CHAPTER XVIII: Suddenness

47 15 0
                                    

DENISE

"Andeng! Saan ka na ba? Ang tagal mo. Kanina pa ko naghihintay sayo dito." pagtawag ko kay Andrea na para bang naiinip na sa kakahintay sa kanya rito sa coffee shop.

"Sandali bes, papunta na. Tayo lang ba dalawa diyan? Sasabihan ko ba sina Francine?" pagtatanong ni Andrea na para bang nagmamadali.

"Ano ka ba, andito na nga sila. Ikaw nalang yung hinihintay, dalian mo na nga." pagmamadali ko kay Andrea.

"O siya sige, I'm on my way na." pagsagot ni Andrea at ibinaba ko ang telepono.

"Oh, where's Andeng, bes?" pagtatanong ni Janine sabay subo ng cake na hiniwa niya.

"She's on her way." pagsagot ko at nag-ayos sa pagupo.

"Teka bes, kamusta ka naman? Tagal na rin nating di nagkikita ah." pangangamusta ni Francine sabay pag-inom ng frappe na inorder niya.

"Ayun nga, I'm okay naman. Kaya ko nga kayo ininvite rito kasi nga, I missed you." bigkas ko naman.

"Me too, Den. I missed you." ani ni Janine.

Napakatagal na rin nung huli naming pagkikita, I just remembered when we were in the hospital. I missed this gala with my gals na para bang kay tagal ko na ring hinintay muli.

Andito kami ngayon sa isang coffee shop, nagkukwentuhan, naghihintay na rin kay Andrea.

"Oh, Andrea's here." bigkas ni Francine nang nakita niya si Andrea.

"Ano ba naman yan, ketagal, naiinip na kami rito ha. Hahaha." pagbigkas ko na para bang kumunot ang noo ni Andrea.

"Dami ko pa kasing ginawa sa bahay tapos kung mag-aya ka ng gala para bang biglaan." pagpapaliwanag ni Andrea sabay upo sa tabi ko.

"Wala lang natripan ko lang. Hahaha..." sagot ko. "... O, mag-order ka na." dagdag ko sabay turo sa menu para maka-order na siya.

"Yung madalas nalang nating iniorder yun nalang..." bigkas niya sabay kuha ng bag niya para kumuha ng salamin.

In a sudden nga talaga, gusto ko lang namang makasama sila and I want to be happy with them again, na walang ginagawa, kundi magkwentuhan, magtawanan, magchismisan. Oo, yun naman talaga yung karaniwang ginagawa ng mga babae diba?

Nandito pa rin sa kinauupuan naming apat at ngayon lang nagsync-in sa isip ko na pawang ang cozy tingnan ng lugar na ito at napaka-ideal for dates and to be alone.

As I see the entrance of this coffee shop, para bang may napansin akong tao na napakapamilyar sa akin.

"Wait, Deng, De-eng! Diba si Carlos yun?" pagtatanong ko kay Andrea sabay tapik sa kanyang balikat na para bang ako'y kinakabahan.

"Ye~, Oo nga, siya nga yan. Anong ginagawa niya rito?" pagtatanong ni Andrea sa akin at para bang maging sina Francine at Janine ay nakatingin din.

"Yan ba yung, kaibigan nung Miguel ba yon, bes?" pagtatanong ni Janine sa akin habang ako'y kinakabahan pa rin na maaaring pupunta si Miguel dito ng di ko inaasahan.

"Yes, pano to. Luke will go here mamaya, pa-paano kung magkita sila ni Miguel? Ayaw ko ng gulo bes." pagbigkas ko na para bang hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Ano ka ba bes, huwag ka ngang paranoid. Baka naman, iba yung kasama ni Carlos diba?" pangungusap ni Andrea sabay inom ng frappe niya.

"Oo nga naman Den, hayaan mo na yan." pagbigkas ni Francine sabay pagslice ng cake na inorder niya.

I can't believe and I did not expect na pupunta rito si Carlos and I'm very nervous this time na para bang nanginginit ako at pinapawisan.

Nagpatuloy sa pakikipagkwentuhan, hindi pa rin maalis si isip ko ang pagkakataong ito. Tila bang, namamawis na yung mga kamay ko at hindi ko alam ang gagawin ko.

A Sinner DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon