Palaging nasasaktan,
sanay na masaktan,
ngunit di pa rin namamanhid.Saan lulugar sa mundo,
na tila walang puwang para sayo.Bakit pa gagawin ang lahat,
kung sa huli ay di rin naman sasapat.Ano ang saysay ng pagpapakahusay,
kung makalilimutan din naman.Bakit pa lalaban,
kung sa umpisa palang ay isa ng talunan.Wag umasang magugustuhan ka ng ibang tao kung ang ayaw mo nga din sa sarili mo.
Paano mo tutuparin ang pangarap mo kung hindi mo nga sigurado kung ano ito.
Bakit ba kailangang may patunayan kung sa huli din naman ay hindi rin paniniwalaan.
Sanay mag-isa,
Nais na palaging nag-iisa,
Ngunit sa huli ay iiyak din naman pala.Ngunit kailangang magpanggap na matapang upang maitago ang kahinaan.
Gawing bato ang puso, upang walang luhang tutulo.
Itatak sa isip na walang ibang maniniwala kundi ang sarili.
At kahit gaano man kasakit, hinding-hindi talaga mamamanhid. Dahil ang isip ay sadyang tumatakbo ng magulo. At ang puso ay di titigil sa pagtibok hanggang sa mawasak ito.
@manawari_