Chapter 2 -Aron dela Cruz

38 1 0
                                    

Aron dela Cruz.......dati silang magkapitbahay ni Yani pero lumipat ito ng Lagro mula nong maghighschool sila. Yon nga lang mula Elementary hanggang Highschool eh magkaklase sila. Correction, hanggang ngayon pala eh magkaklase pa din sila. Noong sinabi ni Yani na mag-aaral siya sa MAPUA at Engineering ang kukunin  nya, para namang bombilyang nag-ilaw sa utak ni Aron na yon din ang kuning kurso, Computer din ang major nya. Si Yani lang kasi ang nakakaintindi sa kanya....at si Yani lang ang nakakaalam ng halos lahat ng sekreto nya.

Boyfriend ba ni Yani si Aron? Iyan ang malaking tanong. Marami ang nag-iisip na boyfriend ni Yani si Aron. Ang sagot nilang dalawa....

"Bahala silang mag-isip...basta alam namin sa sarili namin na magbestfriend lang kami".....

Eh papaano nga naman magiging boyfriend ni Yani si Aron eh bakla si Aron. Iyon ang malaking sekreto na si Yani lang at ang Mama ni Aron ang nakakaalam. Police ang tatay ni Aron, mataas ang katungkulan. Siguradong magagalit ito kapag nalaman na bakla ang kaisa-isa nyang anak na lalaki.

"Hoy Aron, ni minsan ba eh, nag-attempt kang kausapin ang Papa mo para sabihin ang totoo mong katauhan"?

"Yani kung makapang-usisa ka naman wagas....tao din ako no, may nararamdaman...hindi ako allien....wala pa akong planong mapalayas sa bahay"!

"Si Mama syempre ok lang pero si Papa...hindi namin alam kung papaano sasabihin"....

"Hindi ba nakakahalata Papa mo"?kulit ulit ni Yani sa kaibigan....

"Bakit naman makakahalata yon eh hindi naman ako nagpapalda sa bahay,aber.Besides hindi naman ako tumitili kapag napapanood ko si Chaning Tatum sa t.v ah".....

"Hmmmm...oo nga naman....eh lumalandi ka lang naman kung ako ang kasama mo"

"Kaya nga ba loves kita best friend eh....."hirit ni Aron

"Oo dahil kinukunsinte ko ang kalandian mo", inis na sagot ni Yani

"Hindi ako malandi...correction...dalagang Pilipina po ako...yan ang tatandaan mo"....madiing sabi ni Aron sa dalaga.

"Oo na...haaaay pero wish ko lang one day maintindihan ng Papa mo ang sitwasyon mo".....

"Ako nga din Bestie eh....wish ko na matanggap ako ni Papa bilang ako..." maluhaluhang sabi ni Aron

"Basta Bestie ha, wlaang iwanan....at never tayong mag-aaway.......at huwag na huwag mo din akong aagawan kung sakaling magkagusto tayo pareho sa iisang lalaki"...pahabol pa ni Aron

"Aba...aba...ambisyosang palaka ka....baka nakakalimutan mo...babae po ako...Dyosa ka nga oo...pero iba kaya nag level ko haller???!!!!", inis na sambit ni Yani

"Ok...ok...pero friends forever ha?"...

"Opo...friends forever"...

"Promise"?

"Promise"

Once in a LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon