Imperial Series III by Aya_hoshino
-----Akira's POV------
Sa aking ika-labinwalong kaarawan, sinundo ako ni tita Demi at pinasakay sa helicopter. May gadget siyang kinabit sa ulo ko na parang headset kung saan naririnig ko ang mga salita niya pati dun sa piloto kahit malakas ang tunog ng makina nung sinasakyan naming chopper.
Sabi niya dadalhin na niya ako ng Maynila... doon sa mga pinsan ko... pero...
Nung nasa ere na kami ay muli niya akong pinaalalahanan. "Akira tandaan mo ang bilin ni Shekainah sa inyo, sa oras na dumating ka ng Maynila at nakita mo ang iyong mga pinsan ay hindi mo sila pwedeng lapitan o kausapin man lang. Lagi mong isaisip ang mga yun dahil isang maling kilos mo lang, maaaring buhay ng mga pinsan mo ang kapalit. Ayaw mo namang mangyari yun di ba?" Pananakot niya sa akin.
Wala akong nagawa kundi ang sundin siya. "Opo tita Demi." Yun ang aking naging sagot.
"Wag kang tumulad sa pinsan mong pasaway." Saad nito at habang nagsasalita ay nakadungaw sa ibaba ng helicopter.
"Huh? Sino po?" Curios kong tanong.
Biglang nag-iba ang facial expression ni tita Demi habang nagsasalita. "Wala yun. Kalimutan mo na." saad niya sa akin.
Hindi ko na rin siya inusisa pa.
Pagdating ng Maynila ay mga tauhan na niya ang nagdala sa akin sa harap ng gate ng bago kong school ang, MSU(Manila State University). Barya-barya lang ang pera ko pagdating doon at ang tanging hawak ko lang na papel ay ang aking scholarship certificate, na siyang magsisilbing ticket ko upang makapag-aral sa isang pang-mayamang unibersidad na tulad nito.
Nakatayo lang ako sa harap ng gate ng school at nagmumuni-muni. Sigurado akong dinanas din ng mga pinsan ko ang dinaranas ko ngayon nung una silang dumating dito. Malamang wala ding laman ang bulsa nila nung dumating dahil ni singkong duling ay walang inabot ang mga mafia o pinaabot man lang ang aming mga magulang para sa amin. Pero para sa mga pinsan ko, sisikapin kong lampasan ang mga pagsubok na ito.
Isinilid ko na sana sa aking bag ang aking certificate ng hablutin yun ng isang lalakeng naka-cap.
"Hoy! Magnanakaw!" Nung hahabulin ko na yung magnanakaw ay pinigilan naman ako ng isa pang estranghero na may kasamang magandang babae. Mukhang mga estudyante din sila ng school at saktong napadaan nung manakawan ako.
Napatingala ako dun sa matangkad na lalakeng pumigil sa akin. "Tito Levi?"
"Levi? Sino yan?" Balik-tanong niya sa akin at halata sa mukha niya ang pagtataka.
"Ah, hindi pala kamukha mo lang yung tito ko nung kabataan niya." Biglang-bawi ko. Nagulat ako kasi kamukhang-kamukha niya si tito Levi na pinabata ng 19 years. Akala ko talaga dumating na ang savior namin. Ngunit hindi pa pala kaya kumawala na ako sa pagkakahawak niya at aktong hahabulin na yung magnanakaw ng pigilan niya ulit ako.
"Sandali, wag mo nang habulin hayaan mo na lang. Alam mo ba ang modus ng mga magnanakaw ngayon? Pahahabulin ka nila at iiwan mo naman dito sa daan ang iba mo pang gamit mo pero pagbalik mo? Siguradong ang mga ito naman ang mawawala." Tukoy niya sa iba ko pang mga maleta na nasa may paanan ko.
"Pakitingnan na lang ang mga gamit ko pare ha." Nagmadali na akong tumakbo at di na nagpapigil pa. Sa ngayon ay yung scholarship certificate ang mas mahalaga kesa sa mga damit ko sa maleta.
Kahit tumatakbo palayo ay narinig ko pang binilin naman nung lalake ang mga gamit ko sa babaeng kasama niya. "Babe, pakibantayan."
"Babe! Babe!" Panay naman ang tawag nung babae dun sa lalake pero tumakbo pa rin ito at sa bilis niyang tumakbo ay nauna pa siya sa akin. Mukhang seryosos siya na tulungan akong habulin yung magnanakaw.
BINABASA MO ANG
Imperial Series III
Teen FictionEto na ang 3rd Generation ng pamilya I M P E R I A L.