Chapter 3: Greater Things Are Yet To Come!

326 29 7
                                    

“THE LORD IS PREPARING THE BEST LOVE STORY FOR YOU.” 

*Boracay*

November 21, 2014

Chenel's P.O.V

Grabe, maaga talaga akong gumising para ayusin ang lahat ng kailangan namin ni tita, inayos ko ang table sa labas ng resort at nilagay ang mga merienda ng mga turista kasi sabi ni tita malayo daw ang biyahe nila kaya nag-order daw ang mga ito ng merienda para sa kanilang pagdating. Excited ako ngayon sa mangyayari kasi tiyak magiging busy ulit ako, malilimutan ko ang lungkot na aking nadarama dahil malayo sa pamilya. Kumain na ko ng kumain bago dumating ang mga bisita para marami akong lakas mamaya.

Ok na ang lahat naka set na ang dapat iset, medyo gamay ko na ang mga dapat kong gawin hindi tulad nung isang araw na parang nagoojt (On the Job Traning) palang ako. Mukhang natatanaw ko na ang bangka na sakay ang mga turista, pero mukhang... "Ouch." nag aalburoto yata ang tiyan ko, ano ba yan bakit ngayon pa kung kailan parating na ang mga bisita. Kainis,,, "Tita, magsiCR lang po ako, parang hindi maganda ang nakain ko po kanina." sabi ko kay tita. "Sige, bilisan mo at hayan na ang mga bisita." sabi ni tita. Medyo malayo ang comfort room dito, kaya kailangan kong magmadali kung uuwi naman ako sa bahay ni tita mas malayo. Nagmadali akong tumakbo papuntang CR at pagdating ko, naku patay, puno ang CR ng mga babae, ano ba yan bakit ngayon pa, nakakahiya namang sumingit ang daming nakapila. Malayo pa ang susunod na Comfort Room dito, hindi na aabot. Nakita ko ang CR ng mga lalaki naglabasan ang isang grupo ng mga lalaki, mukhang wala ng masyadong tao dun, dun nalang kaya ako, sisimplehan ko nalang.

Pagpasok ko sa CR ng mga lalaki, tama nga ako, walang tao. Ano ba yan isa lang ang 'inidoro' at pagbukas ko ng pinto nito, patay, sira pa. Pagminamalas ka nga naman, (Oooppps, wala nga pala sa bokabularyo ko ang salitang 'malas' dahil ang lahat ay nakatadhana basta't sundin lang natin ang nais ng Panginoon). Inayos ko ang pintong sira, habang nakaupo ako sa trono ay hawak hawak ko ang pinto para kaya kong pigilan kung meron mang magbubukas nito. Hay naku, sana walang pumasok dito, sandali lang naman ako mga 10 minutes lang.

(Pagbaba ng mga turista sa bangkang kanilang sinasakyan)

Tita Maricar's P.O.V

Ang tagal naman yata ng pamangkin ko heto na ang mga bisita. 

"Welcome to Boracay" sabi ko. "I'm Maricar Silverio, you can call me Tita Maricar or Aunty Car." Sinabitan ko ng kuwintas na bulaklak ang lahat ng mga turistang bisita bilang pagwelcome sa kanilang lahat. Lahat sila ay nagpakilala isa isa. Parang ang tagal ni Chenel huh, "Almira (pangalan ng assistant ko) pakitext nga si Chenel na bilisan niya at nandito na ang mga bisita." Inentertain ko muna ang mga bisita at pinakain ng merienda dahil mahaba ang biyahe nila. Lumapit sa akin ang isang gwapong turista, pero pinoy na pinoy ang itsura niya kasi moreno at medyo malaki ang muscle niya, kitang kita dahil nakasando siyang puti. "Aunty Car, pwede po bang gumamit ng wash room." Aba nagtatagalog pala ang turistang ito at maayos siyang magtagalog huh, hindi nabubulol. "Sige, pasasamahan kita kay Almira." sabi ko naman. Tinawag ko si Almira na samahan si,,, "What's your name again?" sabi ko sa kanya. "Ron po, Ron na lang po ang itawag niyo sa akin." sabi ng gwapong turista. 

"Almira, pakisamahan naman si Ron sa Wash Room." sabi ko. "Halika, Ron ituturo ko sayo ang wash room ng mga lalaki." sabi naman ni Almira.  

*Wash Room/Comfort Room*

"Sir Ron yan ang wash room ng mga lalaki." sabi ni Almira. "Thanks Almira." sabi ni Sir Ron. "Hintayin nalang po kita dito sa labas." sabi naman ni Almira.

Wait, True Love My Love!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon