<ENTRY #o3>

56 3 0
                                    

Property of mzHeartnotes

She's My Girl

-----------------------

<ENTRY #o3>

|GIRLS' LOCKER ROOM|

“Achhuuuuuuu!!!!!!!! Shetness yung lalaking yun! Kala niya di ko siya lalabanan” well~ alam ko para kong anek-anek habang kinakausap ang sarili ko. Naks! Masanay na kayo. INBORN na sakin ‘to eh. WAHAHAHA xD

Buti na lang may dala akong extra uniform sa locker ko. Admit ko naman kasi ang cute ng uniform nila. I looked like a japanese high school student. Feeling ko isa akong cartoon sa character.hehehe

“Makalabas na nga.” Papalabas na sana ako nang may marinig akong kakaiba sa loob. Nagsalita siya eh at alam ko girl yun. (Natural!! Girls’ Locker Room kaya ‘to!!! Common Sense lang naman Author ==a)

Lingon dito. Lingon dun. Magkandabali-bali na leeg ko kakahanap. Tingala sa taas sabay yuko. WAGAS!! Parang nag-e-exercise ako nang wala sa oras.

Bigla tuloy akong kinabahan, akala ko kasi may kung anong kakaibang nilalang ang nagambala ko.

Yun pala nasa kabilang side ko lang which means nasa opposite side ng locker ko.

“WAIT~ wait for me!!” she shouted.

“Eh? Oh-kay!”. Wala na kong nagawa kundi ang sundin siya. I wait for that mysterious girl.

She looked at me and offers her hand.

“Hi, I’m Chelsea Yussof, you are?” she smiled at me.

“Oh! I’m Jerieen Santiago” we both shaked hands. “but you can call me Rieen for short” I smiled back.

“Can we be friends?” she asked.

“My pleasure.” Suddenly her eyes brighten.

Ano pa bang magagawa ko? Wala pa din naman akong kaibigan ditto eh kaaway meron na =_=”

kaya di ko na siya tinanggihan.hehe

Tanong dito. Tanong dun. Wala atang magawa itong babaeng ‘to. Gusto malaman ang lahat. Minsan wala na akong maisagot. Iniisip ko na lang na nag-a-apply ako ng trabahoeh. Ako yung applicant at siya naman yung Big Boss :/

“You know what, I think you are new here!!” ayy!! Gurabeehh ha Tehh!! Ngayon mo lang napasin.. OO

Kakaiba rin si Ateng noh?? Kanina pa ako kinakausap ngayon lang nahalata na bago ako sa school na ito. Kaw na talaga Tehh!! xD

She changed the topic and asked me again.

“BTW, what brought you to the Girls Locker Room? I mean what happen to your uniform?”

Ohmagawd!! Dapat ba lagi akog may dalang tissue sa bag ko?? Anytime pwede na akong mag-nosebleed. Promise talaga!! Dx

“Ah!! May nakasalubong kasi akong halimaw eh. Nagkabungguan kami tapos iyon binuhusan niya ako ng coke” hindi ko na kaya eh nagtagalog na lang ako.

“Oooh~ I see, can you describe that monster?” haller? Nasa Pilipinas ka!! Magtagalog ka naman.

“Amp that monster was tall, handsome, has kissable lips and has attractive eyes.” Nagkamot na lang ako ng ulo habang dinedescribe yung halimaw nay un.

Bigla siyang tumingin sa akin at nagulat naman ako sa sinabi niya.

“Tinatanong kita kung ano itsura nung monster hindi kung ano characters ng ideal guy mo.” Sa wakas nagatagalog na din siya.

Natahimik naman ako. Ganun ba kagwapo yung pagkadescribe ko sa halimaw na yun? Wala eh say un talaga yung itsura niya wala akong magagawa. Parang gusto ko tuloy isuka yung mga pinagsasasabi ko kanina

“So~ what’s your section Rieen?” ka la ko magtatanong ulit siya tungkol dun sa gwapong halimaw nay un.

“Ah! Merong binigay na slip sakin eh” kinuha ko yung slip sa bulsa ko.”Amp. III-Love daw yung section ko eh” winagayway ko pa yung slip.

“Great!!” napasigaw siya ng malakas.

“Ay!! TAE!!” napahawak tuloy ako sa dibdib ko. “Bakit?”

“I’m from that section too. It means you’re my classmate” she said as she claps her hands.

“Talaga? Nice to hear. Where’s the room then?”

“Just follow me okay?” hays!! Lagi na lang siyang naka-smile.

Iyon, sinundan ko na lang si Chelsea hanggang makarating kami sa tapat ng isang classroom.

Itong section na ito, kabaligtaran ng section name nila which is LOVE. =_=

Sa bandang harapan, may parang nagsusuntukan, sa gilid, may mga babaeng WAGAS kung magchismisan at dun sa likod……. May mga grupo ng mga lalaki na akala mo members ng kung anong Mafia Society.

“This is section Love. Welcome okay. Hope you enjoy” napatingin ako kay Chelsea. Nagdiretso nap ala siya sa seat niya.

Yung huling sinabi niya, nagpaulit-ulit sa isip ko. Di talaga ako makaget-over.

                                Hope you enjoy.

                                Hope you enjoy.

                                Hope you enjoy.

Di ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Sino ba mag-e-enjoy sa lagay na ‘to?

                                Hope you enjoy.

                                Hope you enjoy.

TAKTEE!!! Paulit-ulit di nagsawa. >_< ano ba yung tumatakbo sa isip ng author hah? Sarap batukan.

Kung anong ganda ng pangalan ng section, siyang kahabag-habag ng mga estudyante. Hindi ako makapaniwalang “LOVE” ang pangalan ng section na ito. Mas maganda pa yata kung “LOVELESS” o ”HOPELESS” na lang ang pangalan nito eh.

She's My Girl (On HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon