VI - II

2.7K 60 12
                                    

Gab's Point.

Nilimot ko ang singsing atsaka nagmadaling lumabas.

Ang sakit.

Pagbaba ko wala pa si Terrenz baka nagpapark pa ng kotse.

Binalik ko kung san ko kinuha yung mga gamit na panglinis tapos pasok sa kwarto ko.

Umupo ako sa may study table atsaka nilabas ung singsing mula sa bulsa ko.

Tinitigan ko yon at nagisip ng mga bagay na posibleng mangyari.

Mga bagay na posibleng mangyari pagdumating ang tamang oras. . .

*bzzzzt**bzzzzt*

New message: Acel

Hi Bestiee! Tara sa mall :))

Mukhang kailangan ko munang magpalamig, pampawala lang ba ng sakit.

Nireplyan ko sya atsaka nagbihis naka denim skinny jeans, denim loose polo, dollshoes at sling bag lang ang buhok ko hinayaan ko nalang kung anong tayo. Btw, i love denim.

Pagbaba ko nakita ko si Terrenz, naalala ko yung kanina kaya napatungo ako at napahawak sa sling ng bag ko.

"Where are you going?" Hinawakan nya ako sa braso.

O.O -- me

"Where are you going?" Matigas na sabi nya. Nagbalik naman ako sa huwisyo.

Dahan dahan kong hinanggal ang kamay nya mula sa kamay ko na hindi ko din alam kung bakit ko nagawa.

"Magpapalamig lang. " Sabi ko ko at lumabas na.

Bago ako makalabas ay nagsalita ulit sya.

"Who are you with? "

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Parang. . .

hay nvm.

"A friend. " Tapos tinanggal ko ng dahan dahan ang kamay nya.

Tumalikod ako at magsisimula na sanang maglakad. . .

Humarap uli ako sa kanya.

"I love you. . .so much" tumiad ako, pero hindi ko parin naabot ang noo nya kaya itinungo ko ang kanyang ulo at idinampi ang labi ko sa noo nya.

Lumabas na ako at naglakad palabas ng subdivision para pumunta sa mall.

-MALL-

New Message: Acel

Bestie, Where na u?

nandito ako sa may starbucks kaya tinext ko sa kanya.

So, Acel and I,We have been in contact since the day that we've met. She also become my best bud. But, di ko pa namemeet yung boyfriend nya at ganun din naman sya, di nya pa namemeet si Terrenz.

Umorder ako ng maiiinom habang naghihintay sa kanya.

New message: Acel

Ok :) Bestie medyo malalate ako ha, dyan ko nalang ipapaliwanag sayo. XOXO :* ♥

Napatawa naman ako sa kanya.

Medyo madami ang tao kaya buti nakaupo agad ako kanina.

May wifi kaya dito? hahahah nakakatanga naman ang tanong ko. Syempre meron.

I started surfing the net.

Ang boring naman. Scroll lang ako ng scroll.

"Daniel?"
--

The Unwanted [hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon