"So Good evening ladies and gentleman, Once again here we are...blah blah"
Whatever tss ang boring ha? talagang pag business lang. Hay ano ba 'yan. Gusto ko nalang umuwi pero kasi sina dad at mom ayaw pa ako pauwiin. Psh! ano ba naman kasi ang gagawin ko dito diba? tsk! ang boring talaga.
"Hi" napatingin naman ako ng may biglang kumausap saakin. Ngunit hindi ko siya pinansin. Eww lang talaga may gana pang lumandi itong gurang na lalaking ito saakin? Yucks lang ha hindi man lang nahiya. Ang kapal talaga ng mukha.
"Hi miss" ulit niya ngunit binigyan ko lang siya ng matalim na tingin dahil hindi ko na makayanan ang kanyang pagtingin saakin. Parang ang laswa kasi 'eh.
"You know what miss? you are not going to die by just simply saying hi to me also." sabi naman niya
Lalaki ba ito? ang daldal niya ha? pero infairness naman ha tama rin siya but whatever hindi nga ako mamatay physically ngunit mamatay naman ako sa laswa niyang tingin. But fine pagbigyan nga.
"At alam niyo rin 'ho mister, hindi rin naman kayo mamatay kapag itigil niyo na ang pag-uusap saakin at 'yang mga laswa mong tingin saakin. Mawalang galang na po but stop flirting me okay? tss." aalis na sana ako ng hinawakan niya ang braso ko. Oh no! may virus na ang braso ko. But oh well my alchohol ako so lalagyan ko nalanang pero talagang sinasagad ng matandang ito ang pasensya ko ha? talagang makakatikim ito ng upper-cut ko.
Ready na sana ako kung hindi lang ako pinigilan ng Kuya. Psh! wrong timing mo Kuya. Handa na sana akong mambogbog para maexercise ang mga kamao at mga muscle ko medyo matagal-tagal na kasi akong hindi nakakaexercise. Pero maswerte itong gurang na ito dahil savior niya kuya ko kung hindi matagal ng sabog at bali-bali ang mga buto niya.
"Stop that Aliyah and please Mr.Rodriquez Kindly get your hands off my sister's arm." sabi niya Kuya na may halong awtoridad na boses, nagulat naman si Gurang at saka ni let go ang braso ko. Tss buti nga. Takot pala ito kay Kuya 'eh.
"Oh im sorry Mr. Sy." sabi ni gurang atsaka na lumayas. Mabuti naman at naisipan na niyang lumayas. Sana kanina pa niya 'yun na isipan 'no? para naman hindi na ako mairita sakanya. Psh! may lahi rin pala 'yun ng bobo kahit na business man.
"Aliyah were looking for you ngunit narito ka lang pala, were so worried about you." sabi ni Kuya
"Sorry po" sabi ko sakanya tumango lang ito saakin but i understand he's seems so tired.
"Let's go may ipapakilala pa sila dad at mom sayo." sabi ni Kuya at nagsimula ng lumakad
Naiwan naman ako ng nakatulala. What? ipapakilala saakin? sino naman 'yun? wag niyong sabihin na isa sa mga admirer ko? Hahaha di joke lang pero di nga? sino yun? tss. Ang labo naman ng mga tao ngayon.
"Tara na upang masagot 'yang lahat ng mga tanong mo." sigaw ni Kuya
Wow! hanep! pati si Kuya alam na ang inisip ko? mind reader ba 'yun. Geez kakaiba na talaga ang mga tao ngayon. Tsk! Kaya sumunod nalanga ko kay Kuya. No choice rin naman 'eh dahil alangan naman na nakatunganga lang ako doon diba? tsk mahirap na.
Pumasok kami ni Kuya sa isang resort na katabi lang sa restaurant, Ha? anong ginagawa namin dito? Bakit ngayon ko pa alam na may lugar palang ganito didto? Pero ou nga naman hindi ko pala nalibot ang restaurant dahil nga na stuck ako sa dalawang tao na naguusap at sa gurang na ang laswa makatingin saakin.