"Kei?"
"Kei, gising na.."
"Kei, mag aalas nwebe na ng gabi. Bumangon ka na at mag hapunan. Diba mag rereview ka pa? May exam ka pa bukas kaya dapat mag review ka na para makatulog ka naman ng maaga ngayon".
"Hmmm", mahinang ungol ko. Ano ba yan, gusto ko pang matulog eh.
"Mamaya na ko kakain, Ate. Bababa din ako dyan after 10 minutes. Ayaw pa ko pabangunin ng malambot kong kama", dugtong ko at binalot ang sarili sa malambot kong kumot.
"Oh sya, sige. Maghahain na ko ng makakain mo. Umalis na din kaninang hapon ang mga magulang mo. Pumunta sila sa Cebu para daw sa business trip nila", sagot ni Ate Daisy at sinara ang pinto ng kwarto ko.
Napabuntong hininga na lamang ako. Well, ano pa nga bang i-eexpect ko? Ayoko namang maging immature pero sinong anak ang di sasama ang loob kapag walang oras ang mga magulang nila sa kanya? Sa isang 16 years old na katulad ko ay dapat ko silang intindihin. I know they are expecting me to understand them since para naman sakin daw yung ginagawa nila.
Napilitan na lamang akong bumangon at pumunta sa cr para mag hilamos. Matapos kong mag ayos sa sarili ay bumaba na din ako. Naabutan ko pa si Ate Daisy na naglalagay ng plato sa lamesa.
"Oh, nandyan ka na pala. Halika ka. Maupo ka na at kumain", pag anyaya nya sa akin.
"Salamat, Ate. Ikaw po? Sabayan nyo na ko kumain", nakangiting saad ko.
Sabay kaming kumain ni Ate Daisy ng hapunan. As usual, kwentuhan lang habang kumakain. Yun naman lagi naming ginagawa. Napaka swerte ng mapapangasawa ni Ate Daisy kung sakali. Maganda sya, masipag, at maalaga. Di ko lang alam kung bakit di sya nag aasawa. Matanong na nga lang yan sa susunod, hehehe.
Natapos kaming kumain ni Ate Daisy at sinimulan na naming mag ligpit ng aming pinagkainan.
"Akin na po, Ate Daisy. Magpahinga na po kayo. Ako na po mag huhugas ng pinggan", pag pe-presinta ko.
"Naku, wag na. Mabuti pa ay umakyat ka na sa kwarto mo at simulan mo nang mag aral para maaga ka na ring makapag pahinga".
"Sigurado ka ba dyan, Ate? Alam kong pagod na kayo".
"Kaya ko pa naman. Pag katapos nito ay matutulog na din ako", nakangiting saad nya.
"Sige, Ate. Akyat na po ako ah? Good night po", pagpapaalam ko kay Ate Daisy at umakyat na.
Nang makarating ako sa kwarto ko ay nag review na agad ako. Konti na lang naman ito kaya alam kong medyo mapapa aga ang pag tulog ko ngayon.
Pinaandar ko na lamang ang aming stereo para makinig ng music. Ewan ko lang pero alam ko na halos lahat ng estudyante ay di makapag focus sa pag rereview pag nakikinig ng music. Ewan ko ba sakin. Mas nakakapag review ako pag may music. Nakaka relax kase eh.
Nang matapos ang kanta ay natapos na din ako mag review. Niligpit ko na ang mga reviewers ko at inayos ang higaan ko. Naramdaman ko namang bumukas ang pinto at niluwa nito si Ate Daisy na may dalang isang baso ng fresh milk at dalawang katamtaman ang laking cookies.
"Oh, Kei. Matutulog ka na ba? Ubusin mo muna ito ng makapag relax naman ang utak mo para bukas", nagbibirong ani ni Ate Daisy.
"Pfft. Grabe naman kayo, Ate Daisy. Sige po. Pakilapag na lang po nyan doon sa may study table. Aayusin ko lang po mga gamit ko."
"Oh sya, sige. Tawagin mo lang ako sa kabilang kwarto pag tapos ka na kumain para maihatid ko na yan doon sa lababo."
"Naku. Wag na, Ate! Kaya ko na po ito. Mabuti pa at mag pahinga na lang po kayo."
YOU ARE READING
Waste it on me
RandomSi Kei ay isang babaeng simple, matalino, at may pangarap sa buhay. Pangarap nya talagang maging successful balang araw. Ngunit sa di inaasahan ay may dumating na lalaki sa buhay nya. Sya si Vlad, typical playboy sa school at sikat naman talagang hi...