Sypnosis

166 42 239
                                    


Umaalingawngaw ang malakas na sigawan at tawanan ng mga batang naglalaro sa isang malawak na parke. May kumakain ng sorbetes, nagtatakbuhan, nakahiga sa damuhan, nakikipag-usap sa ibang mga bata habang walang iniisip na problema.


“Daddy, can I have 1 chocolate ice cream again? Please?” Nakangiting tanong ng batang babaeng nakaupo sa damuhan ngunit hindi agad nakasagot ang kaniyang ama dahil sa kausap nito sa selpon.


“Mommy,” tawag ng batang babae sa kaniyang inang nilalapag ang mga pagkain na kakainin nila. “Daddy is busy again even if we’re here to enjoy!” Nakasimangot na sumbong ng batang babae.


Natawa na lamang ang kaniyang ina sa inasal ng kaniyang anak, “Don’t worry, I’ll buy you 1 more chocolate ice cream, okay?”


Tumango-tango ang bata kasabay ng pagtalon dahil sa sinabi ng kaniyang ina, “Yehey! Ice cream! Ice cream!”


“Dito ka lang sa tabi ng daddy mo. Just wait for me, okay? Behave?” Paalala ng kaniyang ina at tumayo na upang bumili na.


Nang makaalis ang kaniyang ina ay mabilis siyang humilata sa damuhan habang may ngiti sa pula nitong mga labi. Tumatawa pa ito na tila bang sabik ng makatikim ulit ng paborito niyang chocolate ice cream.


“Psst!”


Napaupo ang batang babae nang marinig ‘yon, iginala niya ang paningin upang mahanap kung sinong sumusutsot ngunit mga batang nagtatakbuhan lang ang nakikita niya.


“Psst! Hoy, batang pangit!”


Sa puntong yun, agad siyang napatayo at muling iginala ang kaniyang paningin. Hindi naman nabigo ang batang babae dahil nahuli niya ang batang lalakeng nakatingin sa kaniya at aakma pang uulitin na tawagin siyang pangit.


“Who says I’m ugly?” tanong ng batang babae nang makalapit sa lalake.


“Tinatanong pa ba yun?” pamimilosopo ng batang lalake at nagawa pang humagikgik.


Sa isang iglap, naka-krus na ang dalawang kamay ng batang babae at matalim ang tingin sa lalakeng tumawag sa kaniya ng pangit na tila handa na niyang sakalin ito.


“I’m a princess in our school. I’m a princess in our big house. I’m a princess in our family.” Pangangatwiran ng batang babae na ngayo’y nakasimangot na.

“Prinsesang pangit naman,” giit ng batang lalake na may pilyong ngiti sa mga labi.


“Mommy says princess means gorgeous.” Giit naman ng batang babaeng mukhang naiinis na. “And calling me ugly is not correct. You’re bad! Really really bad!” dagdag pa ng batang babae.


Napakamot sa ulo ang batang lalake at umiling-iling, “Wag ka na nga mag-english. Tinawag lang naman kita kasi nakikita yung underwear mong may ribbon na disenyo.”


Nanlaki ang dalawang mata ng batang babae sa sinabi ng lalake kaya agad itong nagtatakbo, hindi na niya na namalayan na dahil sa kagustuhan niyang makalayo sa batang lalakeng nakakita ng suot nitong saplot dahil sa kahihiyan ay nawala sa isip niya na malayo na siya sa mga magulang niya.


Sinubukan niyang hanapin ang kaniyang mga magulang at ang batang lalakeng nakausap niya kanina ngunit nahihirapan ito dahil sa dami ng batang nagtatakbuhan kaya’t napaiyak na lamang ito dahil sa takot.


“Bata! Alis!” Sigaw ng isang matabang bata nang makitang may malaking bolang tatama sa ulo niya.


Dahil sa bilis ng pangyayari, hindi agad nakakilos ang batang babae kaya agad itong natumba at nawalan ng malay dahil sa malakas na pagkakabagsak at pagtama ng bola sa ulo nito.









Umuukilkil na nauulinigan ng batang babae ang mga batang humahagulgol kaya agad niyang idinalat ang kaniyang mga mata at tumayo mula sa pagkakahiga. Tumambad sa kaniya ang madilim na silid, namamayani man ang kadiliman, nakikita niya pa rin ang ibang mga batang nakatali sa bawat sulok ng silid dahil sa liwanag na nanggagaling sa buwan.


Unti-unting namuo ang mga luha sa kaniyang mumunting mga mata nang makita ang ibang batang umiiyak maliban sa isang batang nakalupasay sa sahig, duguan at walang saplot na animo’y ginahasa pa sa murang edad.


Laking pagtataka niya na makitang siya lang ang hindi nakatali. Sinubukan niyang maglakad ngunit agad siyang napaatras nang may humila sa kaniyang isang lalake.


“Gising ka na pala,” nakangiting sambit ng isang lalakeng matipuno at may katangkaran.


“W-who are you?” Nagugulumihang tanong ng bata, napaiyak na lamang ito dahil na rin sa higpit ng pagkakahawak sa kaniyang kaliwang braso.


“I’m your nightmare, baby!” Sigaw ng lalake at bahagyang tumawa, tawang nakakatakot.


“You’re bad! You’re ugly! Let me go!” Paulit-ulit na sigaw ng batang babae habang pilit na winawakli ang kamay na nakahawak sa braso niya.


“Gusto mo bang mabuhay?!” Pasigaw na tanong ng lalake at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ng batang babae.


Sa halip na sagutin siya ng bata ay umiyak lamang ito. Nakatitig lamang ito sa makapal na mukha ng lalake habang bumabalong ang mga luha nitong nag-uunahang bumagsak dahil sa takot.


Pinaharap ng lalake ang batang babae sa mga batang nakatali sa bawat sulok ng silid. Marami sila, ang iba ay walang malay at ang iba naman ay sigaw ng sigaw.


“Nakikita mo yan sila? Lahat yan papatayin mo, hindi lang yan. May bonus pa sa isang silid at lahat sila ay papatayin mo rin.” Malumanay na sambit ng lalake sa batang babae habang nakangisi.


“I-I’m not bad like you...” nangangatog na giit ng bata.


“Papatayin mo sila o papatayin kita?” Pinanlakihan ng lalake ang batang babae ng tanungin niya ito.


Dahil sa hindi alam ang isasagot ng batang babae ay napailing na lamang ito, umiyak lamang ito habang nililibot ang paningin sa mga batang nakatingin din sa kaniya.



Dahan dahang nilabas ng lalake ang baril niyang nakatago sa likod nito at iniabot sa batang babae, umiling ang bata indikasyong ayaw niyang kunin ngunit muling pinanlakihan ng lalake ang bata dahilan para tanggapin niya ito dahil sa takot na baka saktan siya.


Muntik ng mabitawan ng batang babae ang baril dahil sa bigat nito, naramdaman niyang ginulo ng lalake ang magulo na niyang buhok hanggang sa lumuhod ang lalake upang maging magkapantay na sila ng batang babae.


“You’re my key for everything I want,” bulong ng lalake at tinapik ang likod ng batang babae. “If you don’t want to die then kill all of them for me because that’s the only way from Escaping your Death.”



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 27, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Escaping DeathWhere stories live. Discover now