Sumpa ng nakaraan

667 4 1
                                    


Unti unting pumatak,
mga butil ng tubig,
malalakas na ugong,
ang iyong maririnig.

Mga matang luhaan,
Kaluluwang sugatan,
Sa pangakong napako,
Nang iyong mga labi.

Sa madilim na sulok,
Sa masikip na butas,
Dito magsisimula,
Ang tunay na pag ibig.

O kay sarap pagmasdan,
ibong nagmamahalan,
ang magagandang himig,
ang iyong maririnig.

Subalit ang panahon,
Unti unting nagbago,
dumilim ang langit,
napalitan ng galit.

Nawala ang pag ibig,
Alaalang nawaglit,
Gabing pinagsaluhan,
unti unting lumamig.

Nagliliyab na apoy,
Ang bumalot sa puso,
Sana mapatawad mo,
Ang aking pagsasamo.














TANAGA Love STORY (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon