Chapter 4

55.1K 2.4K 651
                                    

Chapter 4


"Parvana!"

Tumatalbog ang keychain sa bag ni Zoey as she hopped towards my direction. She grinned at me, her cheeks flushed from the heat.

Gumewang pa ito nang konti nang maglakad na kami. I looked at her worriedly.

"Are you okay?" tanong ko sa kaniya.

She giggled. "Konting hang-over lang."

Ngumuso ako. "Uminom ka kagabi?"

Umirap siya sa ere. "Iniwan ako ni Zeus sa café! Ang tagal niyang bumalik tsaka pareho na ding umiinom si Wenceslao at Troy. Naki-inom nalang din ako..."

I stared at her, eyes widening in shock. "Pasensiya na, Zoey. Inihatid pa kasi ako ni Zeus kaya ka—"

"Ssh. It's okay. If anything, I've got to drink with my crush!" she winked at me and giggled again.

Napakamot nalang ako sa ulo, hindi alam kung anong isasagot sa kaniya. Every Wednesday, we're allowed to wear our civilian attire. Washday, kumbaga. Sa Thursday pa naman ang PE namin kaya napilitan akong mag-kaswal na damit.

Today, I am wearing my all-black Islamic dress with a white sheer hijab. Mama Normillah put my hair on a bun earlier before I went to school. Isinukbit ko ang pink pastel kong mini backpack at sinulyapan ulit si Zoey.

Biglang nangunot ang noo nito habang naglalakad kami sa corridor, ang mata'y nasa mga kumpulan ng estyudante sa Grade 12 building.

"Holy shit."

I winced when she suddenly cursed. Sinundan ko ang tingin niya at dumapo iyon kay Zeus. Kasama niya si Wenceslao, nakatambay sa labas ng classroom habang may kausap na babae.

I couldn't see her face, though, kasi nakatalikod siya sa amin. But she's got a honey blonde hair that is braided elegantly and a black shoulder bag. Based on her height and skin complexion, I can tell that she's a foreign.

"Bakit?" mahina kong tanong kay Zoey.

Huminto sa paglalakad ang kaibigan ko at mas lalo pang kumunot ang noo. Tapos bigla nalang niya akong hinila, mabilis na naglalakad patungo sa Grade 12 building.

"Zoey!"

"Hi, Zoey!"

She ignored some of her friends who called her. Dire-diretso ang kaniyang lakad hanggang sa marating na namin ang classroom nila Zeus. Doon pa sila napatingin sa aming dalawa.

Tumikhim si Zoey, dahilan upang mapalingon ang Amerikana sa amin.

Hilaw siyang ngumiti dito. "Nandito ka ulit?"

The blondie smiled kindly at her. "It's nice seeing you again, Zoey."

Nagtaas lang siya ng kilay at walang sinabi. The girl turned to me and smiled, too.

"I suppose this is your friend?"

"Salaam. I am Parvana Naia Bukhari..." I politely said, even though I got awkward with Zeus' intense stare at me. Or so I thought. Kung anu-ano nalang ang pinag-iisip ko...

"Hi. Katey Goldman." Tipid niyang wika. She took my hand and let go quickly after a single shake. Tapos dumapo ang tingin nito kay Zoey na nakasimangot na sa kaniya. "You've grown a lot, Zoey."

"Yeah, right." Sarkastiko nitong sagot at binalingan na sina Wenceslao at Zeus. "Alis na kami."

Zeus nodded his head, finally tearing his gaze off me. Nag-isang sulyap siya sa babaeng kausap kanina at nagkibit-balikat nang tumunog ang bell.

This is How We End (Published under Pop Fiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon