A/N: Well, kay Angela itong chapter na to. At sa tingin ko ay wala kayong idea na sa kanya ang chapter na to. Dahil hindi nio pa naman siya kilala. Kahit na ung mga classmate ko. Nyahaha. Talagang pinag isipan ko tong chapter na to. At sana magustuhan nio. Read Before Vote and also Follow Me !!
*Angela's POV*
Haysss . Pasukan na naman. Ayoko sa lahat ito eh. Hectic na nga ang schedule ko eh. Tss. Btw, Im Angela Yu. At kasalukuyan akong nag da drive papunta sa school ko. Anong university? DFU lang naman ang papasukan ko. Na talagang pinaka sikat na school sa Philippines. Halos lahat ng sikat sa showbiz ay dito nag-aaral. Konti lang din ung mga nag aaral dito na hindi sikat. Kaya pag pumasok dito ang mga celebrity ay hindi masyadong nagkakagulo. Unlike sa mga ibang school.
"Sh*t." arghh. Ano ba naman to. Hindi man lang tumitingin sa dinadaanan. Bad trip.
"Sorry, Miss. Hindi ko sina - " nagulat pa ata ang mokong at hindi na naituloy ang sasabihin. Ikaw ba naman kasi makakita ng ganitong face eh. Hindi ka ba mapapahinto?
"Mister. Paki bilisan naman oh. Paki pulot na yan ." sabay turo ko sa mga libro na nalaglag sa floor.
"E-eto n-na p-po." sabi naman ni kuya. Tss. Shunga eh.
Habang naglalakad ako sa hallway may narinig akong mga bulungan
Girl1: Ang ganda niya pala talaga sa personal.
Girl2: Oo nga eh. For sure lahat ng hearthrob sa university na ito eh, magkakagusto sa kanya. Tanga nalang siguro ung hindi magkakagusto sa kanya.
Girl3: Sus. Eh ang panget naman ng ugali nyan panigurado eh. Pakitang tao lang yan sa harap ng maramong tao. Celebrity kasi. Kaya dapat maging nice sa mg fans.
'Well, hindi ko naman masisisi si girl kasi totoo naman.' Sa isip ko.
*Fast Forward*
"Mga pits. Chixx oh. Hi" *sabaykaway* . I think si Aldrin to. Classmate ko siya kaya alam ko.
"Hi." sabi ko sabay ngiti. Tiningnan ko ung mga kasama niya pero mukhang hindi nila ako napansin. Kaya naman pumunta ako sa kinaroroonan nila.
"Hi, guys." sabi ko sa kanila. Pero hindi talaga ako pinansin ng mga loko. Aishhh. I decided to go home nalang.
"AAAAAHHHH. Bat ba kasi hindi nila ako pinasin. Di ako papayag na hindi nila ako pansinin. Walang makakatanggi sa isang Angela Yu na katulad ko." inis na inis na sabi ko.
••••
"Good Morning, guys." sabi ko sa kanila. Pero hindi talaga nila ako pinapansin eh.
"Good Morning, Angela." buti pa si Aldrin pinapansin ako eh. Pero sorry na lang siya. Hindi ko kailangan ng atensyon niya. Ang gusto ko eh sila Ryan, Dave at JanRey. At ung lalaking naka bunggo sa akin kanina. I feel something weird sa lalaki nayon eh. Well, may kamukha nga siya. Nakalimutan ko lang. Hindi man ako pansinin ng mga ugok na ito eh, ayos lang. Mayron na akong next target. At si nerdy boy yun.
"Waiiit!" sigaw ko kay nerdy boy. Nakita ko kasi siya sa hallway. Napatigil naman siya kaya binilisan ko ung lakad ko with poise, syempre.
"Hi. Gusto ko lang malaman ung name moh. Para kasing may kamukha ka eh." sabi ko sa kanya. Nakayuko lang siya nung sinagot niya yung tanong ko.
"Im Christian Gaorte...
Your EX." sabi niya at umalis na siya.
"What the?!" sabi ko. Ako ? Eto ngayon nakatulala. Oo nga. May kamukha nga siya. Ay hindi , siya pala talaga un. Di ko akalain na magbabago siya. Dati kasi laging naka gel ung hair niya tapos ayaw niyang nag sasalamin. Tapos ngayon flat na ung buhok niya at nakasalamin pa siya. Ang laki ng pinagbago niya. Nagpunta akong gym. Naalala ko lahat dito.
*Flash Back*
Na trap ako sa loob ng gym. Maya maya may narinig akong mga kaluskos.
"Waaah. Wag nio naman akong lokohin oh." takot na takot na sabi ko. Takot talaga ako sa madilim.
Nakapatong lang ang ulo ko sa tuhod ko ng biglang bumukas ang ilaw at
at..
at..
nakita ko si Chris sa gitna ng gym. Ang dami palang tao dito. Halos lahat ng highschool nandito. Papalapit akong palapit kay Chris. Hanggang sa makarating na ako sa kinaroroonan niya. Nilibot ko ulit ang mata ko at nagulat ako na pati advisers ng highschool ay nandito. Lahat sila naka red. Favorite color ko to ah.
"Angela Yu. Alam mo namang mahal na mahal kita diba?" tumango naman ako. May sinenyas siya sa likod ko at biglang may tumugtog na malakas. Nothings Gonna Stop Us Now. Eh ? Favorite ko din to ah. Puro favorite ko ata tong mga to. Nung natapos na ung kanta. Nagbigay sakin si Chris ng White Tulips. My Favorite again.
"Angela. Will you be my Girlfriend ?" tanong niya sakin. Nagaantay na ung mga manunuod ng sagot ko. Syempre pati si Chris. Kaya naman binigay ko na ang matamis kong 'oo' . Nagpalakpakan naman ung mga manunuod. Niyakap ako ni Chris at niyakap ko din siya. Matagal na kaming MU ni Chris. At matagal niya na din akong nililigawan.
*After 4 months*
'Kailangan kong umalis para sa career ko pero maiiwan ang mahal ko' yan ang sumasagi sa isip ko ngayon. Hindi ko kayang iwanan si Chris. Pero kailangan talaga. Kaya napag desisyunan kong wag nalang mag paalam kahit labag sa loob ko. 'Babalik ako. Pangako. Hintayin mo ako Chris.'
9 Months na ako dito sa Singapore at bukas uuwe na ako sa Pilipinas. Sana may babalikan pa akong Chris sa Pilipinas.
*End Of Flash Back*
Nalaman ko nalang na break na kami kanina dahil EX ang sinabi niya. Pero wala pa kaming official break up. Hays. Hindi nalang muna ako papasok ngayon. Mabuti pang mag pahinga muna ako. Saka ko na siya kakausapin.
~~~
Maikli lang to ah. Ano na kayang mang yayari kina Angela at Chris? Magiging sila pa ba ulit ? Magkakabalikan pa ba sila ? Kung gusto niong malaman abangan nio ang update ko at vote na rin.