Chapter 02

31 3 3
                                    


"What are you doing in my place?!"

Nanlaki ang mga mata ko nung narinig kong may nag salita mula sa likod ko.

Oh noh!

"I don't care if you are new student here or not. Basta umalis kana dito!"

Bago ako tumayo, pa simple muna akong bumunot ng mga damo tsaka sya hinarap.

"Pag-aari mo?" Pataray kong tanong sa kanya. Akala nya ba aatrasan ko sya! Hindi porket maangas ang dating nya. "Oo bakit? Alam mo ba na kayang kaya kitang patalsikin dito gamit lang itong kamao ko?"

Sa sobrang irita ko, itinapon ko sa mukha nya ang mga Hawak kong damo. Napansin kong nagulat din sya dahil sa ginawa ko kaya hindi sya naka ilag.

"WHAT THE HELL ARE YOU DOING?!" Sigaw nya sa akin habang dinuduro ako. Bakit ko nga ba ginawa yun? Ewan ko, mukhang tapunan ng damo yung pagmu-mukha nya eh. Kung pagma-masdan mo syang mabuti, makikita mo sa mukha nya ang pagka mula. Siguro dahil na rin sa galit.

Hays. Imbis na makipag talo pa ako dito. Tinalikuran ko na sya para sana umalis na, kaso hinatak nya ako paharap sa kanya.

"Hey! Hindi pa tayo tapos. Tama bang batuhin ako ng damo sa mukha, Ganyan ba ang itinuro sayo ng nanay mo?" Medyo nainsulto naman ako dahil sa sinabi nya. Ano bang Akala nya, magpapatalo ako? Never! "Bakit Ikaw? Siguro wala kang mama kaya ganyan ang ugali mo noh?"

"What the?! Kinakalaban mo ba talaga akong babae ka ah?!"

"Childish amputa!" Nakita ko pang nanlaki ang mata nya dahil sa sinabi ko.

Cute.

"Tignan mo nga naman ang swerte. Mukhang may maga gamit pa tayo mula kay Dawson ah." Kinabahan naman ako nung may humawak sa bewang ko. Tsaka ko lang napansin na pinalilibutan pala kami. Tangina, mukhang basagulero pa ata tong lalaking to. Tignan mo nga naman ang ka swertihan nang araw ko. Napag kamalan pa ata akong jowa.

Kung sakaling ganun, aba'y swerte nya. Sobrang ganda ko naman ata para sa isang lalaking katulad nya.

"Ano boss? Sasaktan ba namin itong jowa nya? Sayang boss 'mukhang masarap pa naman." Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa sinabi nung katabi nang naka hawak sakin. Aba bastos!Pag ako naka laya dito, sisiguraduhin ko talagang mapupuno yung bibig nya nang mga damo!

Sinubukan kong mag pumiglas pero mas lalo lang nyang hinigpitan yung pag kaka hawak nya sa akin.

Nakita ko namang lumapit yung boss daw nila kay Dawson. Napairap naman ako nung tumingin sakin yung boss nila tsaka kumindat bago ulit humarap kay Dawson.

Dawson pala huh. Infairness, unique.

"Masyadong chika babe yang girlfriend mo Dawson ah. Ngayon lang kitang nakitang may kasamang babae. Siguro naman balato muna sa amin yun. Pulutan lang naman namin pag tapos ibabalik din namin." Narinig ko pang nag sitawanan ang lahat. Tama bang pag tawanan ang isang babaeng binabastos na? Mali ako, hindi na pala isa ang papakainin ko dito ng damo. Kundi dalawa na.

"Bitawan nyo ang girlfriend ko. Kung hindi..." Nagsi tahimik naman ang lahat nang mag salita si Dawson. "Hindi lang hospital ang aabutin nyo sakin. Kundi Morge na."

Pati ako napatahimik. Hindi makapaniwala. Kung tititigan mo syang mabuti, siguro nga dapat ka nang matakot sa kanya, pag babanta palang ang ginagawa nya pero sobrang kilabot na ang nararamdaman ko para sa kanya.

"Hindi namin papalagpasin ang ginawa mo sa amin Dawson. May araw karin sakin." Sabi nung boss nila then umalis na sila. Binitawan narin ako nung naka hawak sa akin kanina nung narinig nyang nag banta si Dawson sa kanila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 13, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Reincarnation. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon