<ENTRY #o7>

84 4 0
                                    

Property of mzHeartnotes

“She’s My Girl”

-----------------------

<ENTRY #o7>

=====================================

Pauwi na sana ako. Wala na naman kasing pasok ee. Emergency meeting na naman daw. Naisipan kong umakyat ng rooftop para magpahangin man lang.

Sa mundo talaga hindi ka dapat agad nagtitiwala sa mga taong ngayon mo lang nakasalamuha. Hindi kasi natin alam kung totoo nga ba yung pinapakita nila o sadyang pakitang tao lang. Bakit nga ba hindi ako naglaban kanina? Di ba palaban ka Jerieen?? Bakit nagpasampal ka lang kanina? Yan ang tumatakbo sa isipan ko ngayon habang naglalakad ako papuntang rooftop. Kinatok ko tuloy yung ulo ko.

Pag-akyat ko sa rooftop, ang tahimik. Akala ko nga walang tao eh. Pagtingin ko sa sulok may nagbabasa pala ng libro. Mukha naman siyang tahimik kaya nilapitan ko.

“HI. Pwede maupo sa tabi mo?!” ang WEIRD kasi tinignan niya ako ng matagal.

“WOOOOOOOOOOW!!” kakagula naman ‘tong babaeng ‘to. “Kaw ang ‘Legendary Girl’ ng school. Fan mo ako since yesterday.”

“Huh? Ano pinagsasasabi mo diyan?” tinaasan ko siya ng kilay.

“Diba ikaw yung sumuntok kay Dylan? Hahaha. Ang tapang mo girl. Promise”

“Sinong Dylan?” nagtataka na siya.

“Manununtok ka ng tao tapos di mo naman pala kilala. Siya yung nagbuhos ng coke sayo kahapon girl. Lahat nga kami bumilib sayo eh.”

“Ah. Eh. Ganun ba? Ano namang nakakabilib dun? Sobra na kasi siya e kaya sinuntok ko na.” feeling close naman ‘tong babaeng ‘to. xDDD

“First time na may nag-attempt na gawin kay Dylan yun. Kaw lang ang naglakas ng loob. Di mo siguro kilala masyado si Dylan noh?”

“Di ko naman talaga kilala yun at wala akong panahon para kilalanin siya.”

“Sure ka ba? Sa ayaw at sa gusto mo magkukwento ako ng tungkol sa kanya at sa barkada niya.”

“Hahaha. Oo na. Gora!! Kwento na!!” ang kulit naman nito. “Teka! Ano ba pangalan mo? Nagkakalimutan na tayo ah.”

“Oo nga pala. Ako ang Everlasting Daldal queen. Hehehe. Joke lang!! I’m Rina Carreon. Kaklase mo din ako. Di mo lang siguro ako napapansin.”

“Ahhh~ oo nga eh. Jeriien Santiagoat your service!!” sigurado na ako dito, magiging close kami ni Rina hindi tulad ni Chelsea. Napaka ewan ng ugali. PLASTIK kumbaga.

“I know right! Pinag-uusapan ka na nga sa buong school eh. Si Dylan kasi ang anak ng may-ari ng school kaya walang nagtatangka na kalabanin siya. Di mo ba napansin yung apelyido niya? Iyon kasi name ng school eh ‘Swiftson’ kaya malalaman mo kagad. Siguro kasi new student ka pero lahat kasi ng estudyante ditto inaalam muna ang lahat ng information about sa school para walang maging problema. Ikaw lang ata ang hindi nag-abala para alamin. hahaha” ang daldal ai. xD

Processing……………….

Processing……………….

Processing……………….

Si monster este si Dylan? Anak ni Mr. Swiftson? Ang shunga ko talaga. Bakit nga ba hindi mo napansin? Pangalan ng nagbigay sayo ng scholarship kinalimutan mo? Ang sagwa naman. Sobrang bait kaya ni Mr. Swiftson tapos yung anak niya sinapo ata lahat ng sama ng ugali sa langit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 06, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She's My Girl (On HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon