Kabanata 2

27 1 0
                                    

Kabanata 2

"Matagal na rin nung una akong pumunta dito sa lupain niyo." natutuwang wika ng isang matandang lalaking nagngangalang Garry.

Sa pagmamaneho nito, may nalaglag na insekto sa may windshield ng kanyang taxi.

"Woah! Ngayon na lang ulit ako nakakita ng ganong klaseng insekto! Yung tinatawag nilang Boggans," namamangha niyang saad. Napatingin ito sa dalaga. " Ikaw nga pala Tara, bakit tila hindi mo gustong makita ang ama mo?" tanong nito.

Napaayos naman ng upo si Tara at sumagot. "Namimiss ko naman si Dad," napabuntong hininga ang dalaga. "Di ko lang talaga maiwasang isipin si Mom, dito kasi kami laging naglalaro noon nila Mom and Dad." malungkot nitong dagdag.

"Ah," sagot na lamang ng matanda. "Oh Hija! Nandito na pala tayo." pagpapaalam nito.

Napatingin sa labas si Tara at tinanaw ang kanilang mansyon. Mukha na itong isang haunted house dahil sa dami ng sapot ng gagamba sa labas nito. Pero nangingiba-
baw pa ring ang ganda ng disenyo nito.

Lumabas na ito sa taxi.

"Tawagan mo na lang ako Tara 'pag magpapasundo ka!" sigaw ng matanda at pinaharurot na ang sasakyan.

"Kahit kailan talaga itong si tanda eh, di muna ako pinagsalita. Tsk."

Hinawakan niya ang doorknob at dahan-dahang binuksan.

"Tao po!" sigaw nito at pumasok bitbit ang maleta. "Tao po!" ulit pa nito at nagtuloy-tuloy sa paglalakad sa bahay.

Naglakad lang ito nang naglakad hanggang sa may narinig siyang kaluskos.

Napatigil ito at napatingin sa isang aso na may tatlong paa na lamang.

" Ozzi!" tuwang-tuwa nitong nilapitan ang aso. "Namiss kitang asong alien ka!" pabiro nitong sabi. Syempre di naman talaga alien ang aso, tatlo na nga lang ang mga paa nito diba? At isa pa bulag ang mga mata nito.

"Ruuf! Ruuff!" tahol ng aso at inilabas ang dila.

"Nga pala, nasaan si Dad?" tanong nito sa aso. Tumahol naman ito at tumakbo na tila ba naintindihan nito ang kanyang sinasabi which is oo hakhak!

Sa pagsunod nito sa aso, ay nakita niya ang kanyang ama na abala na naman sa pag-diakubre ng kung ano-ano.

Napailing ang dalaga, "Dad.." tawag nito, ngunit abala pa rin ang ama, "Dad!" this time ay sinigurado na niyang maririnig na siya. Hindi nga siya nagkamali at napansin siya nito.

"Tara anak! Kumusta ka na?" gulat ngunit may halong saya, "Dalaga ka na.." masaya nitong dagdag.

"Ayos naman Dad, and yeah dalaga na ako." nakangiti nitong sagot.

"Nak, dito ka na ba titira?" tanong ni Mr. Buenaventura. Oo, si Mr. Buenaventura ang ama ni Tara.

"Oo kung ititigil niyo na iyan." kaswal na sagot ng dalaga. Nalungkot naman ng husto ang ama. Pero hindi niya pinahalata.

"Pero malapit ko na silang madiskubre!" masaya at excited nitong sabi.

"Dad, kailan ba iyang malapit niyo?" inis na tanong ng dalaga. Naiinis na ito dahil sa matyagang paghahanap ng kanyang ama sa mga maliliit na tao daw. "Ilang taon ka nang naghahanap pero wala ka pa rin makita! Namatay na lahat lahat si Mom pero wala parin!" sigaw nito na ngayon ay umiiyak na.

Napatulos naman sa kinatatayuan ang kanyang ama. Hindi niya alam ang isasagot sa kanyang anak.

"Dad.. please, itigil mo na ito," nagmamakaawang sabi ni Tara.

Magsasalita na sana ang ama ngunit narinig niya ang tunog galing sa device nitong nakakonekta sa gubat.

"Andoon ulit sila!" Excite na sabi nito. "Nak dito ka muna, pupuntahan ko lang ang mga camera sa gubat. " Sabi nito at kinuha ang device na magpapakita ng malapitan sa maliliit na bagay.

"Pero dad!" Sigaw nito.

"Mamaya na tayo magusap anak!" Sabi ni Mr. Buenaventura at kumaripas ng takbo papuntang gubat.

Napabuntong hininga ang dalaga.

To be continued....

Protecting the next Queen of the NatureWhere stories live. Discover now