Start of Something New

4 0 0
                                    


Pagbaba ko ng sasakyan ay agad kong napansin na may tatlong kotse ang nakaparada sa garahe. 'Humble pa 'to sa lagay na yan?' bulong muli ng malikot kong utak. Napilitan tuloy akong magtanong, "Nandito ba ang pamilya mo?"

Napatingin siya sa direksyon ng aking titig. "Ah," wika niya sabay ng mahinang hagikhik. "Bakit, natatakot ka ba?"

"Takot saan?" depensa ko.

Lumingo-lingo ang ulo niya. "Andun nga sa sports complex ang lahat ng aking pamilya. Maliban sa mga katulong, si Benedict lang kasama natin dito."

"Sino si Benedict?" Jowa mo? Patuloy ko sa utak ko.

"Nakakatanda kong kapatid."

Nabigla ako. First name basis? Walang kuya kuya?

"Oh, natahimik ka ulit," basag niya sa aking katahimikan.

"Ah, wala," sagot ko. "Ilang kotse ba meron kayo?"

"Do I really have to answer that?"

"Curious lang ako kasi kung wala dito family mo, ba't may tatlong nakaparada dun oh," tanong ko sabay turo sa direskyon ng kanilang garahe.

"Haha," pagtawa pa niya, "Sabi ko na nga ba na natatakot ka nga sa pamilya ko. Don't worry, di kami pamilya ng mga bampira."

Bumuntong hininga na lang ako sa pagkairita sa pang-aasar niya.

"Inirapan mo ba ako?"

OMG! Sa tindi ng inis ko, di ko napansin na inirapan ko pala siya. "Eh kasi nagtatanong ako ng maayos tapos puro pang-aasar lang naman nakukuha kong sagot mula sayo."

"Fine," he replied in surrender. "We have three AUV's, dalawang service vans, at apat na kotse," diretsahang sagot niya. Agad akong napalunok. "Satisfied?"

Tumango na lang ako bilang sagot.

"Cool! Halika na sa loob at baka sabihin ni Ben na pinabayaan ko ang apo ni Mr. Baladjay," pang-asar niya sa akin. Sumunod naman ako sa kanya. Habang naglalakad kami di ko mapigilang humanga uli sa kanya. Biglang pumasok sa isip ko na sana ay naging babae na nga ako at pag niligawan niya lang ako ng isang beses ay sasagutin ko na siya agad. Ibibigay ko pa ng kusa ang aking katawan. Pero masyado naman yatang kapokpokan iyon. Hahaha! Napahiya na naman ako sa pagkaroon ng ideyang iyon sa kukote ko! Ano ba itong nangyayari sa akin at anong meron itong lalaking ito at nagkakaganito ako sa kanya?

"Hoy, bigla ka nang natulala diyan," Namalayan ko na lang na nasa gazebo na kami sa gitna ng malawak nilang harden at niyayaya na niya akong umupo sa isang mesa na may apatang silya. Bigla ako nahimasmasan. Ginala ko muna ang aking mga mata at pinapamilyar ko ang aking sarili sa kapaligiran. Ang ganda ng harden nila na merong malaking swimming pool sa bandang unahan. Bigla kong naisip na parang nagkamali ata ako ng pinuntahang lugar at nagkamali ata ako ng taong binabangga... baliktad pala, siya 'tong kamuntikan ng bumangga sa akin.

Biglang umeksena ang utol niya. "Oh, Bodrick, me bisita ka pala."

"Benedict, di lang siya basta-bastang bisita," sagot niya. "Siya lang naman ang apo sa talampakan ng pioneer ng Sinulog Festival... ang isa sa mga lahi ng mga Baladjay."

"Ganun ba?" wika pa ni Benedict. "I'm Benedict," pakilala niya sabay bigay ng kanyang kamay na nag-aalok ng handshake. "Nice meeting you, Mr. Baladjay!"

"Damien na lang," sagot ko sabay handshake sa kanya. "Nice meeting you too!"

"Kamag-anak ka ba ng dating mayor ng Cebu," tanong ni Benedict.

"Ah, oo," nag-aalinlangang sagot ko.

"Hindi ka siguardo?" At bigla siyang umupo katabi ko.

"Ah long story," sagot ko sabay bigay ng malamyang ngiti.

KasadyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon