Saya's POV
Pagkatapos ng nangyari kanina sa hallway ay umalis na agad kami at pumasok sa kanya-kanya naming klase.
Ali is already 2nd year habang ako, 1st year palang. I got pregnant when I was 16, kaya kinailangan kong tumigil muna. Too young, right?
Ilang oras na rin ang lumipas kaya naman sa wakas, natapos na rin lahat ng klase ko. Paglabas palang ng classroom, nakita ko agad ang nakasimangot na muka ni Ali.
"Ang tagal mo." angal niya. Pumadyak padyak pa sya sa sahig na parang bata na inagawan ng laruan.
"Nakatulog ako sa klase."
"Grabe ang sipag! Kaya super talino mo eh" sarcastic niyang sabi.
"Hayaan mo na. Minsan lang naman, saka hindi naman ako nahuli."
"Asuuus. Tara na nga lang. May pupuntahan ka pa ba?" tanong niya.
Sumasabay kase ako sa kanya kapag uwian. Iwas hassle na rin. Ang mahal na mag taxi ngayon, tas siksikan pa sa bus.
"Wala na—" napatigil ako nong biglang mag ring phone ko. Agad ko itong sinagot.
"Hello po Manang Tess?" bungad ko.
"Mama." napangiti ako nang si Saki ang magsalita.
"Yes baby? Do you want something? Gusto mo ba ng ice cream?" malambing kong tanong. Saglit siyang natahimik.
"Daddy." napabuntong hininga ako.
"Hintayin nalang natin siya mamaya baby." napasulyap ako kay Ali na busy sa pag amoy ng kili-kili nya.
"Mama pweease?" napakagat labi ako. I can already imagine her teary eyes. Napabuntong hininga ako.
"Sige." sagot ko na nagpalingon kay Ali.
"What?" Ali mouthed. Nagkibit balikat lang ako.
Hindi ko alam kung tama ba ang naging sagot ko pero ang alam ko, hindi ko kayang tiisin ang baby ko.
"Yeheeey!" rinig kong tili niya.
- - - - - -
I found myself standing in front of a door.
"Ako na kakatok." tinanguan ko si Ali.
Ilang sandali pa ay bumukas na ang pinto. Bumungad sa amin ang mukha ng lalaking hindi pamilyar sa akin. Mukhang hindi siya dito sa Wenchad University nag aaral base sa uniform na suot nya.
"Uhmm g-guys! I think these two beautiful babes are here for me." nakangisi nitong sabi na nagpakilabot sa akin. He's obviously a playboy.
"Pinagsasabi mo? Sino ba 'yan— tangina!"gulat na sigaw ni kuya Gino nang makita kami. Agad ko siyang nginitian.
He is Gino Cedric Castañeda, barkada siya ni Axi at kapatid rin siya ni Ali. 2 years ang agwat niya sa amin at graduating na siya this year.
Sinamaan nya ng tingin yong lalaking nagbukas ng pinto.
"Subukan mong isama sa koleksyon mo 'tong kapatid ko Andrei, makakatikim ka sakin." hinatak ni kuya Gino si Ali papunta sa likod niya. I find his defensive act cute.
"Hey dude! Kadiri ka. I never dreamed tasting you!" nakangiwi niyang sabi kay kuya Gino bago ako kindatan.
"How about this one?" nakangisi niyang sabi habang malandi ang tingin na iginagawad sa akin. Akmang hahawakan niya ako kaya agad akong umatras upang makaiwas.
"Ano ba yan?! Ano ako? may virus?!" parang bata niyang pagdadabog habang pumapasok sa loob.
Hindi na pinansin ni kuya Gino ang pagmamaktol ni Andrei at binalingan kami.
BINABASA MO ANG
My Bad Boy Husband [Under Revision]
Teen FictionSayahri Vergara Falcon just want a peaceful life. She just want to finish her college years without controversies, she want to let it that way. Kahit pa ibig sabihin nito ay ang itago ang totoong relasyon niya sa rule breaker na si Axill. It's her w...