Chapter 1

127 3 4
                                    

                I'm Aliyah Claire Sy. I'm already 18 yrs.old. Half Korean at Pinay nga pala ako. May dalawa akong kapatid sina Alisone Keith Sy at Alexander Kade Sy. Ako ang bunso sa aming tatalo. Kaya naman bilang bunso 'eh nasa bahay lang talaga ako parati at palaging bantay sarado, kamusta rin naman 'yun no? tsk!

                   "Aliyah bakit nakabusangot ka ?" tanong ni ate at tumabi saakin sa pagkakaupo sa may sofa, napairap naman ako.

                   "Ate bakit ba bantay sarado nalang ako palagi 'eh hindi na naman ako bata." Pagmamaktol ko

                    "Aliyah naman matagal na natin itong pinagusapan diba? na makakalabas ka lang ng bahay na ito ng walang bantay kapag nasa right age kana." sabi naman ni ate at napasimangot ako sa sinabi niya

                    "What? 'eh ate naman, I'm at the right age already. I am already 18 years old just in case you forgot." sabi ko sakanya.

             Ughh kelan ba ito matatapos?

                  "Tsk bahala ka na basta bawal parin not until you are already 21 years old.Understand?" sabi ni ate kaya napatango nalang ako

No choice 'eh kung hindi grounded na naman ako kapag lumabag ako sa rule. Bwesit =_=.

               "Mam pinapatawag nga po pala kayo ng Dad niyo sa office niya." biglang sabi ng maid namin kaya sumunod nalang ako at nagpunta sa office niya

                  Pagkarating ko roon nandoon na silang lahat, ako nalang yata ang kulang. Ano bang nangyayari? ano ba itong pulong-pulong na ginagawa nila. Pati sina tita at tito na kapatid nina mommy at daddy at naroroon din. 

               Kaya hindi ko na natiis at tinanong sila.

                 "Dad ano pong nangyayari dito?" tanong ko kay dad kaya naman napalingon ito saakin at ngumiti

                "You'll find out later sweetheart, just change your clothes, okay? because were going to our restaurant." kahit na naguguluhan ako ay tumango nalang ako. I feel like may maling mangyayari ngayon sana naman hindi o baka napaparanoid lang talaga ako. Ughh ewan!

                 Pagkatapos ko magbihis ay dumiretso na ako sa labas since 'yun ang instruction ng maid namin saakin. Paglabas ko nagulat ako dahil ginamit nila daddy 'yung limousine 'eh madalang lang niya iyong ginagamit. Ginagamit lang niya ito kapag may importanteng event lang talaga, kaya ngayon i assume? importanteng-importante ang event na pupuntahin namin ngayon?

                "Get inside already sweetheart." napabalik naman ako sa katinuan ko ng tinawag ako ni mommy. Psh! nakasakay napala sila lahat ako nalang ito 'yung nasa labas na parang tanga.

                  Mga almost 30 minutes din ang byahe namin bag-o kami nakarating sa hotel na pupuntahan namin. Pagpasok namin sa hotel, masasabi mo talaga na talagang pinaghandaan ito ng mabuti dahil nga napaka-engrade sa loob nito. Mabuti nalang talaga at medyo fit lang 'yong sinuot ko na dress, 'yung medyo semi-formal kasi naman 'eh hindi ko alam kung saan kami pupunta kaya ito 'yung pinili ko suotin para makasigurado.

               "Aliyah dito lang kami okay? dahil alam mo na business." paalam saakin ni Ate kaya tumango lang ako at after nun. Hindi ko na alam kung saan na sina mom at dad, pati na rin si Kuya but i'm sure nandito lang sila sa paligid at may kausap, alam mo naman kasi 'eh business everywhere talaga. Tsk!

                Kaya naman wala akong choice kundi libangin 'yung sarili ko kaya i decided to take a stroll in the hotel. Since, marami namang tao if ever maligaw ako pwede naman sigurong magtanong diba? Nakita ko na may parang gazebo sa medyo di kalayuan lang ng party kaya pumunta ako agad doon. Pagdating ko doon may narinig ako na hindi ko sinadya.

                 "Ano ba Frenchesca. you should accept them for they are your new family already, okay? do you understand me?" tanong nung lalaki na hindi ko maaninag ang mukha dahil medyo madilim sa pwesto nila but wait para kasing familiar ang boses ng lalake pero-- psh impossible dahil na sa America siya ngayon sa pagkakaalam ko.

                "No they are not my family. Okay? I just accepted their proposal dahil gusto kong makapaghiganti. I want a revenge dahil sila ang dahilan kung bakit nawala 'yung ina ko." narinig ko na sabi sa babae

                What? Revenge? Family? Wtf! Ano pa 'yang mga pinagsasabi nila. Psh i know eavesdropping is bad but i just can't help it. My curiosity is killing me pero wala rin naman akong naiintindihan sa mga pinagsasabi nila.

              Pero pinagtuloy ko parin ang pakikinig sakanila pero dahil sa katangahan ko naapakan ko ang isang malaking bato kaya naman napasigaw ako sa gulat. Letse na batong 'to.

                  "May tao ba riyan?" sigaw ng lalaki kaya napatutup ako sa bibig ko

      Patay ako nito! Baka mahuli pa ako na nakikinig sakanila. Hala anong gagawin ko? Arg letse talaga 'yung bato. Shit! Shit pano na'to?

                "May tao ba riyan?" ulit naman ng babae. Shit!

Kaya naman no choice ako ulit at tumunog na parang pusa." Meow! meow!" acting ko

                "Ay pusa lang pala, tara na nga baka nagsisimula na ang party." sabi ng lalake phew! muntik na 'yun ah.

                "Ew may pusa dito? anong klaseng restaurant ito? tsk!" maktol naman ng babae. Wow ha ang arte naman ng babaeng ito. Tsk! may pa ew ew pang nalalaman.

                 "Tara na nga." sabi ng lalake atsaka kinaladkad ang babaeng maarte.

 Mabuti nga. Psh! ang o.a kasi 'eh kung makapagsalita heh! pero atleast naligtas na ako. wooh! muntik na talaga 'yun buti nalanang talaga at pinanganak ako na matalino at talented.




Edited : December 18, 2015

Our perfect destinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon