I'm Scared to Fall Inlove

6 0 0
                                    

Dennis Ruevor P.O.V.

Nung umalis na yung babaeng nakasama ko sa basement ay may nabuong hiya sa sarili ko. Bakit ko pa kasi tinanung yun sakanya. Nakakadiri naman! 

--------------

Dennis Ruevor is my name. I'm a third year student din. Kung nagdududa kayo kung bakit ako nakapunta sa basement ay dahil may babaeng naghahabol saakin.

"Shit!" bulong ko sa sarili ko. "Dennis beyb! Magpakita kana! Napapagod na ako!" sigaw niya na nagmamakaawa. Ayoko na! Bakit ba kasi siya pa ang napili ko. Nang aatras ako ay may nakita akong isang abandoned na BASEMENT ata? Agad-agad akong pumunta doon. Pagkabukas ko ng pinto ay napakadilim, hinanap ko ang switch ng ilaw, "Ayun!" bulong ko sa sarili ko nang ma switch on ko yung light. and You won't believe it! Abandoned place ba ito o secret basement? 

Mga minuto ang lumipas ay wala na akong naririnig na tumawag sa pangalan ko. Hay! Mabuti wala na yung babaeng yun! Bwisit! Nang inikot ko ang basement ay may pagkalawak din. Napakalinis naman ng basement na ito? Mukhang may pagmamay-ari ito. May book shelves, may sofa at may study table. Wow! Ito yung tipong gusto ng mga lalaki na style sa bahay nila, hindi ung maraming mga dekorasyon sa paligid na di katulad ng mga babae. Nag stay muna ako ng matagal para magpahinga at para makipag kaibigan sa kung sino man ang may basement nito.

Pero nang makita ko ang isang babae na pumasok sa pinto ay nagulat ako. SIYA ANG MAY ARI NITO? O.o Da fuck dude?! Lalaki ba siya o hindi? 

-----------------

Mga mag aalas sais na ay umuwi na ako.Napaka ganda sa basement na iyon. Sana ako ang unang nakakita non. Tss! 

"Home!" sigaw ko sa loob ng bahay. "You're already here" sabi ni Manang Norma. "Late ka nalang laging umuwi. At bakit?" tanong sakin ni Manang. Agad akong umupo sa sofa. "Kasi manang tinataguan ko si Christina. Ayoko na sakanya." Kinuha ko ang phone ko at nakita ko ang napakaraming message at call ni Christina saakin, yung babaeng tinataguan ko kanina. "Ay ikaw bata ka! Alam mo ba na ang baabe ay hindi isang laruan para ilibang mo lang pag gusto mo. Dapat may respeto ka!" Tumango nalang ako, si manang talaga kung makapag bigay ng advice wagas. "Sana naman iho may mahanap kang babaeng makakapag bago sayo." umiling iling ako sa sinabi ni Manang. "Alam mo manang" sabay akbay sakanya "hindi naman ako mag seseryoso e dahil masasaktan lang ako katulad sa nangyari kay Mama." pailing-iling nalang din si Manang sa sinabi ko. E sa ayoko nga maghanal dahil ayoko  maranasan masaktan.

        Kinabukasan ay papasok na ulit ako sa paaralan. "Manang! Alis na ako!" paalam ko sakanya. Hay! Sana naman wala si Christina . "Dennis, mag jacket ka at taglamig na! Baka uulan pa mamaya." "Opo Manang" yun nalang ang naisagot ko. 

Saktong pagkababa ko sa sasakyan ko ay nakita ko si Christina na nag aantay sa labas ng gate ng skul. Papaano na ito. Walang hiyang desperadang babae na yan! Bago ako pumasok sa skul ay nag isip muna ako ng plano para hindi ako mapansin ni Christina. Ah!  Alam ko na. Malapit na ako sa gate ng skul ay hindi ako napansin ni Christina, lilingon na sana siya saakin ng bigla kong hinatak ang kamay ng isang babaeng dumaan sa malapit sa kinaroroonan ko at niyakap siya. Pare, ang bango ng buhok niya. Pero Gago na ako kung gago. Pakshemay wrong move, baka mainlove saakin itong babaeng niyakap ko at siya naman ang papalit kay Christina na maging desperada.

---------------

Part 2 is done! Thanks for reading! 

------------

About Dennis Ruevor

Iniwan siya ng Mama niya nung siya'y bata pa siya sa kanyang Papa dahil may ibang mahal ang kanyang Nanay. At sa tatlong taon na ang nakalipas ng iwanan sila ng kanyang ina ay nagkasakit ang tatay ni Dennis ng Leukimia at namatay. Kaawa awang Dennis na kahit mayaman siya ay wala na siyang magulang. Nang iwanan ng kanyang inay ang kanyang itay ay nakita ni Dennis kung gaano kahirap ang buhay ng maiwan ng taong kanyang minamahal kaya dun nag umpisa ang takot din niya na magmahal at hindi nag seseryoso sa mga babae.

Life Time Stuck In SilenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon