Kabanata 3
"Mahal na reyna.." magalang na tawag ni Ron sa kanilang reyna na nakikipag usap sa kaniyang mga alagang halaman, ito ay si Queen Demeter.
Si Queen Demeter ang kasalukuyang reyna ng kalikasan. Siya ay 'di mapagkakailang maganda, may maitim at mahabang buhok, at may kayumangging kulay ng balat na siyang mas lalong nagpaganda sa kaniya.
Napatingin ang reyna kay Ron, "Bakit? Anong maipag-lilingkod ko sa iyo?" Magalang na tanong ng reyna at bumalik sa pakikipag usap sa mga halaman.
"Kanina lang ay sinugod tayo ng mga Boggans." Pagpapahayag nito.
"Oo, alam ko iyan," bumaling ang tingin nito kay Ron. " At alam ko rin na may mas malalim kang dahilan kung bakit ka naandito. Sabihin mo, ano ba iyon?" Dagdag nito.
Lumakad ang reyna papunta kay Ron at hinaplos ang pisngi nito. Lingid sa inyong kaalaman, ang reyna ay may gusto sa ating leafman warrior na si Ron. Indenial naman ang koya nyo. Tsk tsk..
Tinanggal naman ito ni Ron at lumuhod sa harap nito bilang pagbibigay ng galang.
"Mahal na reyna, kailangan n'yo ng pumili ng bagong reyna." Sabi nito. "Dahil papalapit na ang kabilugan ng buwan."
Napabuntong hininga na lang si Demeter at bumalik sa kanyang trono.
"Ano sa tingin nyo?" Tanong nito sa mga halamang nakapalibot sa kanyang trono.
Tanging ang reyna lamang ang nakakaintindi sa mga ito. Dahil nga sa kapangyarihang meron siya.
Sa tingin ko rin mahal na reyna. Sagot ng halaman.
"Kung ganon ay bukas na bukas ay maghahanap ako." Napatingin siya kay Ron. "Ipaalam ito sa lahat Ron. Maghanda na rin kayo."
Tumango si Ron. "Masusunod mahal na reyna." Sabi nito at lumakad paalis.
Napabuntong hininga ito habang tinatanaw ang matipunong likod ni Ron na naglalakad papalayo.
Sana ay makapili ako ng karapatdapat sa trono. Ani nito sa kanyang isip
-*-*-
*Sa kaharian ng mga Boggans*
Sa kahariang nakakapangilabot ang atmospera, abala ang mga Boggans sa pag-aayos ng mga sandata.
"Sigurado akong bukas na pipili si Demeter ng tagapag-mana ng kanyang trono." Kaswal na sabi ng lalaking nakasuot ng itim na roba.
Si Mandrake, ang hari ng mga boggans. Matipuno ang pangangatawan, matangkad, may maitim na buhok. Yung mukha? Nvm.(^_^)v
"Anong balak mo ama?" Tanong ng isang binata. Ang anak ni Mandrake, si
Cristoph. Ang prinsipe at heneral ng mga
Boggans.(Wag na kayong magexpect na bibigyan ko siya ng puri.)
Siya ay may matabang katawan, bansot, at ang mukha ay di nakakaakit.
(Di naman masyadong harsh no?-A)
Tumingin sa kanya si Mandrake, "Susugod tayo bukas, kukunin natin ang tagapag-
mana." Nakangisi nitong sabi. "Tipunin lahat ng Boggans, tayo'y magpa-plano." Utos nito na agad sinunod ng anak."Masusunod ama." Nakayuko nitong sabi at umalis na upang tipunin ang mga Boggans.
"Fufufu, mag handa ka Demeter. Nalalapit na ang pagsakop ng kadiliman sa kaliwanagan." Natatawa na tila abot na ang tagumoay nitong sabi.
*_*_*
*Sa panig ni Tara*
"Hindi ko na alam Ozzi kung anong gagawin ko kay Dad." Napabuntong hininga ito.
"Ruuf! Ruuf!" Tahol ng aso at pumunta sa hita ni Tara. Napangiti naman ito at hinagod ang ulo ng aso.
Tumingala ito sa langit at gumuhit ng imahe gamit ang mga bituin. Hanggang sa nakaramdam na siya ng antok.
"Tulog na tayo Ozzi, malalim na rin ang gabi." Sabi nito at tumayo. Tinungo na niya ang kanyang kwarto.
"Sana maging maayos na ang lahat." Hulinh nasabi nito bago pumikit ang kanyang mga mata.
—————————————————
A/N: oo alam ko pangit.
YOU ARE READING
Protecting the next Queen of the Nature
AdventureAdvance na Society ng mga maliliit na tao na naninirahan sa gubat upang maprotektahan ito? I don't think so, masyado lang paranoid si Dad. But when that day came, unti-unti na ako naniwala. Totoo pala ang mga ito. Hey! don't think that I'm a crazy...