Simula

10.4K 196 3
                                    


A/N: I just started writing stories in public so don't expect TOO MUCH from me. I accept good and constructive feedbacks.

Saya's POV

"Baby? " marahan kong tinapik ang kanyang balikat.

"M-Ma?" inaantok niyang sagot habang kinukusot ang bilugan niyang mga mata. I smiled.

"Good morning baby. Bangon na!"

Inaantok siyang bumangon mula sa pagkakahiga saka ako niyakap.

Meet Axia Saki Falcon, my 2 years old intelligent daughter.

"Good morning manang Tess!" nakangiti kong bati kay manang habang papasok ng dining room. Kinaway-kaway rin ni Saki ang maliliit niyang kamay kay manang.

"Good morning Saya anak." bati niya pabalik habang inaayos ang mesa. Sabay-sabay kaming naupo para makakain na.

Napatingin ako kay Saki pero mukhang wala sa amin ang atensyon niya. Ginagala niya lang ang mata sa paligid.

"Saki, may problema ba?" I kissed her cheeks.

"M-Ma, Daddy?" taka niyang tanong habang ginagala pa rin ang paningin sa paligid.

Nilingon ko si manang para sana magtanong ngunit agad lang siyang palihim na umiling. Hays here we go again.

Napabuntong hininga ako at nag-isip ng palusot.

"Nasa school na si Daddy eh. Busy kasi siya sa paggawa ng projects niya kaya maaga siyang umalis." halos mapa roll eyes ako sa sinabi ko.

Liar! Liar! I'm such a liar!

Kelan ba 'yun pumasok ng maaga para lang gumawa ng project? tch.

"I miss daddy." malungkot niyang bulong.

"Wait nalang natin mamaya si Daddy." tipid akong ngumiti. Nakita ko ang lungkot sa mukha niya habang tumatango.

_ _ _ _ _

"Lutang ka ata ngayon?" napatingin ako kay Alicia na mukhang tangang nakangiti.

Nasa cafeteria na kami para mag lunch pero hindi pa rin ako maka move on sa nangyari kanina sa bahay.

"Si Axill kasi! gabi na nga kung umuwi, ang aga pa pumasok." naka busangot kong sagot.

"Concern ka? O..." she look at me with her malicious look. "—baka naman natatakot ka na may kabit siya." she declared. Tinaas baba niya pa ang kilay niya.

"Ali! Alam mong hindi 'yan ang pinoproblema ko." nakasimangot kong usal.

"Eh? Ano?" nakanguso niyang sabi.

Uminom muna ako ng ice tea bago sumagot.

"Si Saki kasi, nagtatampo na sa daddy niya." malungkot kong saad "Ayoko siyang nakikita ng ganun pero hindi ko naman makausap si Axill dahil nga hindi ko siya halos makita sa bahay. And of course, I can't talk to him here either. Ang hirap niyang hagilapin at magiging issue yun!" napayuko ako sa mesa.

"Bakit ba kasi tinatago niyo pa na mag asawa kayo? Heller! We're already in college, it's not a big deal anymore. May classmate nga ako na kota na sa dami ng anak."

"You know my situation Ali. Ayokong maging center ng chismis sa W.U"

"Oo na! Oo na! Na s-stress na yong brainy ko sayo. Ikaw lang naman kase tong want na may pa secret secret effect, Axill don't seem to care. " maarte nyang sagot.

"I'm not hiding anything, sadyang wala lang talagang nagtatanong." inisang lagok ko ang natitirang ice tea sa baso bago ulit magsalita

"And, isa pa, I'm not proud to be the wife of that–" napatigil ako sa pagsasalita nang makarinig kami ng kalabog mula sa labas ng cafeteria.

Nagsilabasan ang mga tao sa cafeteria para tingnan kung anong nangyayari.

Nang lumabas rin si Ali para makichismis, wala na rin akong nagawa kundi ang sumunod.

"Excuse me! Dadaan ang magaganda. Alangan naman lumipad pa kami diba?" kung ano-ano nalang talaga pinagsasbai nitong si Ali. Pinagtutulak nya pa ang mga tao para lang mapunta kami sa harapan.

"sorry po. Sorry" panay naman sorry ko sa mga taong tinutulak niya.

"Oopsiiiee—!!" gulat na sabi ni Ali habang naninigas na nakatingin sa harapan.

Napatigil ako sa paghingi ng sorry sa mga taong nasa likuran at napabaling na rin ang tingin sa harap. "Anak ng-"

Pasimple akong napahilot ng sintido habang umiiling. Para kaming nanonood ng live action movie.

May nagsusuntukan sa hallway, sira na rin ang mga upuan na mukhang kinuha pa sa mga classroom na nasa malapit. Ang dugyot nila tignan.

Tinapik ko sa balikat si Ali at bumulong.

"Now, tell me." nakangiwi siyang lumingon sakin "Who would be proud marrying that bad boy?"

Muli akong napasulyap sa mga nagbubugbugan.

There he is, Axill Falcon my bad boy husband.

My Bad Boy Husband [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon