Nagkita...
Nagkakilala...
Nagkagustuhan....
Nagkasuyuan...
Nagmahalan...
Nag-away...
Nagkasakitan...
Nagkapatawaran...
At muling nagkabalikan...
Kulang na lang ay ikasal na kami upang ganap na maging mag-asawa...
Siya na marahil ang pinakamagandang bagay na nangyari sa buhay ko. Pinatagpo ng isang insidente, sinubok ng mapaglarong tadhana, at pinagtibay ng panahon. Hangga't maaari ay pinapahalagahan namin ang aming pagmamahalan at respeto sa isa't-isa.
Halos magtatatlong taon na rin ang lumipas at nakalimutan ko na ang sugat ng nakaraan. Marami na rin ang nagbago kay Bodrick. Effort wise, he 's doing the extra mile of bringing back my trust and love for him. One milestone we had is that nakapagdalawang anniversary na rin kami and I know that he has plans of proceeding with the engagement. Second is that we lasted two years na walang major away na nagaganap.
Nakipagkita kami ni Bodrick kay Owen at Froilan upang magkapatawaran. Naging magaan naman ang loob ko sa dalawa nung nakipagkaibigan sila sa akin. Nagbiro pa nga si Owen na baka gusto raw namin masubukan ni Bodrick ang makipag-orgy sa kanila. Natawa na lang ako nang malala, never in my wildest dream na gugustuhin kong may ibang ka-sex yung mahal ko maliban sa akin. Doon ko sila mas nakilala. Kahit na hindi naging maganda ang aming simula, naniniwala naman akong mabubuting tao silang dalawa.
Madaling araw ng Martes ng ginising ako ng tunog ng aking cell phone.
"Hello?"
"Yes, good evening," sagot ng babae sa kabilang linya. "This is from St. Luke's Medical Center and I'm looking for Mr. Damien Legazpi?"
"This is him speaking."
"It's great to finally reach you, Sir," pagpatuloy ng babae. "Ako nga po si Jen from St. Luke's Medical Center. Tumatawag po kami kasi kasalukuyan pong nakaconfine si Mrs. Divina Baladjay dito sa ospital dahil sa cyst na nakita sa kanyang ovary. Kailangan po kasi siyang operahan para matanggal yung cyst na yun. And according po sa form namin dito, she declared you as her immediate family to contact for emergency. Kaanu-ano niyo po ba ang pasyente?"
"Mama ko."
"Ah okay po," bakas sa boses niya ang pagkabigla sa naging sagot ko.
"May problema po ba," tanong ko.
"Ah, wala naman po. It's just that we waited for twenty-four hours and no one has visited her yet, so umaasa kami na sa pamamagitan ng tawag na ito'y may pupuntang kamag-anak niya upang tugunan ang mga papeles na kailangang asikasuhin sa kanyang pagpapa-opera."
"Anu-ano po bang mga papeles yun?"
"Sir, kailangan po kasing may kamag-anak na pipirma sa form for the operation na gagawin sa pagtanggal ng cyst sa kanyang matres."
"I'll come there as soonest time possible," straight kong sagot. "Pwede ko ba siyang makausap?"
"I'm sorry, Sir, but tests for the operation are being conducted right now. Pwede niyo naman po kayong tumawag ulit dito pagkatapos po niyang sumailalim sa mga tests."
"Mga anong oras po ba?"
"Siguro, Sir, after mga two hours po."
"Okey."
"Sir, kailan po kayo makakarating dito?"
"Most probably two days from now."
"Ay ganun," sagot ng nurse. "Tagasaan po ba sila, Sir?"
BINABASA MO ANG
Kasadya
RomanceThe first of a five-installment novel by James Baladjay. Lahat tayo ay naghahangad ng perpektong relasyon, subalit ang reyalidad ay wala namang perpektong tao dito sa mundo. Sa unang nobelang ito ni James Baladjay, inilahad dito ang life-cycle ng is...