Chapter 01

41 3 0
                                    


Stacey

"Anastasia Stacey Rose, ano ba? Halika na dito't maligo kana!" Sigaw ni mama sakin dito sa tabi ng pool. Nasa gitna kasi ng pool sila mama.

"Oo nga! Kahit kailan hindi kapa namin nakitang naligo dito sa pool." Sabat naman ng sulsulera kong bestfriend tas nakita ko pang nagtatawanan sila. Palibhasa close na close sila ni mama kaya grabi kung pag tulungan ako.


"NOOOOO! AS IN N-O! GETS?!" Taas kilay kong sigaw pabalik sa kanila. Hindi ba sila makaintindi? Tsaka bat kailangan full name ko pa? Duh! So nakakahiya kaya.



Imbis na mainis pa ako sa kanila, tumayo na ko para mag puntang cottage. Kakain na lang ako ng kakain dun. And yes, correct kayo! Never panga akong naligo sa pool. Hindi naman ako nalunod or ano kasi nga hindi pa talaga ako nakakapag swimming.

Ewan ko ba! Pag nakakakita kasi ako ng pool or dagat, basta bigla nalang kikirot yung puso ko. Para bang nasasaktan ako? Or baka ganun na nga.



Whatever.

"Hoy kambing! Anong ginagawa mo dito?" Salubong agad sakin ng may pagka demonyo kong kapatid. 

See? Lahat na lang iniinsulto ako. Hays! Pakamatay na kaya ako? Dejoke' may pangarap pa ko syempre tsaka di naman ako OA para magpa-kamatay agad ng dahil lang sa ganitong sitwasyon.



"Don't me kuya! Badtrip ako."

"Bakit ba kasi hindi ka na lang mag enjoy? Mag swimming kana kasi, birthday na birthday ng pinaka-pogi mong kuya, ayaw mokong pag bigyan." Sabi nya sabay tawa nila. Oo nga pala, kasama nya nga pala yung mga monggi nyang tropa.

"Ah ganun ba? Well, enjoy your birthday. Uuwi nako." kinuha ko na yung mga gamit ko para makapag bihis na.


"Hindi pwede! Bakit nanaman ba?" Reklamo nya, hindi naman masama kung sisirain ko yung araw nya ngayon diba?



"Di ba obvious? I'm bored." Then walk out na ko. I'm going home na talaga. kung sa iba excited sila sa outing, ibahin nyo ako.

-

Monday na nang umaga, second day na nang pasok namin ngayon. Medyo boring pa nga rin kasi hanggang ngayon onti parin kami. Hindi pa kasi nagsisi-pasok yung iba pa naming classmate.

Buti na lang behave ako. Di naman sa pala-aral ako but my priority kasi is my study so parang ganun na nga.

Bago ako bumaba, kumuha muna ako ng libro na pwede kong basahin para mamaya sa school if na free kami. Syempre nakakasawa rin namang kadaldalan si Yvonne.

By the way. Yvonne is my bestfriend since grade five, in ampon na sya ni mama kasi namatay sila tita sa barko dahil may nag pasabog daw dito kaya lumubog. Sobrang iyak nga ako nun, syempre concern ako kilala tita pero parang may pinanghu-hugutan yung iyak ko nun.  Nagtaka panga sila mama kasi imbis na si Yvonne padaw yung ma'depressed, parang ako pa daw yung nawalan ng magulang. Basta hindi ko din alam kung bakit.


Basta ang alam ko lang. Sobra akong nasasaktan nun.


Pag baba ko palang, niyakap na ako ni mama. "Good morning anak! Breakfast ka muna bago pumasok."


"Syempre naman! Alangan namang magpaka gutom ako diba? Hahayaan nyo bang magutom ang nag iisang prinsesa nyo dito sa bahay?" Then I pout.


Binatukan naman ako ni mama. "Para saan naman yun?!"

"Para sa utak mong kulang-kulang."

Napansin ko namang napatawa si Kuya Vincent tsaka si Yvonne  Bakit ganun? Pakiramdam ko pinagtu-tulungan talaga nila ako huhu.


Papakamatay na talaga ako.


Syempre joke lang ulit.



Pag tapos namin kumain. Sinakay na kami ni kuya sa kotse nya pa puntang school. Iniisip nyo siguro Kung pano kami na bubuhay noh? Well, si mama lang ang nag tatrabaho samin. Si Kuya naman may banda, ka dalasan nag ka karoon sila kuya nung tinatawag nilang gig? Basta yun na yun. Remember yung mga tropa nyo? Yun yung mga ka banda nya. Ako naman tsaka si Yvonne? Eto pasarap buhay lang.

Si papa naman? Bata palang daw ako nung sumaka bilang bahay na sya. Nag tataka nga ako kung bakit parang wala lang kay mama tuwing nagta-tanong ako sa kanya about sa naka raan nila. Siguro, matagal na ring tinapos ni mama ang pag-ibig nya kay papa.


Iba din!


Pero ako kaya? Hanggang ngayon hindi parin ako nagka karoon ng boyfriend. Pero nasaktan na. Bakit? Hindi ko din alam. Basta feeling ko nasaktan na ko sa past life ko.

Oh baka naman sabihin nyo naba baliw na ako. Trip ko lang talagang maniwala sa past life.


Nangma karating na kami sa school. Hinatid na muna kami ni kuya sa kanya kanyang room namin then umalis narin agad sya.

Sa dalawang subject lang naman kasi kami mag kaklase ni Yvonne kaya masasabi kong boring talaga ng school year ko ngayon. Halos grade five hanggang third year kasi kami mag kaklase. Pero ngayon, wala naaaa iyak na.


Nag paalam muna ako sa kanya bago pumunta sa room ko. Then pumasok na sya sa room nya. Katabi lang naman kami ng room kaya di naman gaano ka lungkot haha!


First subject ko ngayon ay Mathematics. Diba? First subject palang sakit na sa ulo. Pero keri lang yan, diba nga? Study is lifepupu.


Natapos na ang first and second subject namin ng walang nangyayari. Hindi parin kasi sila nag tuturo hanggang ngayon. Yung third subject naman namin laging wala.


Hays! Oo study is life nga. Ang dami kong natutunan pota!

Imbis na mangati lang yung pwet ko kaka upo. Umalis na lang muna ako sa classroom. Tumingin ako sa wristwatch ko. It's already ten fifteen am. So? May two hours and thirty minutes pa ako para makapag basa.


Yay! Lunch break narin kasi ang sunod kaya marami-rami ang freedom ko.

Humanap ako ng pwedeng pag tambay-an, hindi na nga ako nagtaka dahil sobrang tahimik at payapa dito.


Garden!


Pinag masdan ko naman ang lugar na ito. Ang sarap talaga sa pakiramdam dito. Ewan ko ba kung bakit karamihan sa mga tao ay ayaw sa ganitong lugar.

Napangiti naman ako nung may makita akong Bermuda grass. Agad agad naman akong humiga doon.

Simula bata palang ako, tuwing pina pasyal kami ni mama sa park. Always akong humihiga sa damo. Pina pagalitan pa nga ako ni mama kasi madumi daw yun.

Inilabas ko naman ang phone ko para mag soundtrip kaso napa simangot ako nung ma alala kong nakalimutan ko pala ang earphone ko. 

But it's okay. Tumingin muna ko sa paligid bago plinay ang music.


Every night in my dreams
I see you, I feel you~


"What are you doing in my place?!"



"Paumanhin binibini, ayos ka lang ba?"

*****

END OF CHAPTER 01.

Don't forget to vote and comments. Thankyou!

The Reincarnation. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon