Yung tipong pagkadating mo sa school, kokomprontahin ka ng..

"Bakit ang kalat? Bakit hindi ka pa nagsaing? Bakit ganito yan? Bakit ganyan nyan? Ang tamad-tamad mo, di pa kita nakikitang nagtratrabaho. Ang tamad-tamad mo."

Oh diba gandang bungad niyan. Hayy hindi na lang ako nagsalita at sabay tatalikod ng.. may pahabol pa.

"Hoy, saan ka pupunta? Bastos ka ah, kinakausap pa kita ah.
Sumagot ka?!!"

Hayss nanggigigil ako ah.

Pigilan niyo ko guys... pigilan niyo ko!!??

Pero wala pa rin, hindi ko siya hinarap. Patay-malisya na lang. Baka may masabi akong di maganda.. pero may pahabol pa ulit.?!

"Bingi ka ba ha? Bingi to oh. Hoy!! Bwiset."

Hayss sanay na ako sa puro pagbubunganga sa akin.
Pero para sa akin wala lang. Kimkimin na lang lahat, kaya ko naman eh. Kaya kong tiisin lahat.

Pero tuwing gabi ko lang inilalabas lahat ng hinanakit ko. Lahat ng masasakit na salitang kanilang binitawan. Aba tao rin ako, may damdamin din ako. Hindi ako parang bato na kahit sipain mo, wala lang.

Hay hirap din ng ganito. Ang hirap magpretend na parang wala lang.

And you read it right.

Umiiyak ako tuwing gabi.

Sinisiguro kong walang makakarinig saakin.

Dinadaan ko na lang sa pagkanta at pagpapatahan sa sarili. May dumadamay naman sa akin kahit papaano. Yung cute na cute at fluffy kong pusa, si Kait.

(Pronunciation: Kayt or Kite)

Hehe nadamay pa yung inosente kong alaga.

Pero di bale na nga lang, hangga't kaya ko pang magpanggap kakayanin. Hays bahala na si kumareng "KARMA" sa kanila.

Pero just kidding, sabi ni Lord "Huwag kang mag-iisip ng masama sa kapwa".

Lord masisisi niyo ba ako. Alam ko namang lahat ng to pagsubok niyo lang sa akin, pero sumobra po ata kayo. Tagos eh.

Mga kapwa kababaihan yung "TAGOS" na word is nat wat u think. Haha

Masyado nanamang drama

Sulatan ko kaya si Maam Charo baka sakaling mabasa niya lahat ng sama ng loob ko.

At dahil diyan siguro naman feel niyo ko kung may kaklase  man kayo na ganito at makarinig ng mga makamandag na salitang "Pengeng papel!!, dagdag mo na rin yung bolpen!!". lines...

Okay guys sorry na.. eto na talaga. Kaya ko kayo pinapatawa (kung natawa man kayo) kasi ayokong mahawa kayo sa kabitteran ko sa buhay.

Gusto ko kahit na marami kayong problema sa ano mang bagay kaya niyo pa rin ngumiti kahit konti lang. Getss niyo ba ako??

Kasi sa mga susunod na chapters baka sobrang lungkot niyo na, yung tipong lukot at magang-maga yung mga mata niyo. Hak hak joke lang po ulit.

Smile lang... Chill...

Rule 1: Bawal ang malungkot

Teka lang po author, kung ang rule 1 ng story na to ay bawal ang malungkot.. Eh.. BAKIT NIYO PA GINAWA ANG SAD STORY NA TOHH!!! (=▪=)#$@!!##@#@#*&




-kcala♡

SELFISHWhere stories live. Discover now