Pagpasok namin sa hotel, nakita ko na kumpleto na naman sila, Like seriously? pwede bang iupdate naman nila ako diba? like duh ano to surprise lang ang peg? palagi nalang kasi akong out of place sa mga nangyayari simula pa kanina. Tsk!
"Ow they are already here so I guess we can already start." simula naman ni Dad umupo lang ako sa tabi ni Mommy since 'yun nalang ang vacant.
"Ano pong nangyayari dito? Hindi niyo naman po ako pinagsabihan na may family gathering pala tayo ngayon." sabi ko sakanila nagulat naman ako ng tumawa silang lahat.
Wtf?! Anong mali sa sinabi ko? Arg they are so unpredictable.
"Hahahaha your really funny iha." sabi naman ni Tita Jen na tawa parin ng tawa
Seriously anong nakakatawa doon?Tsk, "Well we can't blame her for that dahil may point naman talaga siya. Para rin naman kasi tayong nagkaget-together nito." sabi naman ni Ate napahinga naman ako ng maluwag.
Hay salamat at nakuha naman nila ang punto ko dahil kung hindi mas magmumukha akong tanga at ayaw kong mangyari 'yun. Ang ganda ko lang kaya para mapahiya.
"Well honey, may ipapakilala lang naman kasi kami sayo 'eh kaya kami kumpleto ngayon. " sabi naman ni Tito Cross
"Talaga po? sino naman 'yun?" napakunot nalang ang noo. Sino ba 'yun? Talaga bang napakaimportante ng taong 'yan upang paghandaan talaga nila ito? at sinama pa talaga ako.
"I think this is the right time, So Aliyah honey kindly meet your half sister." announce naman ni Daddy na talagang nakawindang saakin ng bonggang-bongga.
Half sister? What the fudge? Kelan pa ako nagkapatid at talagang may half pa ha bakit anong klase ba 'yang nilalang na 'yan? Half tao at half unggoy? tss pero di nga may anak pala si Dad sa labas bakit ngayon ko lang nalaman.
"I know honey your still quite astonish after what i announce to you. Well to answer all the questions you have in your mind right now. Yes may anak ako sa labas. Actually 5 years ago ko palang ito nalaman at sa kadahilan na rin na baka hindi mo matanggap kaya hindi ko muna ito sinabi sa'yo baka kasi magalit ka saakin but i hope maiintindihan mo na ako ngayon. " sincere na sabi ni Dad
"Pero bakit? I mean how? ilang taon na siya? at alam ba ito nila Mommy, ate at kuya?" tanong ko habang palipat-lipat ang tingin ko kila mommy, kuya at ate. Ngunit tumango lang sila at ngumiti ng pilit. I know they weren't happy also but they tried just for daddy.
"Yes, they already knew. I'm really sorry honey for keeping it to you." sabi naman ni Daddy
Honestly hindi ko na alam kung anong dapat kong maramdaman. Gusto kong magalit pero I know hindi rin 'yun kasalanan ni Dad but part of me was telling me na kasalanan niya rin dahil he's not being faithful to mom. Ou nga tama! Kung mas matanda pa ito kila Kuya at ate baka nga aksidente lang pero kung bata pa ito it means that daddy is cheating behind my mom's back.
"How old is she?" hindi ko mapigilan na magtanong
Napangiwi pa si Dad para bang nagdadalawang isip siya kung sasabihan niya ba ako o hindi pero kalaunan sinabihan niya rin ako,"She's already 19 years old." agad naman akong napatutup sa bibig ko. So it means he's not being faithful to mom dahil mas nakakabata ito kila ate at kuya, mas matanda nga lang saakin ng isang taon.
Magsasalita na sana ako ng may tumikhim, "Ehem" kaya naman napalingon ako at nakita ko sa may pintuan ang isang babaeng medyo mas matangakad pa saakin. Maganda siya 'yun nga lang parang iginudnud ang mukha niya sa isang sakong harina dahil sa kaputian na mas mauti pa sa balat ng kanyang mga braso at buong katawan. 'yung mukha niya naman ay para ring coloring book, aba ang kapal naman kasi ng make-up niya at seriously? naghihirap na ba talaga siya dahil ultimo tela ay nagigipitan siya? tsk kawawa naman pala siya.
"I'm Frenchesca Sy nga pala." ngumiti naman siya saakin at parang nag-alok ng shake hands sympre hindi naman ako ganoong kasama upang hindi 'yun tanggapin. Kaya kahi na nagaalangan ako tinanggap ko 'yun at ngumiti na rin sakanya.
"I'm Aliyah Sy." sabi ko nalang at pilit na ngumiti
"Okay since ok na ang lahat. We should celebrate." sabi naman ni Daddy na halatang masayang-masaya. Kila mom, ate at kuya naman ay ngumiti naman sila pati narin ang mga tita's at tito's namin. Maybe they are happy too? or they were just trying to? Err ang mean ko. Pero kasi naman 'eh hindi naman talaga kadaling matanggap 'yun lalo na sa pamilya namin. Aaminin ko ang sakit lang kasi 'eh.
Tumingin naman ako nila Mom, kuya at ate but I caught them looking at me also ngunit ngumiti lang sila saakin -- ng pilit. Hayy siguro kailangan ko nalang ring tanggapin katulad ng ginawa ng pamilya ko. Ano ba naman kasi ang magagawa namin 'eh nandyan na siya 'eh ang anak ni dad. Alangan naman at ipabalik namin ito sa sinapupunan ng mommy niya. Tsk! I just hope na hindi spoiled brat 'yung bagong sister namin dahil kung hindi naku talaga magkakasubukan talaga kami.
"Ate" kinulbit ko si ate habang nagiinom siya ng wine tumingin naman siya saakin
"Masaya ka ba?" tanong ko ngunit she just shrugged her shoulders at ngumiti ng mapait,"pinipilit" sagot niya
"Bakit mo kailangang pilitin? pwede mo naman ipakita ang totoo." tanong ko bumuntong hininga lang ito sa tanong ko. "I love daddy kaya kung makita niya hindi tayo masaya 'eh malulungkot din siya at ayaw kong mangyari 'yun kaya ikaw dapat happy ka." sabi niya saakin
"Ang hirap ate." sabi ko at pilit na ngumiti bu i guess i failed," I mean no offense ate, since nandyan ka ikaw na 'yung favorite girl ni Daddy tapos parati nalang akong second kahit na ginagawa ko na lahat. Palagi nalang kasi akong pangalawa tapos ngayon dadating 'yung bago niyang anak, don't tell me pangatlo na naman ako? Ayaw ko nun ate." mangiyak-ngiyak na sabi ko
Ou totoo 'yun, si Ate naman talaga 'yung favorite niya since before pero hindi ko naman sinasabi na hindi ko mahal si Dad syempre mahal ko siya 'yun nga lang parang parating kulang lahat ng effort ko upang mapansin niya ako. Tapos ngayon madagdagan na naman? Baka ni katiting oras wala ng maibigay si Daddy saakin.
"Hindi naman siguro ganun bunso dahil ako rin naman ay hindi rin ako papayag." sabi naman ni ate
"But we can't be so sure ate but hopefully sana nga na hindi ganun." sabi ko nalang
"How do you find her?" tanong ni ate napatingin naman ako sakanya
"What do you mean? " tanong ko
"The new member of our family." umiwas naman si ate ng tingin. I see pati rin pala siya hindi sanay na may bago kaming kapatid.
Napabuntong hiniga ako bago siya sinagot," She's fine but there's something on her aura that i don't like but i just can't point out what it is." honest na sagot ko
"How about you?" tanong ko sakanya ngumiti naman siya bago sumagot,"Same thing sa sinagot mo kanina. I mean she's fine but i don't like her the way she acts, she wear dresses I mean sinong matinong babaeng magsusuot na ganyang kaliit na dress?" sabi naman ni ate na napailing-iling. So all along pareha lang pala kami ni Ate
"Yeah but we still don't know her that much so we don't have the rights to judge. I mean let's just have some observation bago natin siya ijudge diba ika nga nila na don't judge the book by it's cover." sagot ko sakanya
Agad naman namangha si ate sa sagot ko, "wow! bunso ikaw ba yan." kaya naman sinamaan ko siya ng tingin at tumawa lang ito, "woah woah chill there but oh well i salute you for that. You already grown up too fast, lady and see, you analyse like a matured woman already hahahaha i'm so proud of you keep it up." sabi niya at ginulo ang buhok ko.
Ugh! sa lahat ng ayaw ko ay ang guluhin ang buhok ko. Aish! kainis talaga itong si ate pero hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa sinabi niya.
Maybe i analyse like a matured woman already lalo na't sa mga problema na hinharap ko ngayon, sino ba naman ang hindi magiging matured no? but oh well i'm really happy. Maybe pagbalik niya ngayon dito sa pilipinas may maipagmayabang na ako sakanya. Hindi na kasi ako 'yung childish na chinichill lang ang problema -- na parating pinamumukha niya saakin.
Aish! Ano ba Aliyah. Its all in the past now so dapat kalimutan ko na siya. tsk!