Claudette's POV
Makikita sa kanyang paningin ang malabong imahe ng isang batang babae at naglalaro sa taong 8-10 edad.
Mahaba ang buhok,meztiza,medyo singkit ang mata na pinaghalong kulay abo at tsokolate na may blankong ekspresyon parati.
Ngunit sa isang pangyayaring ito nakita niya ang batang babae na halos mawalan na ng lakas kakaiyak.
Papunta ang bata sa isang silid na tinutupok na ng apoy.Ang kwarto ng kanyang mga magulang.
Girl
MOM!OUR HOUSE IS BURNING.COME OUT THERE I CANT FREELY BREATHE.MOM!DAD! HELP ME!
Pauli-ulit na sigaw ng batang babae bago dumausdos ang kanyang katawan malapit sa lugar kung nasan ang apoy at tuluyang nawalan ng malay.
GULAT akong nagising mula sa masamang panaginip na paulit-ulit ko nang napapaginipan at naaalala.
Bumangon ako sa pagkakahiga bago ako nakarinig ng sunod-sunod na malakas na katok mula sa pinto ng aking kwarto.Ang Mama ko.
Mama(Mrs. Marco)
Baby!?Are you okay?Are you awake?Open the door and let me in.What happened?Sunod-sunod na tanong ng Mama ko mula sa labas ng kwarto ngunit mababakas sa boses nito ang matinding kaba at pag aalala.
Agad akong tumayo at naglakad patungo sa pintuan bago binuksan ang pinto.
Tumambad sa harapan ko ang babaeng maganda,may bilugang mata na may kulay na tsokolate,may katangkaran at higit sa lahat ang mukha nitong higit na nakakapansin ang baby-face ng babae kahit na ang edad na nito ay 40.
Kaagad akong yinakap ng aking Ina.
Mama(Mrs.Marco)
Baby!?Are you alright?Tell me what happened.Why are you shouting?Is something wrong?Baby!?Patuloy parin ang pagaalala at takot sa boses ng aking Ina habang tanong ng tanong kaya't nagsalita na ako para mapakalma ito.
Claudette
Mom,Im okay its just a dream or worst than a dream but its not a nightmare so dont be so stress because Im okay.Nothing bad happens.Mama(Mrs.Marco)
Are you sure?Paninigurado ng aking Ina at sinagot ko na lamang siya ng tango kaya't kampante na siyang nakaalis ng walang pag aalinlangan.
Isinarado ko nang muli ang pinutan bago bumuntong hininga ng malakas na animo'y problemado.Kinuha ko ang aking bathrobe na nasa sabitan sa closet ko bago dumiretso sa banyo.
*Siya si Claudette Marco.Ang maganda at matalinong nagiisang anak nina Mrs.Bernadette Marco at Mr. Clarence Marco.Siya'y nagiisa lamang kaya't nakukuha niya ang kung anumang hindi niya gusto na sadyang ibinibigay ng kanyang mga magulang ngunit ang gusto niya ay hindi niya makuha.Ito ay ang mga tunay na kaibigan.*
Lumabas ako mula sa banyo ng bihis at nakaayos na.Handa na sa bagong eskwelahan na aking papasukan ngayong nasa grade 9 na ako ng highschool.
Suot ang uniform naming white and black checkered na palda na hanggang tuhod at long-sleeved polo bago nilagyan ng Vest na may patch ng school namin sa kanang bahagi.Naka mahabang medyas na itim,nakablack shoes at nakaayos na ang mukha ko.
Kinuha ko ang aking Cose na bag bago nilisan ang aking silid at bumaba.
Pumunta ako sa aming dining area.May isang gawa sa glass na mesa ang nakalagay sa gitna ng dining area nila at may 6 na upuan dalawa sa magkabilang dulo at 4 na magkaharap.
Doon tumambad sa akin ang lalaking nakaupo sa dulo ng mesa habang nagbabasa ng dyaryo at ang isang babae naman sa kabilang dulo mesa na naghahalo ng kanyang kape na kakadala lamang ng maid namin.Ang mama at papa ko.
Umupo ako malapit sa upuan ng Ina ko.Bago bumati ng 'Goodmorning'.
Kaagad na sinerbahan ako ng mga katulong namin.Tahimik kaming kumain.
Ganito lagi ang aksyon sa bawat araw na sumasapit.Hindi kami masyadong close ng Papa ko dahil na sa lagi itong wala.Kaya't malimit kaming magkausap o magkaabutan sa bahay man lang.
Papatapos na akong kumain bago nagsalita ang aking ama na ikinabigla ko.
Papa(Mr.Marco)
HHexolERS Academy ang papasukan mo kaya't wag kang gumawa ng wirdo at iskandalo doon.Nakakahiya,magarbong paaralan iyon.Nasaktan ako sa sinabi ng aking ama.Hindi naniniwala ang aking ama sa akin noon hanggang ngayon dahil sa iskandalong nangyari sa dating eskwelahan ko.
Tumango na lamang ako bilang konsiderasyon sa sinabi ng aking ama.
Tapos na akong kumain kaya't tumayo na ako at nagpaalam.
Dumiretso ako sa aming garahe at pinatunog ang sasakyang aking dadalhin.
Binuksan ko ang pinto ng sasakyan bago pumasok.Pagkaupong-pagkaupo ko ay agad akong nakaramdam ng hilo.
Biglang tumunog at nag vibrate ang telepono ko.Kinuha ko ito at tiningnan kung anong meron.
[6:48am]
SUNNY DAY
06-29-03
Napukaw ng atensyon ko ang araw ngayon.
Ang araw na pinaka ayaw ko.Ang araw kung kaylan lahat ng masasamang nangyayari sa akin ay muling magbabalik at ang araw na lagi akong napapahamak.
Ngayon ko lamang narealize na baka masamang madudulot lamang na tumapat ang araw na kinaaayawan ko sa araw ng pasukan ko para sa bagong eskwelahan.
Nawala na ang kaninang naramdaman kong hilo kaya't napagdesisyunan ko nang umalis at tumungo nasa eskwelahan.
~To Be Continued~
Hi!What can you say about this chapter?What can you say about Claudette Falcon?The date?or her dream?Just answer it in comment box.Until the next update.Hope someone read this story.Thanks!
√.Please Don't Forget To VOTE!
※CiKey_eMTi※