Tusok Tusok

20 0 0
                                    

Enfer's POV

"OYY PANGET!!! INTAYIN MO KOOOO!!!" hiyaw ng aking bestfriend na kakabili lang ng kikiam at fishball sa kanto ng aming dinadaanan. 

"Bakit ka kasi kumakain ulit? Kakalibre ko lang sa'yo ng McChicken at Burger tas kakain ka nanaman?" pagsasalita ko sa hangin na tila'y siya ang nasa harapan ko habang naglalakad. Pero bigla akong nagulat nung may nakabatok sa aking ulo.

"ARAAAY!!" Bestfriend ko pala pagkatapos niya akong batukan ay bigla niya akong inabutan ng baso ng kikiam at fishball.

"Gusto ko kasi bumawi kahit eto lang maibibigay ko." Bigla akong nagpasalamat at tumahimik na lamang sa paglalakad.

Ako nga pala si Enfer, short for Endrick Kristoffer. Wala naman akong ibang maikukwento sa inyo tungkol sakin. Sakto lang katawan, panget, marunong mag-gitara, piano, beatbox, drums at kumanta at sayaw. Hindi nga lang nagpapakita ng talento hehehh. 20 years old. Nagbabasketball pero hindi magaling. Hindi matalino, hindi rin bobo na bumabagsak.

Anyways, kasama ko nga pala yung bestfriend kong si Relda. Sa totoo lang may pagkacrush ako sakanya. Alam na niya pero may dinugtong pa ako nung nalaman niya. Na mas gugustuhin kong maging bestfriends kami, much more magturingan na mag-kapatid. Ohh angas diba? Bespren por layp. Papunta na kami sa bahay nila dahil may ipapaturo siyang lesson sa math at gagawa kami ng reporting sa literature.

"Uy, kanina ka pa dyan walang imik ahh." Nagbigla ako ng konti sa pagtapik niya sa akin.

"Wala, may iniisip lang ako sa mga performance tasks namin."

"Susss. Hindi naman siguro yun yung iniisip mo ehh. Hayy nako, sabi nang wag mo kong isipin palagi ehh." Tawa naming dalawa ang pumuno sa mga tenga namin.

"Grabe ka naman, 'di pwedeng yun nga? Masyado kasing maraming pina-assign sa akin. Ako pa yung leader dun sa isa."

"Kaya mo yan nohh. Naniniwala akong kaya mo." Pag-eenganyo niya sa akin. Nang makarating na kami sa kanilang bahay, sinabihan niya kong mauna na sa kwarto niya at kukuha lang daw siya ng merienda namin. Nang pa-akyat na ako sa hagdan, nakasalubong ko ang mama niya.

"Ohh hijo, nandito ka pala. Sabay ba kayong umuwi ni Reinielle?"

"Opo tita, una na daw ako sa kwarto niya at kukuha lang siya ng merienda namin habang mag aaral."

"Sige Endrick, aalis na ako. Pupunta na akong trabaho, nagkaron ng problema."

"Pero kaya mo naman yang ayusin tita hehehh ikaw pa ba?"

"Ay nako, bolera ka talaga kahit kelan Endrick."

"Hahaha, totoo naman yung sinabi ko tita ahh."

"Kung magpapagabi ka sabihin mo sakin at sa mama mo ah? Sige na deretso ka na dun"

"Sige po Tita, ingat ka po." Nang makarating na si Relda sa kwartong pinaroroonan ko, bigla akong nanlaki-mata sa dala dala niya.

"Yung totoo? Hindi ka na ba nabubusog?" biro ko.

"CHEEE!!"

*45 MINS. LATER*

"So kapag minultiply mo ung secant niya, ganito ung equation?..."

*phone ringing*

"Hello Ma?" Biglang tumawag ang mama ni Relda.

"Yes po. Hindi pa po andito pa kami nag aaral. Sige po Ma. Loveyoutoo."

"Bakit daw?" pagtataka ko.

"Matatagalan daw dun si mama kasi marami pang dinagdag na problema sa kanya. Kainis talaga kahit kelan yung boss ni Mommy."

"Grabe ka naman. Kaya yan nang mama mo. Sa kanya nga ako hanga eh." Magkapares kasi kami ng pangarap ng mama niya; Architecture.

*bell ring notification*

"Sabi niya dito ka na daw matulog, nasabi niya na din sa mama mo na dito ka na matutulog."

*text beep*

Nangaling naman sa cellphone ko, si Mama.

~Anak, diyan ka na daw muna sabi ni Antoinette. Bantayan mo ng maige yang si Relda. Sabihin mo sa akin kung magpapa-Angkas ako ng mga damit mo. Wag na magpuyat ahh? Iloveyou Anak.~

Sweet talaga ng mama ko hehehh...

"SA WAKAAAAAASSSSS TAPOS NA RIN TAYOOOOO" pag-iinat niya. Alas dies na din kasi ng gabi. Nang pagkabihis ko ng mga damit na pinadala ni mama, kumuha na ko ng unan ko at pumunta sa sofa sa ibaba para matulog na.

Hindi nagtagal ay nakarinig ako ng pagbukas ng pinto, sigurado akong pinto yun ni Relda sa itaas. Bigla akong umayos ng higa para magkunwaring tulog na.

"Enfer? Tulog ka na?"

"Uhmmmffff bakiiiit?" nagkukunwaring ginising talaga.

"Dun ka na sa taas. Umuulan na kasi ehh." Nasabi ko ba sa inyong takot siya sa kidlat?

"Uhmmmmffff tulog na ko ehh" May pagkapaos pa ang boses para magmuhka lalo na tulog na talaga.

"Sige na please??" Bigla niya akong hinalikan sa pisngi.

Oo, sana'y na kami na maghalikan sa pisngi. Ganyan na daw kami simula nung bata pa kami sabi ng mga nanay namin. Pero ngaun hindi namin pinapahalata para masabing hindi na kami bata.

"Oo na, eto na, babangon na ko."

"Suss. Halik ko lang pala kailangan ehh."

"Lah... Kala mo naman talaga? Di pwedeng masakit pumwesto ung sofa kaya umoo na rin ako?"

"Pshhh dami mong rason pero ung totoo ganun din naman." Sabay ngiti kaming dalawa habang paakyat ng room niya.

"Oo na tama ka na. Happy?"

"Yes. Very much. Thankyou." Sabay halik ulit sa akin at yakap na kahit sobrang sikip ay pinagbigyan ko parin.

"So paano set-up natin? Dito ka sa kanan o sa kaliwa?"

"Dito na lang ako sa lapag, kaya ko naman matulog lang dito eh."

"Hindi na, tabi na tayo. Dali na"

"Ihhhh harot mo pa namang matulog"

"Pleaaaaaassseeeeeee????" May kasamang paglaki ng mga mata niya at pagsimangot na akala mo aping-api.

"Hayyyst...Okay, hihiga na po. Matulog ka lang."

At iyon na nga, wala na akong nagawa kundi sundin ang hinihiling ng mahal na reyna haha.

Nakahiga, magkatabi, at magkayakap.

Me, My Bes, & IWhere stories live. Discover now