Chapter 7: Ano kaya gagawin ko?

82 11 11
                                    

Sino kaya si Brad kay Cady? Anong meron kay Brad para magustuhan niya si Cady? Ano kayang mangyayari kung nandyan na si Brad sa buhay ni Cady?

Simula nung nabanggit sa akin yun ni Ate Kembot. Napaisip ako ng mabuti kung sino kaya siya noh, bakit kaya ako sa dami ng babae sa school, bakit kaya ako ang nagustuhan niya. Hindi talaga maalis sa isip ko yung sinabi ni Ate na may gusto daw saken yun, di ko alam kung bakit.

The next day...

May pumasok na lalaki sa loob ng classroom namin. Si Brad. Kasi may barkada siya na classmate ko. May isang beses na i-approach na niya ako. Ask me everything that he wants to know about me even my number. 

*text message*

Brad: Hi!

Cady: Hello

Brad: Cady, right?

Cady: Oo, paano mo nalaman yung pangalan at number ko?

Brad: I'm Brad from fourth year - section 2. Yung kumuha ng number mo kanina.

Cady: Ahhh. Ikaw pala yan. Akala ko kung sino.

Brad: Bakit may inexpect ka bang text galing sa ibang tao?

Cady: Eh, wala naman. 

Brad: Kamusta ka? Ano ginagawa mo?

Cady: Okay naman ako. Ito gumagawa ng assignment.

Brad: Naku! Nakakaistorbo ata ako sayo eh. Sorry.

Cady: Hindi naman. Okay lang. 

Brad: Anung assignment yung ginagawa mo?

Cady: Math. Ikaw, ano ginagawa mo?

Brad: Math. Saan na kayo dyan? Ito kakatapos ko lang gumawa ng assignment.

Cady: Nasa Trigonometric Functions and their Derivates na kami eh. Ang hirap nga ng assignment eh. Kayo?

Brad: Nandyan na rin. Gusto mo ba turuan kita sa math?

Cady: Talaga? Tuturuan mo ako sa math, di lang sa assignment?

Brad: Oo, ikaw pa eh. Malakas ka sa akin.

Cady: Ha? Malakas?

Brad: Ha? Wala yan, wrong send lang yan. So, bukas. Puntahan kita sa room ninyo. Turuan na kita sa math.

Cady: Ahh, ganun ba. Sige bukas sa room, hintayin kita. Thank you ha.

Brad: Wala yun. Basta bukas sa break time natin.

Cady: Oo nga. Sige na. Goodnight na maaga pa tayo bukas sa school.

Brad: Okay. Goodnight. See you. 

Simula nun palagi na siyang pupunta sa room namin at lagi na kaming magkatext every night. Nagkakamustahan at naguusap ng kung anu-ano. 

Hanggang isang araw...

Brad: Cady?

Cady: Oh? Bakit?

Brad: May boyfriend ka ba?

Cady: Wala. Bakit?

Brad: Ahhh. Ano kasi eh.

Cady: Ano yun?

Brad: Pwde ba kitang ligawan? 

Cady: Ha? Liligawan mo ako?

Brad: Oo. Bakit?

Cady: Eh, kasi bago pa lang tayo magkakilala. Tapos gusto mo agad akong ligawan.

Brad: Actually, matagal na kitang nakikita sa school at nalaman ko na lang na gusto na kita nung third year pa tayo. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin sayo yung totoo kaya sana pumayag kang ligawan kita.

Cady: Pwde bang magisipan ko muna. 

Brad: Sige. Maghihintay ako sa sagot mo.

Lahat ng friends ko pati ang close friend ko na si Anne ay tinanong ko kung ano sa tingin niya kay Brad. Ang sabi lang niya,

"Okay naman si Brad ah. Mabait at gentleman yun. Bakit natatakot ka ba ma-fall sa kanya ha? Ano bang kinakatakot mo, Cady?".

Sa totoo lang, wala akong kinakatakutan. Nag-aalala pa nga ako para kay Brad eh. Kasi baka maging panakip butas lang siya sa heartbroken kong puso. Kawawa naman siya. Gusto ko sana pag nagmahal ako ulit. Yung sigurado ako sa sarili ko na kaya ko siyang mahalin. Hindi dahil minahal ko lang siya kasi wala na akong choice. Siya na lang yung option ko para makalimot kay Serge.

"Just remember, everything happens for a reason. Maybe it wasn't meant to be. Maybe it was. You just gotta take a chance. "

~End of Chapter 7: Ano kaya gagawin ko?~

Now Signing off.

Pain in my heart: The Song from my heart

by: @happyheartkid

Pain in my heart: The Song from my heart (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon