Nakatayo ako sa harap mo. Bitbit ang isang ponpon ng bulaklak na gustong gusto mo. Sumilay ang isang magandang ngiti sa labi mo. Hindi ko mapigilan, tumulo ang luha sa mga mata ko. Deri-deritso, walang humpay hanggang sa tumulo iyon sa aking panga.
Ayaw kong pumiyok dahil baka mawala ka sa harap ko. Ayaw kong gumalaw, natatakot akong baka umalis ka sa harap ko. Dumaan ang malamig na hangin sa harap nating dalawa.
"Nami-miss kita, alam mo ba kong gaano ka sakit iyon. Sana hindi nalang kita nakilala kong iiwan mo din pala ako." nanginginig ang boses ko habang sinasabi iyon sa kanya.
Nakita nyang bahagya itong yumuko sa sinabi ko. Nakita din nyang nagsisimula ng yuminig ang mga balikat nito, tanda na nagsisimula na itong umiyak. Gusto nyang aluin ito. Yakapin ng mahigpit at balutin ng matindi nyang pagmamahal dito.
Pero hindi ko magawa. Dahil natatakot ako. Takot, na baka iwan mo uli ako. Takot, na baka magalit ka sa akin. Takot, na baka hindi mo na ako balikan.
" Mahal na mahal kita. Habang buhay. Habang humihinga ako, ikaw lang ang mamahalin ko."
Tumingin ito sa kanya. Bakas sa mukha nito ang labis na kaligayahan at pagmamahal. Itinaas ko ang aking isang kamay at pinahid ang luha sa kanyang pisngi.
"Mahal na mahal. Higit pa sa kahit anong buhay. Ikaw lang ang iibigin ko, wala ng iba."
Ngumiti ito ng ubos ng tamis. Isang ngiting unang nagparamdam sa kanya kung paano magmahal. Isang ngiting nagbigay sa kanya ng bagong buhay.
At sa mahina nitong boses, na mabibilang lang kong kailan nya ito marinig. Ngunit ang bawat salita nito na madalang nyang marinig ay laging nagbibigay sa kanya ng ibayong saya at pagmamahal.
"Mahal din kita. Buhay man o kamatayan, ikaw lang at wala ng iba."
BINABASA MO ANG
Isang Linggong Pag ibig ( S L O W )
RomanceA one week love story about a woman named Amanda Laurel. A loner and somewhat, a woman who's afraid of everything.