Chapter 1: Bequeath Ceremony
Third Person.
Balita na sa buong Albion ang gaganapin na Bequeath Ceremony. Abala ang lahat sa pagpili ng gagamiting damit, kasuotan, sapatos at sa ihahandang selebrasyon pagkatapos ng seremonya.
Ang Albion ay isang bayan na malayong malayo sa Capital. Ang Capital ay nasa Auce. Nasa Auce ang Capital, Academy pati narin ang kalat kalat na Cabs ng mga Magic Knights. Kapag ikaw ay natanggap sa Academy at natapos ang isang taong pag-aaral dito makakapasok ka sa Magic Knights kapag naipasa mo ang kaisa-isang test na requirement nila upang makita nila ang iyong kakayahang gumamit ng mahika.
Dalawang libong taon na ang nakakaraan, may kaisa-isang mage na parte ng Magic Knights ang tumalo sa halimaw ng kadiliman o mas kilala bilang Oyuti. Eto ang sinasabing demonyo na bubuhay lamang kada makakahigop ito ng mana, na kakailanganin upang makumpleto nito ang kanyang tunay na anyo.
Ang mage na ito ay naging isang Charm King. Bawat henerasyon sa buong Charm World nagkakaroon ng isang Charm King. Pinapanatili niya ang kapayapaan sa buong Charm World at siya rin ang nagpapatakbo sa Magic Knights. Sakanya kumukuha ng utos ang mga Magic Knights upang kumilos. Lingid sa kaalaman ng lahat na meron pang hari ang bawat kaharian. Ang Auce ay nahahati sa anim na kaharian na gustong magpalakas at sakupin ang isa't isa.
Ang Witches Kingdom ay ang lugar kung saan matatagpuan ang mga witches na puro babae lamang. Hindi nila gugustuhin na ang mga lalaki mismo ang magliligtas sa kanila. Kahihiyan yoon sa kanila.
Ang Diamond Kingdom ay ang lugar kung saan ang kanilang guilds ay may mga Diamond sa noo na nagsisilbing sila ay malalakas. Base sa kulay at stars sa kanilang balikat ang kanilang rangko.
Ang Clover Kingdom ay ang mga taong naniniwala sa swerte. Sa katunayan, tatlo lamang ang dahon ng clover, ngunit dahil galing sa kaharian nila ang unang Charm King at ang grimorose nito ay may simbolo ng apat na dahon, kinilala sila bilang mga Mage's of Legend.
Ang Spade Kingdom ay ang mga taong naniniwala na ang malalakas lamang at royal o noble lamang ang dapat na kasali sa Magic Knights. Isang kahihiyan sa kasaysayan ang magkaroon ng pulubi o peasants sa isang Guild.
Ang Heart Kingdom ay ang mga taong mababait at mapagmahal. Sila lamang ang kaharian na hindi sumasali sa away o alitan ng ibang kaharian. Kapag sinusubukan silang sakupin ng ibang kaharian ay lumalaban din sila. Pero ang priority nila ay huwag silang makapatay ng tao. Sila ang pinakamapayapang kaharian sa buong Charm World.
Ang Titan Kingdom ang huli sa mga kaharian. Pinaniniwalaan na ang kaharian na ito ay ang pinagmulan ng Oyuti na nabuhay at pinuksa ng kauna-unahang Charm King. Pinaniniwalaan din dito na ang mga taong nakatira dito ay sobra ang tangkad sa pangkaraniwang tao. Minsan pa ay may nakapagbansag sa kanila bilang halimaw. Ngunit, ang Titan Kingdom ang kaisa-isang kaharian kung saan makikita ang pinaka-rarest magic items, dungeons at mga minahan. Sila ang may pinakamaraming resources sa buong Charm World.
Albion.
Lahat ng mga tao dito ay pumunta na sa Bookwormaster na kung tawagin. Ang bahay nito ay ang tore kung saan makikita ang lahat ng Grimorose sa buong Charm World. Kada taon sa pagsapit ng ika-pitong buwan, nagtitipon tipon ang mga batang may edad labing anim pataas. Marami ang umuulit kapag hindi pa nila iras makakuha ng sarili nilang Grimorose at Morose Pen.
"Ano kaya ang makukuha kong Grimorose? Sana yung kakulay ng sa unang Charm King." Sabi ng isang mamamayan sa Albion.
"Ako, kahit ano na lang. Pang apat na taon ko na to. Sana makakuha na ako. Bente anyos na ako, pero ni isang Grimorose wala pa ako." Sabi nito sabay tawa.
BINABASA MO ANG
Charms
FantasySi Clarisse Stone, lumaki sa mundo kung saan "Magic is Everything". Kahit lamang sa simpleng gawain, ginagamitan parin ito ng mahika. Ngunit, lumaki siya nang walang kahit na anong mahikang nailalabas. Madalas siyang kinukutya ng iba niyang mga kaib...