eleven

7 0 0
                                    

Jayden's P.O.V

"Baby tama na. Alam mong hindi ganyan si Jinx." Naabutan kasi namin yung sinabi niya kay Jinx.

"Oh tignan mo ngayon kinakampihan ka niya Jinx. Ginayuma mo na si Jayden noh?" Aba sumusobra na ata si Emma.

"Emma ano bang nangyayari sayo ha? Anong nangyayari sa inyong tatlo?" Pati si Noah hindi na rin nagugustuhan ang nangyayari.

"She trusted all of you and she even helped Jayden to court you but you have the audacity to say that bullshit to her?" Iba na talaga si Kai.

"Tama na please. Mag aaway nanaman kayo dahil sa akin. Emma you know na best friend lang talaga turing ko kay Jayden, kapatid na nga eh. Hindi lang ako makapaniwala kasi I fucking trusted you pero ano? All this time ganyan na pala tingin mo sa akin. Kayo naman Ellie at Iliana, hindi niyo pa nga alam ang totoong storya nagalit na rin kayo? Ano tayo mga bata? Barkada na may leader tapos pag galit ang leader galit na rin yung members ganon? I can't deal with this bullshit." Nag walkout agad si Jinx pagkatapos niya sabihin yun. Nasaktan nanaman siya. Hays first time niya ata mag cutting ngayon. Ewan ko ba diyan kay Emma. Nung mga nakaraang araw pinagawayan namin si Jinx.

flashback two weeks ago

"Mahal mo ako diba? Layuan mo na si Jinx." Ang cold niya kasi kaya tinanong ko kung anong problema tapos ngayon pinapalayo na ako.

"Ano? Bakit ko siya lalayuan?"

"Jayden naman inaagaw ka sakin ng tao oh. Kaya pwede ba layuan mo na siya?"

"What the actual fuck? Emma pinagseselosan mo nanaman siya? Diba pinagusapan na natin toh?"

"Oh come on. Halata naman eh, una pa lang dikit na siya ng dikit sayo pero hinayaan ko kasi 'best friends' kayo diba? Pero malalaman ko nalang na lumabas kayong dalawa na parang sweet couple na nag dedate. Tapos lagi mo pa siyang pinagtatanggol. You better avoid her because what's mine is mine." Anong nangyayari kay Emma?

"Anong nangyayari sayo? Hindi ka naman ganyan ah. Alam mong kapatid na rin turing ko kay Jinx. At yung lumabas kaming dalawa? Jinx was at her lowest point that time because she's dealing with problems kaya dinala ko siya sa labas to cheer her up. She doesn't want all of you to know her problems kasi ayaw niyang mag alala kayo sakanya. Emma naman ngayon ka pa mag seselos kay Jinx?" Totoo naman kasi na may mga pinagdadaanan din yan si Jinx eh at ako lang nasasabihan niya kasi ayaw niyang mag alala yung iba sakanya hays.

"Oh see? Pinagtatanggol mo siya sa akin. Nahuhulog ka sa patibong niya. Please just listen to me Jayden. I don't wanna lose you." Sa lahat ng sinabi ko hindi niya parin maintindihan?

"And I don't wanna lose a best friend just because of your distrustful mind." 

end of flashback

Simula nung away namin, nag iba narin si Emma sa akin. Hindi ko na alam talaga hays. Lagi na nga kaming magkasama ni Emma pero nagseselos parin siya. Hindi ko alam anong gagawin nabobobo na ako. Mahal na mahal ko si Emma at pinaparamdam ko sakanya yun, hindi pa ba yun sapat para pagkatiwalaan niya kami? Ako?

Jinx's P.O.V

Pesteng buhay toh hays. Hindi talaga ako makapaniwala na iniisip ni Emma na inaagaw ko si Jayden sakanya. Minsan na nga lang kami magsama kasi nakaglue ata sila hindi mo mapaghiwalay tapos lagi pang nagdedate. Sila Iliana naman nagalit na agad.  Ang sakit pala pag yung taong pinagkatiwalaan mo eh ganun yung tingin sayo. Sana hindi sila magbreak ng dahil lang sa akin. Ang sakit talaga huhu tatambay na nga lang ako sa Mcdo.

"Good afternoon Ma'am."

"Good afternoon ate. Isang double cheese burger po at isang iced coffee. That would be all." Nagbayad na ako at binigay naman ni ate sakin ang resibo. Simula nung nagpapayat ako, kokonti konti lang kinakain ko pero dumating sa point na may times talaga na malakas parin akong kumakain pero binabawa ko agad sa pag exercise. So bale matakaw nanaman ako ulit nakakainis.

Wait barkada yun ni Levi ah. Pero parang wala ata siya? In fairness nagpuberty sila, mas tumangkad sila. Nakakahiya naman magisa pa ako hays. Makaalis na nga lang.

*boogsh*

"Ay hala sorry hehe." Pagkatapos ko sabihin yun binilisan ko na yung lakad ko. Nakakahiya kaya nabunggo ko yung isa sa barkada niya na si Jace. Makauwi na nga lang.

"Hoy Ji san ka galing?" Nakapamewang pa ate ko niyan ha.

"Sa Mcdo."

"Wow ang tipid."

"Arte arte sige take two. Sa Mcdoooooooooooooooooooo. Oh ayan happy?" Hinabaan ko talaga yung Mcdo ang tipid daw eh.

*batok*

"Gaga ka talaga pero anong nangyari? Umalis ka daw kanina sabi ni Grayson sa akin." Si Noah at Grayson yung medyo nakakausap ni ate sa barkada ko, ewan ko ba diyan nakyukyutan daw siya sakanilang dalawa kadiri.

So ayun kwinento ko kay ate yung nangyari at gigil na gigil siya. Hays andami na ngang pinagawa sa school nangyari pa toh. Makaligo na nga lang para fresh parin.

————

Nilalayuan ko na si Jayden, hindi parin ako pinapansin nila Emma hays. Kinausap ko si Jayden kanina at sabing "Sorry Jayden kasi nagkakaganyan kayo dahil lang sakin. Mas mabuti nga siguro kong layuan muna kita." After nun hindi ko na hinintay yung sasabihin niya at umiwas na, nakatingin ba naman si Emma ng masama. Sakanya naman talaga si Jayden eh, kadiri talaga pag naisipan kong magugustuhan ko si Jayden ew.

May date nga pala kami ng ate ko ngayon, hindi ko alam anong nakain niya at bigla nalang siya nag aya at libre niya pa daw ha. Baka date talaga toh nila kuya Miles tapos isasama lang ako.

"Jinx tara na andiyan na yung taxi."
Ang weird talaga, siguro may kailangan toh kaya ako ililibre. Habang kumakain kinausap ako ni ate.

"Jinx I know you're not okay kaya kita inaya kasi gusto ko makalimutan mo muna yung mga problema mo ngayon so let's enjoy this date." Awe natouch ako dun. Akalain mo yun may pera pala ate ko.  While eating nagkwekwento rin si ate about kay kuya Miles, inlove na inlove ang hayop. Ayoko parin sakaniya ng konti kasi lagi niyang inaaway si ate hmp. Naka ilang iyak na si ate dahil kay kuya Miles pero tignan mo nga naman mahal na mahal niya parin ugh. May laro nga raw sila eh so pupunta kami ng CUS sa February 19. Naeexcite na akong makapasok sa CUS ulit hihu.

"Excited na akong pumunta sa CUS hihi makikita ko nanaman si Miles." Kadiri na talaga.

"Ewan ko sayo basta maghahanap nalang ako ng pogi."

"Ewan ko sayo! Oi Ji nakikita mo yan? Naalala mo kung gaano ka kaadik sakaniya? Grabe ang arte mo noon." Tinuro niya si Hello Kitty, adik na adik kasi ako dun dati HAHAHA.

"Oh tignan mo—" Naputol sasabihin ko kasi nakita ko sila Emma.

"Tignan mo nga naman, andito pa yung mga kaibigan mong bwiset. Aba gumala pa talaga sila ha." Sabay irap ni ate, ganun na ba sila kagalit sa akin? Hays ang sakit talaga.

"Sus pabayaan mo nalang, hindi rin ako matiis niyan. Sa ganda kong toh?"

"Gaga alam ko nasasaktan ka, wag mo ng itry taguin. Tara na nga dun sa may ice cream, pumunta tayo dito para mag enjoy." At hinila niya na ako.
One week na simula nung hindi ako pinansin nila Emma. Kausapin ko siya ulit bukas, ayokong masira ang friendship namin.

*****
Hi guys! Thank you for reading.

Please don't forget to vote, comment and share!

Crush BreakerWhere stories live. Discover now