Chapter 2- Weird

4 0 0
                                    

Claudette's POV

Ipinark ko ang kotse ko sa unahang bahagi ng Parking Lot ng HHexolERS Academy.

Pahirapan ang pagpapasok nila para siguro iwas gulo at problema.

Madali akong nakapasok dahil sa I.D. ko na nakita ko sa loob ng bag ko.

Bumaba na ako at maglalakad na sana ng may dalawang magkasunod na kotse na kulay maroon ang mabilis na dumaan sa harapan ko.Muntikan na akong masagasaan.

Hinabol ko na lang ng tingin ang dalawang kotse at nagpatuloy sa paglalakad.

Wala naman akong magagawa at saka ayoko ng gumawa ng gulo kaya't hinayaan ko na lamang.

Madami ng tao ng tuluyan na akong makapasok sa loob ng Academy.

May kanya-kanyang mundo at hindi man lang nagpapansinan.Dumiretso ako sa principal's office.

Wierd Place.

May direction naman na binibigay ang arrows na kung saan matatagpuan ang mga areas or office sa loob ng Academy.

Papasok na sana ako sa hallway ng Academy ng mabunggo ko ang isang babaeng medyo maliit kaysa sakin.Mahaba ang buhok,singkit ang mata at may suot na shades.

May pagkakaiba kami ng uniform kaya siguro hindi ko agad siya napansin.

Sinamaan niya lamang ako ng tingin bago nagpatuloy sa paglalakad.

Weird Student.

Nagpatuloy nalang din ako sa pagpasok ng namalayan ko na unti-unting nawawala ang mga tao.Siguro nakapasok na sila sa rooms nila.

Nasa harap na kong pintuan ng Principal's Office at kakatok na sana ng bigla itong bunukas at bumungad sa akin ang isang lalaking papalabas na siguro.

Itim ang buhok niya at mas matangkad siya sakin.May kurba din ang katawan niya at makikita ang charisma at appeal niya sa seryosong mukha na pinapakita niya.

Lumabas siya at binunggo ang balikat ko.Hindi ko na lamang siya tiningnan at pumasok na lang sa office.

May hula ako ng ang mga tao dito ay mahilig mambunngo o sadyang nakakasalubong ko lang sila kaya ako malas.

Nawala ako sa pagmumuni muni. Namangha ako sa ganda ng Office ng aming principal.Hindi ito mukhang Office bagkus mukhang isang bahay na walang kusina at kwarto.

May isang chandelier sa gitna ng  malaking kwarto ito.Naka carpet ang floor,May glass table and sofa sa left side habang mga bookshelf naman sa right side.

Sa pinakadulong gitnang parte makikita ang isang matandang babae na halos kasing edad lang ng Mama ko.

Busy siya sa pagsusulat at pagtingin sa nakatambak na papel ng makuha ko ang atensyon niya.

Principal Amanda Gostiza

Nakita kong pangalan niya sa harap ng table niya na nakagrave.

Principal
Ikaw ba ang bagong estudyante?Ms.Falcon?Am I right?

Tanong ng principal at tango na lamang ang naisagot ko sa kaba.

Inistwera niya sa akin ang upuan sa kanyang harapan at sinasabing maupo ako.

Papalapit na ako ng papalapit ng makaramdam ako ng sobrang kaba at hindi ko alam kung bakit.

Weird Feelings.

Umupo ako at hindi na muna kumibo dahil sa kakaibang pakiramdam na nararamdaman ko.

Principal
Kumpleto kana sa requirments so wala na tayong dapat pagusapan.Kung may mga tanong ka about sa iba pang gawain sa school is please just proceed to the information desk.


Information's Desk?Arte.

Patuloy na pagsasalita ng principal at tanging tango na lang ulit ang aking naisagot.

Nawalan ata ako ng ganang magsalita at kusang tumikom ang aking bibig ng makapasok ako sa Academy na ito.

Principal
Room-1485 SS building 4th Floor.Your five minutes late plus the travel for your walking going to your room is less than 10 minutes.I hope your teacher is good.Now you can go.

Paalala ng Principal.Tumatak at nagtaka ako sa pangalawa sa huling sinabi ng Principal

'I hope you teacher is good' so maybe may worst teacher dito??Goshh!

Lumabas na ako at hinanap ang room ko.Madami kang madadaanang building sa hallway na ito at para na itong palasyo sa sobrang laki kaya hindi siguro aabot ng isang araw kung lilibot ka sa Academy na ito.

May mga kanya-kanyang style ang building at siguro dahil ito sa type ng student.Iba iba din ang uniforms kaya siguro may twist ang school na ito.

May isang building akong nadaanan na puro lalaki lang ang magkakaklase at yung iba naman ay halo halo.

Natigil ako sa building na may nakasulat na SSbuilding or Special Skills Building.

Hindi ko na lang pinansin ang nakasulat at dumiretso sa loob ng building.

Mala-hotel ang style ng loob at parang hindi ordinaryong building pang paaralan.

Kaya siguro ito ang Academy na naiiba sa lahat bukod sa malaki ay magara ang nga gamit at hindi basta basta mapagkakamalang school ito.

Umakyat ako ng stairs,gawa ito sa glass or metal at hindi basta gawa sa hollow blocks kaya naman ingat na ingat ako sa bawat hakbang na aking nagagawa.

Kung ang first floor ay carpeted syempre di papatalo ang 2nd floor kasi naka all glass ang mga furniture and walls dito siguro ganun din sa 3rd at 4th.

Nagpatuloy ako sa pagakyat hanggang marating ko ang 4th floor.

Room 1485

Sa unang room ay No.1475 kaya siguro ay nasa dulo pa ito kasi bawat floor ay may 10 rooms.

Dire-diretso ako at hindi na pinakialaman ang nadadaanan kong mga rooms.

~To Be Continued~

Hi Again!Sana may nagbabasa nitong story na to.Alam ko hindi siya masyadong pang professional kasi 1st story ko ito kaya sana basahin nyo po.Thanks.Until the next updated!Have a nice day.

CiKey_eMTi




THE XII (Series Of THE PRESENT)Where stories live. Discover now