Pagkatapos ng nangyari kanina ay hindi na ako nagsalita pa. Habang si Manang ay hindi mapakali, at kanina pa nakaalis.
Naisipan ko nalang na magkulong sa kwarto. Sa mag mukmok, hindi ko alam kung pa'no ko sasabihin sa kanila ang sitwasyon.
Hindi ko talaga alam kung ano ba dapat, hanggat wala pang nangyayari, mas mabuting mag-ingat.
Napatayo naman ako nang may kumatok sa pinto, agad ko naman itong pinagbuksan nang makita ko si Ivan na nasa harap ng pinto.
" Pwede ba kitang maka-usap?" sambit naman niya, tumango naman ako at hinayaan siyang pumasok sa loob ng silid.
" Tungkol saan ang pag-uusapan natin?" tanong ko naman sa kanya, narinig ko naman ang pagbuntong hininga nito.
"Tungkol sa nangyari kanina, pwede mo bang sabihin sa 'kin ang rason? hanggang ngayon mainit parin ang dalawang yun, si Sherly at Jane." sabi naman niya, hindi ko naman alam ang gagawin ko.
" Hindi niyo ko maiintindihan, kailangan na nating umalis dito." sabi ko naman sa kanya.
" Pero bakit? anong dahilan, Al?" mahinahong sabi naman nito.
" Hindi ko alam kung paano koba ito sasabihin, pero nang-" naputol naman ang sasabihin ko ng biglang may malakas na hangin dahilan para mahulog ang vase malapit sa higaan.
Itinuon naman namin ang atensyon doon dahil sa gulat. " Pero ano? " sambit naman ni Ivan at talagang gusto niyang malaman ang kasunod na sasabihin ko.
" Kalimutan mo nalang ang sinabi ko, pwede mo ba akong iwan muna sumasakit na naman kasi ang ulo ko." sabi ko naman sa kanya, wala akong ibang palusot na pwedeng sabihin.
" Okay, kailangan moba ng gamot?" sabi naman niya, umiling naman ako.
" No, itutulog ko nalang ito." sabi ko naman sa kanya, tumango naman ito sa 'kin.
" Sige, mag-uusap tayo kapag okey kana ulit." sabi naman niya, saka lumabas na sa silid at pabalik na sinara ang pinto.
Nagpalinga-linga naman ako sa paligid, hindi ko pwedeng sabihin. Dahil kapag sinabi ko na aalis kami, sigurado akong mas ayaw niya kaming paalisin dito.
Ang tanging magagawa ko lang ngayon ay protektahan sila sa maaaring mangyari. Paano ba umabot sa ganitong pangyayari ang lahat?
Kinuha ko naman yung phone ko sa bag, saka denial ang number ni Papa. Nag-ring pa ito nung una at saka ito sinagot.
" Pa?" sambit ko naman.
Wala namang nagsasalita sa kabilang linya ang tanging naririnig ko lang ay ang iyak at hikbi.
" Ma?" sambit ko naman, baka kasi si Mama ang nakahawak ngayon sa phone ni Mama.
Baka nag-away na naman sila, kaya umiiyak na naman ito. Pero wala parin akong natanggap na sagot sa kabilang linya. Hanggang sa kusang pumatay ang tawag, tinawagan ko naman ito ulit pero hindi na niya sinasagot.
May kumatok naman ulit sa pinto, kaya dali-dali ko itong binuksan." Lance?" sambit naman.
" Hindi ka paba kakain?" sabi naman niya.
" Si Manang ba, bumalik na?" tanong ko naman sa kanya, umiling naman ito sa 'kin.
" Si Sherly?" sambit ko naman.
" Nasa kwarto niya, pinadalhan na siya ng pagkain ni Ivan. Samantalang sila ni Jake at Jane ay nasa baba."
Tumango naman ako saka sumama ako sa baba, para kumain na ng hapunan. Ang mukha agad ni Jane ang nakita ko, ang nakabusangot niyang mukha.
