"After 10 years; kung hindi ka pa kinasal sa iba, papakasalan kita" sabi ng isang batang lalake
"Promise? Baka makalimutan mo ako o may makita ka nang iba na mas maganda pa sa akin?" sabi ng isang batang babae
"Hindi talaga ako maghahanap ng iba. Promise. Babalikan kita. Cross my heart. Hope to die." sabi ng batang lalake
"Maghihintay ako sayo habang buhay man..." sabi ng batang babae
Hangga't ngayon. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang promise namin sa isa't isa. Nangako siya sa akin na babalikan niya ako. Hangga't sa mamy nabalitaan ako na nagkaroon ng isang aksidente at nagka-amnesia. Sumpa namin sa isa't isa na kami ang magkatuluyan noong kami pa ay 8 years old. Pero sa biro ng tadhana ay baka hindi matuloy ang mga pangako namin sa isa't isa. 9 years later, isa na akong ganap na 17 years old na babae na 'No Boyfriend Since Birth.' Umasa parin ako na balang araw ay magkikita kami at ok na ang lahat. At dahil sa mga maraming taong lumipas ay hindi ko na alam kung nasaan siya, pati pagmumukha niya ay nakalimutan ko na. Tanging alala ko lang ay ang pangalan niya. Kumusta na kaya siya?...
**Present Day**
"Hi everyone, Good Day to all of you. I'm Claire Allyssa Montego a.k.a. Ally. I hope this year, I will have many friends to cherish with me #^_^#" pakilala ko sa kanila sa harap ng klase. 1st day of class kasi ngayon eh. And yes, I'm a college student (Freshmen). Yay! COLLEGE NA AKO! Aja!
2 Years -este Hours Later
Lumabas na kami sa aming classroom at pupunta sa cafeteria. 10:30 AM na kasi eh, Snack break namin yan.
"Best, ok lang ba ang speech ko kanina?" tanong ko kay Tin-Tin
"Oo naman syempre! Nakaka-nosebleed" Sabi ni Meryll
"Teka nga! Bakit ikaw ang sumasagot? Ikaw ba ang tinanong niya? Di ba hindi?" sabi ni Tin-Tin
"Guys, wait. Bakit niyo ako iniwan ha? Naligaw tuloy ako." sabi ni Anna
"Psst! Guys, pwede bang hinaan niyo ang mga boses nyo baka may makarinig sa atin at mapagkamalan pa tayong bata pa sa kakasigaw" paliwanag ko sa kanila
Oo nga pala. Sila pala ang aking 'best-of-friends'. Sina Meryll Debil a.k.a. Meryll (hindi siya Devil ha); Christine Antoniette Demaguiba a.k.a. Tin-Tin; at si Ann Riva Delos Santos a.k.a. Anna. Si Meryll ay ang anak nang nagmamayari sa isang pinakasikat na shoes store sa buong lungsod ng Dumaguete. Kapangngalan din niya ang pangngalan sa kanilang business. Si Tin-Tin naman ay ang anak nang may-ari ng university na kung saan kasalukuyang nag-aaral ako dito. Ang Stapleston University, isa itong high-standard university na kadalasan lahat nang mga mag-aaral dito ay mala-Einstein ang brain. Ang iba naman dito ay natanggap sa scholarships dahil sa kanilang talents at skills. At dahil bestfriend kami ni Tin-Tin, pinayagan kami na dito mag-aaral. Si Anna naman, ang pamilya nila ang may ari ng isang pinakamagaling na animal clinic sa buong asya. Tuwing dadalaw kami sa kanilang bahay ay maraming cats and kittens sa bakuran nila. Paborito kasi ni Anna ang mga cats eh'.
"Ahm excuse me. Ikaw ba si Meryll Debil? The MERYLL DEBIL?" tanong nang isang nerd na babae
"Yes" simpleng sagot ni Meryll
"AAAAHHHMAYGHADD!! Ikaw nga, Ang pamilya niyo ang may ari ng Meryll Shoes Store. Pwede bang bigyan nyo ako ng discount kapag bibili ako ng shoes doon. Gusto kung bumili ng sapatos doon pero wala akong pera eh" paliwanag ni nerd girl
"Ah ganoon ba, teka lang" may kinuha si Meryll sa kanyang bag. Something smells fishy. Kinuha niya yung isang...
"GIFT CERTIFICATE!!!" sigaw naming tatlo
"Ito, ibigay mo to sa cashier kapag bibili ka ng tatlong piraso ng sapatos" sabi ni Meryll
"OMG! Thank you so much talaga. As in... Thank you talaga ha!" sabi ni nerd girl tapos lumakad palayo samin. Kitang kita ko ang lapad ng mga ngiti niya ^____________^
BINABASA MO ANG
The 'UNPREDICTED' Teenage Love Story (ON HOLD)
Teen FictionMeet Claire Allyssa Montego (a.k.a. Ally) anak nang isang multi-billionaire airline company. Maganda, NBSB, Perfectionist, at medyo may pagka-highblood pagnagagalit. Nasa-hate list niya si Darren Castillo Meet Darren Castillo, isang hearthrob guitar...