Weakness

4 0 0
                                    

Samie Luste P.O.V. 

December na! Ang bilis ng panahon. Ngayong december lang lumamig ang panahon at ang gandang matulog kaso may pasok pa e. "Daddy, aalis na po ako!" he kissed me on my forehead. "Take care honey."

        Pagkalabas ko ay para na akong nanigas sa lamig. Isinuot ko agad ang dala kong jacket. I need a hug, jacket is not enough! Echos ko lang! Habang naglalakad na ako sa tapat ng eskwelahan namin ay biglang may humatak saakin at bigla akong niyakap. WHAT?! Ano ito, tinotoo ang sinabi ko at niyakap ako agad agad? "S-sino ka?" mahinang sabi ko sakanya habang nakayakap parin siya saakin. "Stay still please." sabi niya saakin at di na umimik. I closed my eyes, nahihiya kasi ako sa mga taong naka titig saamin ngayon. Ang init ng katawan niya kahit na taglamig. 

Maya-maya ay nararamdaman ko na ang pag hiwalay niya sa pagkayakap niya saakin. Pagkatingin namin agad sa isa't isa ay agad kaming sumigaw "IKAW?!" Napalayo kami sa isa't isa. "Bakit mo ako niyakap?" diring diring sabi ko sakanya. "B-baka naman may gu-" hindi ko na natuloy ang nasabi ko nang bigla siyang sumigaw ng "ASA KA!" lahat ng mga estudyante ay napatingin saakin at ang mukha ko naman ay namula bigla. 

Oo nga naman kasi diba? Sino ba naman kasi magkakagusto saakin, ni hindi nga ako nag aayos ng sarili at hindi ko din alam manamit ng desente katulad ng mga babaeng magaganda ang sinusuot na damit. Oo alam ko naman yun e, pero di naman dapat na ipamukha saakin na ganun. Pakshemay! 

Tumalikod agad ako, baka pag ipinagpatuloy ko pa ito ay baka maluha na ako. Ang pangit na ng araw ko tuloy. Tss! "Wait!" ngunit ng hindi pa kalayuan ay nagpasalamat siya saakin. "Pero, salamat pala kanina ah! Sorry na rin" at siya'y umalis na. SALAMAT KA DIYAN?! ULOL MO! Sino ka ba ?kahapon ka pang panira ng araw ko! 

Bago ako pumasok ng clasrum namin ay pumunta muna ako sa C.R. kaso may isang napaka gandang babae ang humarang sa daanan ko. Wow! Para siyang isang angh- "Walang hiya kang babae ka!" isang napaka laki ngunit napaka lambot na kamay ang dumapo sa mukha ko. "Ouch!" sigaw ko. Fak! Mabuti nalang di ko natuloy ang sasabihin ko kanina. Siya ay isng demonyo na di  mo inaakala. "Sino ka?!" angas na sabi ko dito, napatawa naman siya, "Ako ang boyfriend ni Dennis na niyayakap mo kanina sa tapat ng gate." mataray naman na sabi niya. Huh!? Sinong Dennis yun? "W-wait nagkakamali ka. Wala akong kilalang Dennis." Inayos muna niya ang kanyang buhok bago siya nagsalita, "Wow! You're a great pretender b*tch!" at isang karamot na ang napala ko sa kakausap ng isang demonyo. Hinawakan ko ang kwelyo niya, "You're messing with the wrong girl dude!" Bago pa maka galaw ang demonyong babae ay may agad na teacher na tumutol saamin. " Christina! Sam! Stop fighting!" Agad agad kong binitawan ang pagkahawak ko sa kwelyo niya at umalis na. PAHAMAK ANG MGA TAO! URGH!

Nang pagkapasok ko with a messy face "Samie!" sigaw ng dalawang lalaking kaibigan ko. Yup, lalaki ang mga kaibigan ko. No one wants bo friends me except them. They accepted me for who I am and I'm so great about it kasi akala ko it will be the same like my grade school. Mabuti nalang hindi dahil sakanila.

"Wut?" nilingon ko sila. "What's with the scar in your face?" asked Nico. Hinawakan ko ang pisngi ko at naramdaman kong mahapdi. Walang hiya yung demonyo na iyon at ikinaramot ang mukha kong makinis! Umiling iling ako, "Wala wala, hayaan niyo na." at agad-agad ako umupo sa upuan ko. What a LIFE I HAVE. Dennis pala ang pangalan ng yumakap saakin at tuloy napagbintangan ako ng demonyong Chrsitina na mang aagaw ako ng boyfriend. MAGSAMA ANG DALAWA YUN, nangdadamay sa pahamak! 

Nagbell na at nag start na rin ang klase. First subject ay English at wala kaming ginawa kundi magbasa lang ng isang paragraph ng poem at ito'y umagos sa puso ko 

The demons torture me and reminds me of the things I hate. The painful words carved in my mind the markings on my skin.

My past is coming back, I don't want to go back to the pain that I have experienced before.

"Sam?" inalog alog ako ni Eric, ang isang kaibigan ko. "Time na! Meryenda na tayo!". Wow! Sa lalim ng iniisp ko ay hindi ko na pala namalayan na time na. "Hmm? Una na kayo, clinic lang ako." tumango sila Nico at Eric " Sige take time! KIta tayo sa may playground ha?" at umalis na sila.  Bakit sa play ground, e hindi naman kami dun nagtatambay? Tss.

Pumunta ako sa clinic para ipagamot ko yung nasa pisngi ko. "Naku neng, sayang naman yang napaka gandang kutis sa mukha mo at nagasgasan tuloy." ngumiti nalang ako ng pilit sa nurse. Yung nurse oh, feeling close raw. 

Pagkabili ko ng pagkain sa canteen ay dumiretso na ako sa play ground, nakita ko sina Eric at Nico na nakatayo malapit sa swing. "Eric! Nico! Bakit tayo andito?" tanong ko sakanila ng papalapit na ako. Nang tignan ko mukha nila ay napaka lungkot. " Sam, sorry ah pero kailangan namin itong gawin. Alam mo naman na sabik na sabik akong magka gf ." sabi ni ni Eric, tumango tango ako habang kinakain ang tinapay na ibinili ko sa kantina. "Alam mo rin na hindi kami gaano kayaman diba?" dugtong naman ni Nico. "Hm? Ano naman pinag sasabi niyo? Hindi ko kayo ma gets." Magsasalita na sana si Eric nang biglang may humablot sa buhok ko. "A-a-a-aray!" nakita ko si demonyong Christina na ipinagsisipa ako sa sahig kasama ang kanyang mga alila.

Grabe naman, napakadesperada naman nang babaeng ito dahil lang sa boyfriend niya na may niyakap. "Masaya ka ba sa ginagawa mo?" tinanung ko kay demonyita ngunit hindi niya ako sinagot. Heto nanaman ako, nakikita ko ang napakahinang sarili ko na hinahayaang maapi ng ibang tao. Tinignan ko sina Eric at Nico ngunit ang nabasa ko sa mga labi ni Nico ay "SORRY SAMIE." at agad na nang hina nag puso ko. Pati ang mga kaibigan ko walang magawa.

 Nagsidatingan ang mga estudyante sa ground at naghihiyawan.

"Go Christina!" yan lang ang marinig ko at wala nang iba pa. Bago pa ako mawalan ng malay ay may isang lalaking humarang sa harapan ko, "TAMA NA!" at tuluyan na akong nawalan ng malay. Ganito nalang ba lagi ang mangyayari saakin? Akala ko pa naman wala na ang nakaraan at magbabagong buhay ako sa bago kong eskwelahan. 

--------------

Thanks for reading! :) Hope you like it! :) 

Life Time Stuck In SilenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon