Si Clarisse Stone, lumaki sa mundo kung saan "Magic is Everything". Kahit lamang sa simpleng gawain, ginagamitan parin ito ng mahika. Ngunit, lumaki siya nang walang kahit na anong mahikang nailalabas. Madalas siyang kinukutya ng iba niyang mga kaibigan dahil ni hindi niya kayang makipaglaban, makipaglaro o magtatrabaho dahil wala siyang mahika. Kumukuha ang mga tao ng "skills" nila mula sa isang libro. Librong nakukuha nila sa awarding ceremony pag tungtong nila ng labing anim na taong gulang. Eto ang kanilang legal na edad sa mundo nila. Grimorose ang librong pumipili sa magiging holder nito. Morose Pen ay pumipili din sa owner nito upang maisulat ng owner ng grimorose ang kani-kanilang skill. Pero depende sa panahon, kapangyarihan at Acceptance lamang nagkakaroon ng chance ang isang owner na makapagsulat ng kanilang bagong skill sa libro. Pareho itong nao-obtain kapag naging 16 yrs old na ang isang tao sa mundong ito. Makakuha kaya si Clarisse ng sarili niyang Grimorose? Magkaroon din kaya siya ng kapangyarihan tulad ng iba? Anong magiging kapalaran niya sa susunod na mga araw? ____ Charms: Destruction or Salvation GENRE: Fantasy / Magic / Adventure / Friendship / Lovestory WRITTEN BY: minutekook STATUS: On going All Rights Reserved 2019.
3 parts