Chapter 2

14 3 0
                                    

"You shouldn't have said that," sabi ni Jimin. Nasa kotse nya na kami. Ihahatid nya ko sa condo ko at hindi ako nakaligtas sa sermon nya. Psh, mas matanda lang sya ng ilang buwan pero akala mo sampung taon yung tanda nya kung pagalitan ako. 

"Why?" inis na sabi ko sakanya, tumingin sya sakin saglit at itinuon ulit sa daan yung tingin nya.

"Because you know grandma loves her pets," sabi nya.

"More than me?" i asked, natigilan sya at bumuntong hininga.

"You know that's not what I meant,"

Inirapan ko sya at tumingin sa bintana.

Psh, ako na nga yung nasaktan ako pa yung nasesermunan ngayon. Pusa lang naman yon, kala mo naman tao kung protektahan nila.

Pagkadating na pagkadating namin sa tapat ng condo ko ay bumaba agad ako at isinara ng malakas yung pinto. Agad akong pumunta sa elevator at pinindot yung 11th.

Pagkadating ko sa condo ko agad kong inihagis yung sarili ko sa malambot kong kama, masyadong stressful tong araw na to, mas maganda siguro kung maligo na ko at matulog so I can start my day fresh tomorrow, well I'm not sure if I can because binabagabag na ko ng konsensya ko.

I know I hurted grandma because of my words, I know how much she loves her pets especially that cat but nasaktan din ako because of that stupid cat, may karapatan naman siguro akong magalit, right?

Whatever.

Naligo na ko at nahiga sa kama ko para magpahinga, sana lang makatulog ako.

___

What's this? I was walking alone in a forest? I assume this is a forest dahil puro puna at green things yung nakikita ko. Patuloy lang ako sa paglalakad, I don't even know kung saan ako pupunta, hindi ako makahinto na para bang hindi ako yung kumocontrol sa sarili kong katawan.

"Hi anak! Hi Y/N!" napatingin ako sa nagasalita.

"Wait lang honey, hindi pa nakarecord," sabi ng lalaking kasama nya. My mom giggled tsaka pinalo yung balikat ni dad, I froze.

"I'm sure Y/N will like this place, especially those singing birds," tumingin si mom sa puno at pinagmasdan yung mga kumakantang ibon, I felt a tear on my right cheek.

"Ayan na hon! Nakarecord na," tinapat ni dad yung camera kay mom. Ngumiti naman si mom.

"Hi Y/N, baby! We're here at the forest. Sorry ah, hindi ka namin pwedeng isama dito dahil you're too young, but don't worry. We're doing this video para ipasyal ka dito sa forest! Yayy!" pumalakpak sya. Umiiyak na ko. Gusto ko silang pigilan at hatakin nalang dahil alam ko na yung mangyayari sa susunod.

Tinapat ni dad sakanya yung camera.

"Hello anak!" may hawak syang butterfly habang nakangiti sa camera. "Look, a butterfly! Favorite color mo pa oh," napapikit ako habang umiiyak.

"Stop..." I almost said. Walang boses na lumalabas sa bibig ko.

They're both laughing, while looking at the camera. They look so happy that made me broken inside. Kung alam lang sana nila na that's their last laugh.

Pinatay na ni dad yung camera at nagsimula na silang maglakad habang magkahawak kamay. They're still smiling, sumunod ako sakanila.

"Did you hear that hon?" tanong ni mom.

"Yes..." simpleng sagot ni dad, I can see the fear on their eyes.

Dahan dahan silang naglakad.

"N-No..." I said, still sobbing.

"H-Hon..." mom is shaking.

"Calm down, honey," hinalikan ni dad sa noo si mom.

Unti unting lumapit sakanila yung leon hanggang sa inatake na sila nito.

"No! Stop! Stop it! No!" sigaw ko. Humahagulgol na ko.

"Y/N I-I'm sorry," I can hear dad's voice.

"W-We l-love you anak," bulong ni mom.

"No! Mom! Dad! No... Don't leave me please..."

"No!"

Napabalikwas ako at napabangon. Ramdam ko yung luha sa mga mata ko. Sobrang sikip ng dibdib ko.

"No..." mahinang sabi ko. Napahawak ako sa muka ko tsaka pinahid yung mga luha ko.

Tumingin ako sa alarm clock ko.

4:37 am

Hindi na ko nagtaka, mula nung 14 years old ako at namatay si mom at dad I always have nightmares like this, yung nangyari sakanila, yung masasaya naming memories, yung pagsasabi nila na mahal na mahal nila ko.

Sa sobrang dalas nga parang nasanay nalang ako eh.

Bumangon ako sa higaan ko at pumunta sa kusina para uminom ng tubig.

I was drinking my water ng may marinig ako kaluskos. Agad akong napalingon sa lamesa ko then I saw a cat.

Nanlaki yung mata ko, that was my grandma's cat. He's staring at me.

"Y-Yah! B-Bakit ka nandito?!" I feel so stupid for talking to a cat but whatever.

Nung lalapitan ko na sya ay bigla nalang syang tumakbo sa bukas na bintana at tumalon. Nanlaki naman yung mata ko at tumingin sa baba at nakahinga ng maluwag nang makitang safe yung pusa at tumatakbo.

Kumunot naman yung noo ko, Why do I even care kung mamatay sya eh I want to get rid of him na nga. I rolled my eyes.

And why is that cat even here? Pano nya nalaman na bahay ko to? Is he getting revenge?

Tumingin ako sa paligid ko at wala namang nagulo kahit isa. So anong gagawin nya dito? And a cat? Pano sya nakapunta dito? Ang layo layo ng bahay ni grandma ah? Pano nya nalaman kung san sya pupunta? Ang daming tanong sa isip ko na isang pusa lang yung makakasagot, yayks!

Bumuntong hininga ko and I was about to go to bed nang may makita akong sa lamesa.

It's my pills, gamot na binigay sakin ng psychiatrists ko because of my nightmares.

Bakit to nandito? Hindi na ko umiinom nito dahil nakakalimutan ko tapos biglang nandito nalang? What's this? A coincidence?

Whatever. Maybe I should just go to work.

Ininom ko yung pills ko tsaka nagayos na para pumasok, I know it's too early pero I'm the owner kaya walang sisita sakin.

Pumasok na ko sa kotse ko, I decided to drive today dahil maaga pa, for sure wala pang cab.

I was on my way to my car nang may mapansin akong kotse. It was grandma's.

Lumapit ako don, I saw Mang Tonying waiting outside the car, agad ko syang nilapitan.

"Mang Tonying?"

"Oh ma'am nandyan na po pala kayo, pinapasundo po kasi kayo ng lola nyo saakin, may mahalaga daw po syang sasabihin," tumaas yung kilay ko.

"Ano daw?"

"Hindi ko po alam eh," sabi nya.

Bumuntong hininga ko at tumango.

Papasok na sana ko sa kotse nang makita ko yung pusa ni grandma na nasa loob din.

"Are you kidding me? I'll sit in the front," sabi ko.

"Ayy sorry po ma'am madumi po kasi yung harap kaya sa likod lang po kayo pwedeng umpo," sabi ni Mang Tonying.

No way, there's no way that I'll sit with this cat.

"Pasensya na po talaga ma'am," paumanhin ni Mang Tonying.

Bumuntong hininga ko.

"Fine!" I said.

Wala pa kami sa kalahat ng byahe ay parang nagsisisi na ko na sumama ako.

I looked at the cat and.....




He's already staring at me grinning.

YOONMEOW||M.YG||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon