Chapter 4: The Realization

26 7 0
                                    

        Ilang araw ang nakalipas at medyo magalnig na rin ang paa ko. Ang galing naman palang doktor ng baklang yun e!

"O eto! kumain ka na!" sabi nya sabay latag ng prutas sa mesa. "Wag ka munang tumayo a? Baka masakit pa yang paa mo!" dagdag nya.

        Sa mga panahong yun. Nakatitig lang ako sa maamo nyang mukha. Agnd na-realize ko na lang na . . .napaka-buti nya pala sa akin. Siguro kong hindi dahil sa kanya, siguro . . . . wala na ako, walang gagamot sa sugat ko. Tatanawin kong malaking utang na loob to.

"Oi! Kain ka na!" yaya nya.

"Uh . .  . Miko . . . .  ..  Salamat a" sabi ko sa mahinang boses.

"Hah? Para san?" tanong nya.

 "Uhmmm . . Para sa lahat . . Kasi siguro kung hindi mo ko inalagaan . . .Ewan ko lang kung anong mangyayari sa akin." sagot ko habang nakayuko ang ulo at pilit na pinipigilan ang pagtulo ng luha.

"Ano ka ba! Okay lang yun!" sabi nya habang lumapit sa akin at bigla akong niyakap.

"Gagawin ko ang lahat . .. para sa ikakabuti mo." sabi nya.

                Bumilis ang pintig ng puso ko sa mga sandaling iyon.

Stupid Memories (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon