Chapter 1- Library

89 1 0
                                    

"Yani.....Yani" sumisigaw na si Aling Rosing habang kumakatok sa pintuan ng anak.

Papaano ba naman kasi mag-aalasotso na hindi pa din bumabangon ang dalaga. Malayo pa naman ang Fairview sa Intramurus. Wala pa namang MRT mula sa lugar nila papuntang MAPUA kung san nag-aaral si Yani ng Computer Engineering. Second year B.S. Computer Engineering siya sa MAPUA. Nine o'clock ang klase nya at kung ayaw nyang malate ay dapat kumikilos na sya.

"Yani...ano ba...bumangon ka na dyan", tawag ulit ng Ina na ngayon ay galit na....

Biglang napabalikwas si Yani, halos malaglag siya sa kinahihigaan nang makita nya ang oras....

"OMG...malalate na naman ako nito....." bulong ni Yani sa sarili....

"Yani...babangon ka ba dyan o hindi?"....narinig nya ulit ang Ina

"Opo Ma....andyan na po"...sagot naman ni Yani na ngayo'y nagmamadali na.

Kinuha kaagad ni Yani ang twalya at dumeretso sa banyo....pagkaligo ay dumeretso na siya sa kwarto.Tinititigan ni Yani ang cabinet habang iniisa isa ang mga damit. Wala naman siyang masyadong pagpipilian....di naman ganoon kadami ang mga damit nya. Nakalimutan nya na ba na mayroon pa siyang tatlong kapatid? Iyong dalawang lalaki na sumunod sa kanya ay nasa highschool at ang bunsong babae naman ay nasa grade 5 sa elementary. Panganay siya. Alam nya din na mahal magpa-aral ng sabay-sabay, lalo pa at nasa College siya. Kaya nga siya working student di ba? Dahil hindi sapat ang kinikita ng Nanay nya na may maliit na tindahan at ng tatay nya na nagtuturo sa highschool na pinapasukan ng dalawa nyang kapatid.

"Sino ba kasi ang pinagagandahan ko, eh wala namang makakapansin kahit paulit-ulit kong sinusuot ang mga damit ko ah", bulong ni Yani sa sarili.

Hindi naman ako pangit ah, kombinsi nito sa sarili. Hindi nga naman talaga pangit si Yani. Matangkad siya sa karaniwang teenager. Five ft and four inches ang height nya. balingkinitan ang katawan. Mahaba ang itim at malusog na buhok. Hindi nga lang siya pansinin dahil simple lang sya at hindi palaayos. Madalas lang nakapony tail ang buhok, naka t-shirt, maong at tennis shoes.Matalino din si Yani. Kasama siya sa Dean's List. Hindi nga lang halata sa kanya dahil hindi naman siya mukhang nerd. Cute ang medyo chinita nyang mata, lalo na kapag ngumiti sya at litaw ang dimples nya.

Eh boyfriend? Boyfriend????Tanong nya sa sarili....kaya nga wala siyang confidence di ba kasi wala namang nagkamaling manligaw sa kanya. Na minsan naiisip nya baka pangit siya kaya walang lumalapit....haaaaay naku maiisip pa ba nya ang boyfriend sa sitwasyon ng pamilya nya. Eh halos i-record na nya si Aling Rosing sa pagpapaalala sa kanya ng walang katapusang litanya ng hirap ng buhay at na kailangan nyang mag-aral mabuti at makagraduate,nang sa gayon makatulong siya sa pamilya.

Natapos din sa wakas ang dalawang klase ni Yani. Ngayon kailangan nyang bilisan ang pagkain ng lunch kasi dederetso sya sa library kung saan isa sya sa mga working students. Kung iisipin, napakaboring ng buhay nya....hindi naman siya naglalaro ng Candy Crush pero parang gusto nya nang magsend ng request sa mga FB friends nya ng "Life".....Oh Lord I'm not complaining pero nakakasawa pala ang routine na buhay....masama ba sabihin na "Can I get a life"?bulong nya sa sarili.

Pumewesto na siya sa reception area nang bigla nyang marinig ang pamilyar na boses.....

"Ms. Yani Santillan....nagawa mo ba yong assignment ko"?

Bigla siyang humarap sa tumawag sa kanya.....

"Hoy, Aron dela Cruz......ano mo ako yaya? Kung makapagdemand ka daig mo pa yong nagpapasweldo ha?"

'Yani sorry na....tutupad naman ako sa usapan natin ah....200 pesos per assignment, alam mo namang nagangamote ako sa Physics ah"......

"Ganoon, eh buti sana kung Physics lang eh....pati Integral Calculus mo at Solid Mensuration ako ang gumagawa ng assignment mo"....

"Oh...huwag ka ng magalit....remember Library to...ayan nakatingin na sa iyo si Ms. Israel....lagot ka sa librarian natin...medyo lumalakas na boses mo".....

"Naku Aron kung hindi lang talaga kita best friend hindi ako papayag na gawan ka ng assignment ah"....

"Yani kung talagang best friend mo ako hindi mo ako sisingilin sa paggawa ng assignment no?"

"Kung di kita sisisngilin eh hindi ka mag-sisikap at aasa ka na lang sa akin, dahil kung nanghihinayang ka sa pera mo, magpupursege kang gumawa ng assignment"....

"O sige na sige na.....ito na po Ma'am ang bayad ko...can I have my assignment please......"

"O eto, at kagaya nga ng sabi ko kung gusto mo na idiscuss ko at eexplain sa iyo yan, may extra charge na 100 pesos...oh ha mura na yan, presyong kaibigan".....

"Alam mo ikaw, minsan nag-iisip ako kung may lahi kang Chinese eh....dahil bukod sa medyo chinita ka negosyante ka pa"....

"Aba Mr. Aron.....kung nagrereklamo ka...mabuti pa sa iba ka na lang...."

Hindi na natapos ni Yani ang sasabihin dahil nagsalita agad si Aron...

"Ay sino may sabi nagrereklamo ako....hindi ah.....tuwang tuwa pa nga ako oh....ayan o naka smile pa ako.

Once in a LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon