"Hays", ani ko at sinubsob ang sarili sa mga test papers na nakakalat sa study table ko.
Ilang oras na din ako nag rereview para sa upcoming exam namin. Ayoko kaseng bumagsak dahil honor student ako at mag se-senior high na din. Ayoko din namang maging disappointment sa parents ko dahil nagsisikap din sila para makapagtapos ako. Napatingin ako sa wall clock namin para malaman ang oras.
4:37 am..
"Arghhhhh", pagmamaktol ko at napasabunot sa sarili. Panigurado ay sabog ako neto bukas dahil wala pa kong tulog. Napatingin ako sa pintuan ng kwarto ko nang marinig ko itong bumukas at niluwa naman ng pinto si Ate Daisy na may dalang tray na puno ng cookies at isang basong gatas. Nakangiti naman syang lumapit sakin.
"Oh Kei, alam kong stress na stress ka na sa pag rereview mo kaya kumain ka na muna at mag pahinga", aniya at nilapag sa table ko ang dala nyang pagkain.
"Salamat po, Ate. Magpahinga na din po kayo", nginitian lamang ako ni Ate Daisy at lumabas ng kwarto.
Katulong namin sa bahay si Ate Daisy. Mag aapat na taon na din namin syang katulong at sya na nag aalaga sakin dahil palaging nasa business sila Mom and Dad at only child lang naman ako kaya itinuturing ko na ding pamilya si Ate Daisy.
Kinain ko na lahat ng cookies at inubos ang gatas na inihanda sakin ni Ate Daisy para makapag pahinga na din ang utak ko. Niligpit ko na ang mga test papers at mga libro ko sa study table at natulog na din pagkatapos.
~ K I N A B U K A S A N ~
"Kei? Gising na. Mag aalas otso na. Diba 8:30 ang Exam nyo? Bumangon ka na dyan at ma le-late ka na", pag gising sakin ni Ate Daisy at nararamdaman ko pa ang pag yugyog nya sa braso ko.
"Hmmm", pag ungol ko. Unti unti kong binuksan ang mga mata ko para tignan ang oras at nagising ng tuluyan ang kaluluwa ko ng makitang 8:07 na!
Di ko na pinansin si Ate Daisy at tumakbo na papuntang cr para maligo at sa loob ng limang minuto ay natapos ko agad ito. Dali dali akong nag bihis ng uniform at nag ayos ng sarili at bumaba na.
"Kumain ka muna Kei para ganahan ka namang sumagot sa Exam mo mamaya", pag anyaya ni Ate Daisy.
"Nako, hindi na po Ate. Kukunin ko na lang po tong sandwich at sa sasakyan ko na lang kakainin. Late na po kase talaga ako", pagmamadali ko at nilagay sa bag ang dalawang sandwich at tumakbo palabas.
"Ingat ka!", pahabol ni Ate Daisy.
"Opo!".
Habang kumakain ako ay nag drive na ko papunta sa Kent Wood University. Sakto namang naubos ko ang dalawang sandwich nang makarating ako sa school. Late na ako kaya mangilan ngilan na lamang ang mga students na pakalat kalat sa campus since Examination Day.
Tumakbo ako papuntang 4th floor at dumiretso sa ikalawang room which is yung room namin. Nakita ko naman si Ma'am Feliciana na nag di-distribute na ng mga test papers.
"G-Good morning, Ma'am. Sorry if im late", pagbati ko.
"The Exam will start, go to your seat", aniya at sinunod ko naman iyon.
Pagka-upo ko sa aking upuan ay kinalabit ako ni Lorraine. Nagtataka naman akong tumingin sa kanya.
"Bakit ngayon ka lang?", tanong nya.
"Na late kase ako ng gising. 4am na ko nakatulog dahil sa pag rereview", pagod na pag sagot ko.
"Bumawi ka na lang ng tulog mamaya. Half day lang naman tayo eh", aniya at tumango lang ako.
Na distribute na lahat ng test papers at sign na iyon na kelangan ng simulan ang test.
"Focus on your papers, class. Cheating is strictly prohibited", pag wawarning ni Ma'am sa amin.
YOU ARE READING
Waste it on me
RandomSi Kei ay isang babaeng simple, matalino, at may pangarap sa buhay. Pangarap nya talagang maging successful balang araw. Ngunit sa di inaasahan ay may dumating na lalaki sa buhay nya. Sya si Vlad, typical playboy sa school at sikat naman talagang hi...