Prologue

58.3K 686 167
                                    

Imperial Series III by: Aya_hoshino

Hindi lahat ng pinanganak na mayaman masaya...

Akala ng lahat napaka-palad namin dahil nakukuha namin ang mga bagay na gusto namin ng walang kahirap-hirap. Pero dapat nga ba kaming kainggitan? Hindi namin gustong manahin ang mga bagay na hindi naman namin pinaghirapan.

Oo mga Imperial kami, hindi man sa apelyido pero dugo ng mga Imperial ang nananalaytay sa aming ugat kaya sa ayaw at sa gusto namin kailangan naming manahin ang mga pera at kayamanang naging dahilan ng mga sigalot sa aming pamilya.

Kaya ngayon hindi lang pera ang kailangan naming manahin kundi pati mga galit at poot mula sa mga taong inagawan namin ng kayamanan at tinapakan para lang marating ang rurok ng tagumpay na tinatamasa namin ngayon.

Minumulto kami ng mga galit na hinasa at pinatalim sa paglipas ng panahon. Ngayon ay kaming mga bagong henerasyon ang nakatakdang magbayad ng aming mga buhay.

Ako si Shekainah Imperial at ito ang pagpapatuloy ng mahabang kasaysayan ng Imperial Family...

------Shekainah Ocampo's POV------

6 years old ako nun nung mangyari ang pinakamalagim na bahagi ng buhay ng pamilya Imperial.

Paskong-pasko noon at lahat ay abala para sa kaarawan ni lolo Zheng. Dec. 25 kasi nataon ang kanyang kaarawan kaya isinabay na namin dun ang pag-aabang sa araw ng Pasko.

11:45 pm na. Labinlimang minuto na lang ay noche buena na kaya kailangan na naming bumaba nina mommy sa sala.

Suot ko ay magarang puting damit kaya napatingin ang lahat ng tao sa amin habang bumababa kami nina mommy, daddy at baby Earth ng hagdan.

Oo, may kapatid pa akong lalake. Buti na lang buntis na pala si mommy bago pa man nagpa-vasectomy si daddy noon kundi buong buhay talaga nilang pag-aawayan yun. Kaya naman alagang-alaga ni mommy si Earth at ako? Etsa pwera lang naman! Hayyy... :((

Kasalanan ko din naman kasi papa's girl ako eh. Ayoko kay mama kasi namamalo kaya hindi kami close. :3

Daig pa ng mga guest ang naengkanto pagkakita sa akin. Pagdating sa baba ay sinalubong agad ako ng pisil sa mukha ng mga kamag-anak, katrabaho, kaibigan at kakilala ng mga magulang ko.

"Ang cute cute mo hija. Mana ka talaga sa iyong ina." Puri sa akin ng may edad na babae.

"Hala ayan na ang prinsesa ng Imperial Family!" Bulalas naman ng medyo bata-batang mga pinagkakatiwalaang mga manggagawa ng Imperial Family.

Talagang napakasaya ng araw na yun kasi tumanggap ako ng maraming-maraming papuri.

"Baby!" Sigaw ni mommy Phoebe mula sa di kalayuan.

"Mommy Bee!" Sinalubong ko ng yakap ang ikalawa kong ina.

"Look at you mukha ka nang dalaga!" Papuri rin nito.

"Baby!" Agad akong binuhat ni daddy Ulysses nung sundan niya si mommy Bee at nakita niya ako.

Sabi niya pa bubuhatin daw niya ako ngayon habang pwede pa kasi kapag dalaga na daw ako baka mahiya na akong magpabuhat sa kaniya. Pero ang nakikita kong totoong dahilan? ay dahil magkaka-anak na sila ng babae.

Yeah, buntis na naman si mommy Bee at 2 months na yung baby sa kaniyang tummy kaya may baby girl na sila bukod dun sa kambal niyang sina Cyrus at Darius na natutulog sa itaas. Pero secret pa yun, wala pang nakakaalam na may baby siya kasi gusto niyang sorpesahin si lolo Zheng sa magandang announcement na yun mamaya.

Medyo chubby kasi si mommy Bee kaya walang nakahalatang buntis na naman pala siya hindi katulad kay mommy Izzy na maaga pa lang nalaman na ng lahat maging ng mga media na dinadala niya ang pinaka-bunso ng 3rd Generation ng mga Imperial.

Imperial Series IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon