Chapter 2: Insane

0 1 0
                                    

Nauna akong magising sa alarm. Awtomatiko akong napaupo para sipatin ang lalaki. Wala na ito doon. Nagpalinga linga kung saan sya posibleng naroroon.

Nakita kong nakatupi ang kumot at nakapatong doon ang mga unan na ginamit nya. Sa ibabaw noon ay may nakapatong na maliit na sticky note na mula sa study table ko.

Thank you.

Matagal ko iyong tinitigan. I feel indifferent. It calms me to wake without him across my bed but I also feel worried sick. Iniisip kung anong oras sya nakaalis at kung paano sya nakaalis. Kung kumusta na ang sugat nya. Hindi ko alam. Marahil sa kakaisip ko ay nasabik akong lumiwanag na para makita ang muka nya. Umiling ako sa naisip. Nababaliw na ko.

Ibinaling ko nalang ang aking atensiyon sa paghahanda sa pagpasok sa trabaho. May pasok ako sa school ng tanghali kaya mas pinili kong suotin na ang uniform ko ng diretso para iwas bitbitin at bawas labahin. Nilingon ko muna ang balcony bago lumabas. Sinigurong nakasarado ito. Hindi na babalik ang taong yon.

Sa isang call center company ako nagtatrabaho. Hindi sila mahigpit doon sa damit kaya kahit ano ay okay lang basta suot mo palagi ang company ID. Malapit din ito sa campus kaya convenient din. Iwas pamasahe.

"Good morning, Ma'am" bati ng security guard ng makita akong pumasok sa building. Iniswipe ko ang id at hinintay na pagbuksan ako ng security.

"Anong oras ang pasok mo sa school?" tanong sakin ni Francis ng makasabay sa elevator. Same kami ng school pero magkaiba kami ng course. From architecture department sya at ako naman ay bs psychology. Sabay kaming umakyat sa floor na assigned kami.

"After lunch pa pero need kong makarating don ng maaga para makapagreview." sagot ko.

"EOP! How many times do I have to say?" saway ng isang team leader ng madaanan kami. English Only Please.

Natawa kami dahil doon. We bid our goodyes at umupo na sa pwesto para magtrabaho. Nanatili lang ako doon ng apat na oras. Tumakbo nako papunta ng school. Nagtext si Miranda na nasa cafeteria sya kaya doon ako dumiretso.

"Hi! Kanina kapa?" bati ng umupo ako sa tabi nya. Sya lang mag isa don kaya luminga linga pako kung nakapili ang iba sa counter. Tinitimbang ko kung dapat ko bang sabihin ang nagyari sakin kagabi. Sa huli ay napagdesisyunan ko wag na syang idamay. Hindi ko kilala ang lalaki at hindi ko alam kung nasa panganib ako dahil sa pagtulong sa kanya. I don't wanna drag here.

"Tinawag sila ni coach. Dahil wala na ang team captain Edison needs to take over. Magkakaron din sila ng early try outs para sa next semester." sagot nya ng makitang palinga linga ako. Natahimik ako sa sinabi nya. Naramdaman nya iyon at iniba ang usapan. "You'll come with us right?" paalala nya sa usapan namin.

When our friendship started we have this unwritten rule na mondays to thursdays is for studying and fridays are for parties. I don't know, I should've never mentally agree with that but because it was unwritten I wasn't able to disagree for I never find that treaty.

"Wala naman akong choice." I answered as a matter of fact. "Do you want anything?" tanong ko. Umiling sya at dumiretso nako sa counter para mamili ng kakainin.

Umorder ako ng kanin at ulam. Kumuha nadin ako ng dalawang pineapple juice. Pabalik na ko ng table ng nakita kong dumaan sa harap ni Miranda ang mga dati nyang tropa. Nihindi nya ito nilingon kahit na may narinig akong sinabi sila against her. Umupo ako ulit sa harap nya at tinitigan sya. Ngumit lang sya at umaktong parang walang nangyari.

"Why didn't you talk back? You used to do that a lot when we were still enemies." galit na sabi ko. I cross my arms over my chest and look at her seriously. Wala syang inurungang away namin. We used to be his pain in the ass.

When The Night StrikesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon