?


Hanggang kailan kami aasa?


Susugal na naman ba?


Susuko na ba??


Hahahaha!!??


Tinatanong pa ba yan?


Para sa kaalaman niyo..


Matagal na akong sumuko.


Di ko lang pinapahalata.


Nakamaskara.


Laging nakangiti at nakatawa.


Pero sa loob-loob nito puno ng lungkot at awa.


Awa sa sarili.


Di ko alam kung bakit.

Di nga rin alam ni kuya Google kung bakit eh.


Dahil ako lang ang nakaka-alam.


Hindi ko sinasabi.


Lahat sinarili ko.


Ako lang.


Oo, ako lang.


Hindi ka naniniwala?


Edi wag.


Malungkot ako.



Sobra.


May pake ba sila?


Wala..


Kasi di nila alam.



Kasi sinarili ko na lamang.









-kcala♥♥♥

SELFISHWhere stories live. Discover now